Upang mamuhay ng mahaba at malusog, ang mga taong may diabetes ay maingat sa kanilang kinakain araw-araw. Ang hindi pagpili ng mga kakainin ay magpapalala ng diabetes. Ang pagpili ng pagkain upang magsulong ng stable blood sugar ay susi upang maiwasan ng mga diabetics ang komplikasyon at mamuhay nang malusog. Kaya’t ano ang ligtas na masustansyang pagkain para sa diabetic?
Pagkain para sa Diabetic: Ang Pinakamainam na Piliin Upang Makontrol ang Blood Sugar
Ang mga pagkain na naglalaman ng glucose ay ginagamit ng katawan bilang pinagmumulan ng enerhiya. Lahat ng mga pagkain na kinokonsumo mo ay naaapektuhan ang pangkalahatang lebel ng blood sugar ng iyong katawan.
Kailangan na maging maingat ng mga diabetics sa pagpili ng pagkain upang manatiling stable ang blood sugar. Sa mahabang panahon, ito ay nakatutulong upang maiwasan ang komplikasyon sa diabetes.
Karagdagan sa pag-iwas ng mga pagkain na mataas sa sugar, kailangan mo rin na malaman kung anong pagkain ang dapat mong ikonsumo. Sa pangkalahatan, inirerekomenda ng mga doktor ang mga pagkain para sa diabetic na may mababang glycemic index.
Ang glycemic index (GI) ay ang pagsukat kung gaano kabilis na tumataas ang blood sugar ng katawan sa pagkain na kinokonsumo. Ang mga pagkain na may mababang glycemic index ay mas matagal ang proseso na maging glucose. Sa ganitong paraan, ang blood sugar ay mas magiging stable.
Ang mga sumusunod ay listahan ng mga mababa sa blood-sugar na pagkain para sa diabetic na may mababang glycemic index.
1. Mais
Ang mais ay may mababang glycemic value, kaya’t maaari itong gamitin bilang pagkain para sa diabetic na pamalit ng kanin.
Ayon sa Harvard Medical School, ang GI value ng 100 grams ng mais ay 46, habang ang glycemic load ay 14. Sa pagkukumpara, ang glycemic load para sa 150 grams ng puting kanin ay 29. Ang mababang glycemic load para sa pagkain ay mas mainam para sa mga taong may diabetes.
Karagdagan, ang mga pagkain para sa diabetic ay naglalaman din ng fiber at starch (isang uri ng complex carbohydrate), na mas matagal na natutunaw sa katawan. Bilang resulta, ang lebel ng blood sugar ay hindi tumataas nang mabilis matapos kumain.
Ang mas mahabang proseso ng pagtunaw ay nagpapabusog sa mas mahabang panahon. At makaiiwas ito sa kagustuhan na kumain ng hindi masustansyang pagkain.
Ang pag-aaral sa journal ng Food Science and Human Wellness ay napag-alaman kamakailan na ang regular na pagkonsumo ng mais ay makatutulong sa mga taong may diabetes na makontrol nang mas mabuti ang kanilang blood sugar.
2. Kamote
Karagdagan sa pagiging filling, ang kamote ay pagkain para sa diabetic na nagbibigay ng benepisyo sa pagkontrol ng blood sugar.
Ang kamote ay akmang pagkain para sa diabetics dahil may mas mababang glycemic index ito kaysa sa patatas. Ang glycemic value ng isang serving ng pinakuluang kamote ay 44 habang ang pinakuluang patatas ay 80.
Naglalaman ng nutrisyon na fiber, bitamina A, bitamina C at potassium ang kamote at mainam ito para sa diabetes.
3. Whole Grain
Ang whole grain ay ilan sa mga masustansyang pagkain para sa diabetic. Kabilang dito ang mga pagkain na mababa ang glycemic value na may mataas ding fiber. Ang kombinasyon ng mababang GI at mataas na fiber ay makatutulong na magpabagal ng absorption ng glucose sa dugo.
Karagdagan, ang whole wheat ay naglalaman din ng bitamina at mineral na umaayon sa nutrisyon na kinakailangan ng diabetic. Maraming mga uri ng whole grains na mainam para sa diabetes kabilang ang:
- Brown rice
- Quinoa
- Barley
- Black rice
- Buckwheat (horse wheat o buckwheat)
4. Green Leafy Vegetables
Ang ilang starchy na gulay ay maraming carbohydrates at mataas ang glycemic index. Gayunpaman, hindi lahat ng gulay ay naglalaman ng starch.
May mga non-starchy na gulay na mayroong carbohydrates at mababa ang glycemic index, ang halimbawa nito ay ang mga green leafy vegetables.
Ang mga berde at madahon na gulay ay mayaman sa antioxidants lutein at zeaxanthin. Ang parehong antioxidants ay pumoprotekta sa mga mata mula sa macular degeneration at katarata. Karaniwang komplikasyon ng diabetes ang parehong kondisyon na ito.
Narito ang ilang uri ng berdeng gulay na nirerekomenda bilang pagkain para sa diabetic:
- Broccoli
- Spinach
- Mustard
- Bok choy
- Repolyo
Maaari kang kumain ng iba’t ibang berdeng gulay mula sa mga sariwang gulay, mixed salads, soups, stir-fries, at iba pa.
Inirerekomenda ng mga eksperto na ang parehong diabetic at malusog na indibidwal ay kumonsumo ng nasa 250 grams ng gulay kada araw. Ang amount na ito ay equivalent sa dalawa at kalahating serving ng nilutong gulay.