Ang pagkain ng light mid-morning at afternoon snacks ay bahagi ng araw-araw na routine ng maraming tao. Gayunpaman, ang mga indibidwal na na-diagnose ng diabetes ay kailangang maging maingat sa pagkain na kanilang tine-take upang maiwasan ang anumang medikal na komplikasyon. Kaugnay nito, hindi na nakapagtataka kung marami ang naghahanap sa online ng merienda for diabetics, dahil malaki ang pwedeng itulong nito sa pagpapabuti ng blood sugar levels at diet ng isang tao.
Gumawa kami ng maikling listahan para sa mga merienda na pwedeng subukan ng mga taong diabetic. Gayunpaman, ang lahat ng mga mababasa sa artikulong ito ay hindi kapalit ng anumang medikal na payo, diagnosis, at treatment na nagmumula sa doktor at ospital.
Merienda For Diabetics: Nilagang Itlog o Hard-Boiled Egg
Ang nilagang itlog ay pwede mong isahog sa maraming putaheng pagkain gaya ng lugaw, at kilala rin ito bilang mabilisang pamatid ng gutom. Dagdag pa, pwedeng kainin ang nilagang itlog sa merienda, dahil mabilis itong lutuin at abot-kaya ang presyo nito. Ang pagkain ng 1 o 2 itlog ay mahusay na pampawi ng gutom na nararamdaman ng mga diabetic.
Mahalaga kasi na hindi dapat makaramdam ng madalas na pagkagutom ang mga diabetic. Nagiging sanhi ito para mas gustuhin nilang kumain pa nang mas madami. At kapag nakaramdaman sila ng sobrang pagkagutom na humantong sa hindi na nila kayang makontrol ang kanilang pagkain, pwedeng maging dahilan ito ng pagkasira ng kanilang diyeta. At sa oras na masira ang kanilang diet maaari itong humantong sa mga sumusunod:
- Sobrang katabaan
- Pagtaas ng blood sugar level
- Iba pang medikal na komplikasyon sa diabetes
[embed-health-tool-bmi]
Merienda For Diabetics: Popcorn
Ang popcorn ay madalas na kinakain ng mga tao sa oras ng panonood ng sine at midnight snacks. Bukod dito, maganda rin ang popcorn bilang merienda para sa mga taong diabetic dahil may fiber ito na makakatulong para mapabuti ang kalusugan ng isang tao.