backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Sanhi ng Obesity: Anu-Ano Ba Ang Posibleng Dahilan?

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD · Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Lorraine Bunag, R.N. · a

    Sanhi ng Obesity: Anu-Ano Ba Ang Posibleng Dahilan?

    Isang katotohanan na ang isang tao ay maaaring maging obese  depende sa kanilang dietary at lifestyles. Gayunpaman, maaaring may  iba pang kadahilanan na nagdudulot sa mga tao na makakuha ng labis na timbang. Ano ang sanhi ng obesity at posible bang maalis ang mga sanhi nito? Alamin dito.

    Ano ang Obesity?

    Dahil pag-uusapan natin kung ano ang nagiging sanhi ng obesity, tama lang na magsimula tayo sa kahulugan nito. Kapag ang isang tao ay obese, nangangahulugang ito na mayroong  labis na dami ng taba sa katawan. Ngunit  may mga bagay na hindi masasabi sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa kanilang katawan.

    Para masuri ng mga doktor ang obesity ginagamit nila ang BMI o Body Mass Index. Ang tool na ito ay naghahambing ng timbang ng isang tao sa kanilang taas upang matukoy kung wasto ang timbang. Sa pangkalahatan, kung mayroon kang sukat na BMI na 30 pataas, maaaring sabihin ng doktor na ikaw ay obese. Karagdagan, maaari kang gumamit ng tool na ito upang suriin kung ano ang iyong BMI.

    Mahalagang tala : Minsan iniisip ng mga tao na ang  obesity ay isang usaping estetika ngunit sa totoo lang, ito ay isang komplikadong sakit na nagpapataas ng panganib ng isang tao sa iba’t ibang mga kondisyon kabilang ang diabetes, kanser, at sakit sa puso.

    Ano ang Sanhi ng Obesity?

    Diet at Lifestyles

     Ang ilang mga tao ay obese  dahil sa kanilang diet at  lifestyles Binibigyang-diin ng mga doktor na ang pagkakaroon ng high-calorie diet na may napakakaunting prutas at gulay sa kanilang mga pagkain ay nagpapataas ng panganib ng obesity. Kasama rin sa iba pang mga risk ang pagkonsumo at pag-inom ng mga liquid calories tulad ng alkohol, matamis na katas ng prutas, at soft drinks.

    Gayundin, ang gawain na  palaging nakaupo. Ang mga gawain tulad ng paglalaro ng computer games at pag-surf sa internet ay tinatawag na “sedentary activities” dahil sa kawalan ng pagkilos. Sinasabi ng mga eksperto na ang palaging pagtingin sa screen ay maaaring makahikayat  ng paggamit ng mas maraming kaloriya, at hindi ito nagtataguyod ng calorie-burning. Tingnan mo, kapag mas maraming oras ng pagharap sa screen, mas malamang na hindi  nag-ehersisyo.

    Narito ang ilang dahilan, bukod sa diet at lifestyles, na  maaaring maging sanhi ng obesity . Isa-isahin at ipaliwanag natin. 

    Genetics

    Ano ang nagiging sanhi ng obesity ? Ang isang dahilan na hindi maaaring baguhin ay henetika. Ang genes ay may papel sa kung gaano karaming taba ang iniimbak ng iyong katawan at kung saan ang iyong katawan ay nag-iimbak ng mga ito. Bukod pa rito, ang genes  ay naglalaman din ng mga direksyon kung gaano kahusay magsunog ng mga kaloriya sa pamamagitan ng ehersisyo. Kapansin-pansin, ang genes ay nakakaapekto sa  gana.

    Gayundin, ang “mana” ay nagdudulot ng obesity, nagdidikta ito ng kondisyon sa kalusugan na sanhi ng obesity. Halimbawa, may genetic disorder na tinatawag na Prader-Willi Syndrome, may mataas na panganib sa obesity. Sa Prader-Willi Syndrome, ang pasyente ay maaaring kumain nang labis dahil sila ay may labis na gana sa pagkain. Kalaunan ay humahantong sa hindi malusog na pagtaas ng timbang.

    Sa kabila ng papel na ginagampanan ng henetika, binibigyang-diin ng mga  eksperto  sa medisina na ang sanhi ng obesity ay higit na maiuugnay sa mga risk sa kapaligiran kaysa sa mana. Bagama’t may ilang katotohanan sa pagsasabi na “ito ay nasa aking genes,” ngunit  walang dahilan upang hindi pumayat. 

    Binibigyang-diin din ng mga doktor na sa ilang mga kaso ng obesity ay ” runs in a family, “ ngunit mas higit na sanhi ang sedentary lifestyle at dietary habits ng pamilya.

    Kondisyon sa Kalusugan

    Ano ang nagiging sanhi ng obesity? Para sa iba, pinagbabatayan ay  kondisyon ng kalusugan, tulad ng hypothyroidism o Cushing’s Syndrome, ay nag-trigger ng kanilang labis na pagtaas ng timbang.

    Ang hypothyroidism ay isang kondisyon kung saan ang isang tao ay may di-aktibong thyroid gland. Dahil ang thyroid gland ay hindi kasing aktibo,  ito ay gumagawa ng mas kaunting thyroid hormone. Ang thyroid hormone ay responsable para sa mga metabolic process ng katawan, at ang kakulangan ng partikular na hormone ay nagreresulta sa akumulasyon ng labis na asin at tubig, na humahantong sa pagtaas ng timbang.

    Ang Cushing’s Syndrome, sa kabilang banda, ay isang kondisyon kung saan ay masyadong maraming hormone, cortisol (isang steroid hormone). Ito ay humahantong sa mga sintomas tulad ng pagkakaroon ng timbang sa paligid ng katawan, leeg, at balikat.

    Gayunpaman, itinuturo ng mga medikal na eksperto na kung ang mga kondisyong ito ay matukoy at magagamot nang maayos, hindi sila magdudulot nang labis na problema para sa mga taong gustong magpapayat..

    Gamot

    Sa ilang pagkakataon, ang mga gamot ay maaaring mag-trigger nang labis na pagtaas ng timbang. Kabilang sa mga halimbawa ng mga gamot na ito ang

    • gamot na panlaban sa seizure
    • Antidepressant
    • beta-blocker para sa altapresyon
    • antipsychotic, tulad ng mga gamot para sa schizophrenia
    • gamot para sa diabetes
    • steroid

    Gayunpaman, kahit na ang mga gamot na ito ay maaaring magdulot ng labis na pagtaas ng timbang o obesity, ang mga ulat ay nagsasabi na maaaring mag-diet  at mag-ehersisyo. Ang pinakamainam na paran ay makipag-usap sa eksperto  at doktor  sa posibleng paraan upang labanan ang pagtaas ng timbang.

    Hindi Wastong Coping Mechanisms

    Huli sa listahan ng iba pang dahilan ng obesity ay ang hindi malusog na coping mechanisms.

    Narinig mo na ba ang “stress eating?,” kumakain upang makayanan ang stress sa  isang tiyak na sitwasyon. Ang pagtigil sa paninigarilyo bilang isang  halimbawa.

    Maraming doktor ang nagsasabi na ang labis na pagtaas ng timbang ay maaaring mangyari pagkatapos huminto ang isang tao sa paninigarilyo. Gumagamit ng pagkain upang matulungan na makayanan ang mga sintomas ng pag-withdraw. Sa  kadahilanang ito, ang indibidwal na nakakaranas ng mga problema sa kanilang timbang pagkatapos huminto sa paninigarilyo ay hinihikayat na makipag-usap sa kanilang doktor.

    Upang maiwasan ang stress eating (tinatawag ding emosyonal na pagkain), ang mga tao ay naghahanap  coping mechanism tulad ng  malalim na paghinga, pagkuha ng sapat na pahinga, pagtulog, at pagtanggap sa mga bagay na hindi nila kontrolado.

    Key Takeaways

    Ano ang nagiging sanhi na obesity? Maraming  kadahilanan, ngunit  karamihan ng mga kaso ay hindi magandang diet  at kakulangan ng ehersisyo. Gayunpaman, kung nahihirapang magbawas ng timbang sa kabila ng pagpapanatili ng healthy lifestyles at balanseng diet, pinakamainam  na komunsulta sa iyong doktor.
    Tandaan na ang obese ay isang sakit na nagpapataas ng panganib ng iba pang malubhang problema sa kalusugan tulad ng kanser,diabetes, at mga sakit sa cardiovascular. Kaya, prayoridad  ang  pagpapanatili ng malusog na timbang. 

    Matuto pa tungkol sa obesity rito.

    Isinalin sa Filipino ni Dr. Nina Christina Zamora

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyung medikal ni

    John Paul Abrina, MD

    Oncology · Davao Doctors Hospital


    Isinulat ni Lorraine Bunag, R.N. · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement