backup og meta

Gamot sa Diabetes na Natural, Alamin Dito!

Gamot sa Diabetes na Natural, Alamin Dito!

Hindi mo dapat ikalungkot ang pagkakaroon ng diabetes mellitus. Bagaman wala itong lunas, maaari mo pa ring makontrol ito upang hindi ka maabala ng mga sintomas ng diabetes at mamuhay nang normal. Karagdagan sa pagpapanatili ng malusog na lifestyle, at pag-inom ng gamot, tulad ng insulin, ang alternatibong gamot, o kahit na anong natural na gamot sa diabetes ay ang mas pinipili ng maraming mga Pilipino.

Halamang Gamot bilang Natural na Gamot sa Diabetes 

Ang pagpapanatili ng normal na blood sugar ang susi upang manatiling malusog kahit na may diabetes. Sa dami ng mga paraan upang makontrol ang blood sugar, ang paggamit ng natural na gamot mula sa halamang gamot ay kilala bilang supporting therapy para sa diabetes.

Ang rason dito ay marami ang naniniwala na ang natural na sangkap ay may kaunting side effects. Mura lang din ang mga ito at pangkalahatan na ligtas. Kaya’t anong natural na gamot sa diabetes ang magpapababa ng lebel ng blood sugar?

gamot sa diabetes

1. Ginseng

Ang ginseng ay kilala sa buong mundo, salamat sa reputasyon nito na makagamot ng iba’t ibang sakit. Ginagamit na ng mga tao ang ugat ng halaman na ito sa nakalipas na libong taon upang magpalakas ng stamina.

Napag-alaman ng isang pag-aaral na ang ginseng ay may natural na sangkap na magagamit bilang natural na gamot sa diabetes. Ang ilang compounds sa ginseng ay makatutulong mag-regulate ng absorption ng glucose sa katawan. Ito ay nakaiiwas sa mabilis na pagtaas ng blood sugar.

Isa pang pag-aaral na nailathala sa Journal of Medicinal Plants Research ay nagpakita rin ng pagiging mainam ng ginseng bilang natural na gamot sa diabetes. Parehong ang ugat, bunga at ang mga halaman ng ginseng mula sa American at Asian species ay epektibo at nakatutulong na makontrol ang lebel ng blood sugar.

Mula sa resulta ng pag-aaral, ang ginseng ay nakababawas ng fasting blood sugar (GDP). Maging blood sugar sa dalawang oras matapos kumain (GD2PP), at blood sugar sa nakalipas na 3 buwan (HbA1c). Gayunpaman, ang tindi ng epekto nito ay iba-iba, depende sa bilang ng active compounds na nilalaman ng bawat uri ng ginseng.

Maraming mga pag-aaral na may mas malawak na scope ang kinakailangan upang masiguro ang pagiging epektibo ng ginseng bilang tradisyonal na gamot sa diabetes. Bago kumonsumo ng ginseng bilang natural na gamot sa diabetes, konsultahin muna ang iyong doktor.

gamot sa diabetes

2. Turmeric

Hindi lang herb bilang pampalasa ang turmeric, ito rin ay may potensyal bilang natural na gamot sa diabetes upang makontrol ang blood sugar. Ang benepisyo ng turmeric ay nagmumula sa nilalaman na antioxidant nito.

Sa pagkonsumo ng tradisyonal na gamot na ito, ang blood sugar ng isang diabetic ay maaaring bumaba ng 18% matapos kumonsumo ng 300 mg ng turmeric kada araw.

Ang pag-aaral na mula sa Diabetes Care ay nagpakita na ang pagkonsumo ng 1.5 grams ng turmeric kada araw sa 9 na buwan ay nakaiiwas na mag-develop sa type 2 diabetes sa mga taong may prediabetes. Karagdagan, ang turmeric ay nagpakita rin na nakaiiwas ito sa komplikasyon ng diabetes.

gamot sa diabetes

3. Cinnamon

Ang sunod na natural na gamot sa diabetes ay ang cinnamon. Ang spice na ito ay pinaniniwalaan na nakababawas ng lebel ng insulin resistance. Ito rin ay nagpapababa ng lebel ng blood sugar matapos kumain, at lumalaban sa inflammation dahil nakapagpapataas ito ng glucose metabolism.

Isa sa mga pag-aaral na sumusuporta sa benepisyo ng cinnamon sa pagpapababa ng blood sugar ay ang pag-aaral mula sa Journal of Diabetes Science and Technology. Napag-alaman ng pag-aaral na ang pagkonsumo ng 1, 3 o 6 na gramo ng cinnamon kada araw para sa mga taong may type 2 diabetes ay nakapagpapababa ng lebel ng sugar at banta ng komplikasyon sa diabetes na kaugnay ng high blood pressure at sakit sa puso.

Syempre, hindi ibig sabihin nito na ang pagkain ng cinnamon ay magiging ayos na sa iyo na kumonsumo ng sugar at carbohydrates. Kailangan mo pa ring sundin ang rules sa pagkain ng mga masusustansya kung ikaw ay may diabetes.

Upang idagdag sa iyong diet ang gamot sa diabetes na natural, subukan ang mga sumusunod:

  • Magdagdag ng ½ kutsara ng cinnamon kada araw sa iyong diet, sa pagkain man o inumin. Laging konsultahin muna ang iyong doktor.
  • Laging gumamit ng parehong dose kada araw upang maiwasan ang mabilis na pagbabago ng lebel ng blood sugar.
  • Gumamit ng cinnamon powder o stick sa halip na processed cinnamon products tulad ng cinnamon oil. Ang Methylhydroxychalcone polymer (MHCP), na main ingredient sa cinnamon na may insulin-like effect ay nagpapataas ng insulin sensitivity, ay hindi nakikita sa cinnamon oil.

Marami pa ring mga pag-aaral na ang resulta ay hindi akma sa epekto ng cinnamon sa pagkontrol ng lebel ng blood sugar. Kailangan pa ng maraming mga pag-aaral upang makumpirma na ang cinnamon ay epektibong gamot. 

gamot sa diabetes

4. Black Cumin

Ang black cumin ay pinagkakatiwalaang natural na gamot sa iba’t ibang sakit, kabilang na ang diabetes. Lumalaban ito sa inflammation, nagpapababa ng lebel ng blood fat, at nagpapanatili ng kalusugan ng puso at atay. Ang pag-aaral mula sa journal ng Oxidative medicine at cellular longevity ay isinagawa sa mga hayop at napag-alaman ang parehong benepisyo.

Ang benepisyo ng Black Seed bilang natural na gamot sa diabetes ay mula sa nilalaman nilang antioxidant na thymoquinone. Kumokontrol ang antioxidant na ito ng blood sugar habang tumutulong na mapabuti ang production ng insulin secretion.

Ang antioxidant thymoquinone ay nakababawas din ng pagkakaroon ng diabetic dyslipidemia. Ito ay kondisyon kung ang lebel ng fat sa dugo ay abnormal, maaaring mataas o masyadong mababa.

Napag-alaman ng ibang pag-aaral na ang black cumin ay nakatutulong sa pagpapababa ng fasting blood sugar, post-meal black sugar, at lebel ng HbA1c.

Sa kasamaang palad, ang iba’t ibang pag-aaral ng cumin bilang natural na gamot para sa diabetes ay limitado pa rin sa mga hayop. Kailangan pa rin ng human clinical trials upang mapatunayan ang benepisyo ng black cumin bilang natural na gamot sa diabetes.

gamot sa diabetes

5. Luya

Ang luya ay isang uri ng pampalasa na kilala dahil sa dami ng benepisyo nito. Ang pag-aaral mula sa Complementary Therapies in Medicine ay nagpakita na ang luya ay nagpapababa ng lebel ng fasting blood sugar at HbA1c sa 88 diabetics na kumonsumo ng 3 gramo ng luya kada araw sa loob ng 8 linggo.

Higit sa benepisyo nito ang efficacy ng luya bilang natural na gamot sa diabetes. Nakaiiwas ang luya sa inflammation na sanhi ng komplikasyon sa mata, maging ang sakit sa puso dahil sa diabetes.

Muli, ang resulta ng pag-aaral tungkol sa benepisyo ng luya bilang natural na gamot sa diabetes ay limitado pa rin. Marami pang pag-aaral ang kinakailangan upang matukoy ang pagiging epektibo nito at ligtas bilang halamang gamot sa diabetes.

gamot sa diabetes

6. Aloe Vera

Ang aloe vera ay kilala bilang natural na sangkap sa lunas ng malusog na balat at buhok. Ito rin ay epektibo bilang natural na gamot sa diabetes.

Ayon sa Global Diabetes Community page, ang aloe vera ay nakapagpapabawas ng lebel ng fasting blood sugar (GDP). Karagdagan, ang aloe vera ay nakatutulong din na magpababa ng lebel ng blood fat sa mga tao na may type 2 diabetes.

Ang benepisyo ng aloe vera bilang natural na gamot sa diabetes ay mula sa nilalaman nitong lectins, mannans, at anthraquinones. Ang mga active compounds ay kilala na nakagagamot ng diabetic wounds. Nababawasan nito ang pamamaga at napapabilis ang proseso sa paggaling.

Hanggang sa kasalukuyan, ang long-term impact ng paggamit ng aloe vera bilang herbal na gamot sa diabetes ay hindi pa tiyak. Kaya’t mahalaga na magsagawa pa ng iba’t ibang pag-aaral sa benepisyo at kaligtasan ng aloe vera bilang natural na gamot sa diabetes.

gamot sa diabetes

7. Sibuyas

Marami ang naniniwala na ang sibuyas ay nakatutulong sa pag-stabilize ng lebel ng blood sugar. Sa kasamaang palad, walang sapat na pag-aaral upang matukoy ang veracity ng halamang gamot na ito bilang natural na gamot para sa diabetes.

Gayunpaman, may isang pag-aaral sa journal ng Environmental Health Insights na kabilang ang mga tao na may type 1 diabetes at type 2 diabetes na nagpakita na ang pagkain ng 100 gramo ng hilaw na sibuyas kada araw ay nagpapababa ng blood sugar. Nabanggit din ng ibang pag-aaral na ang pulang sibuyas ay nakapagpapababa ng lebel ng sugars matapos kumain.

Suspetya ng mga eksperto na ang pulang sibuyas ay maaaring epektibo bilang halamang gamot para sa mga taong may diabetes. Ito ay sa pamamagitan ng pagtaas ng lebel ng insulin. Nakatutulong ito sa proseso ng pagpapababa ng lebel ng blood sugar. 

gamot sa diabetes

8. Soursop Leaves

Ang soursop fruit ay maaaring ikonsumo bilang juice at ice cream flavoring na sangkap. At ang soursop leaves ay ginagamit din bilang natural na gamot. Isa rito ay ang halamang gamot sa diabetes.

Sa journal ng Pharmacognosy Research, ipinakita ng pag-aaral noong 2017 na ang soursop leaf extract ay naglalaman ng polyphenols at flavonoids na antihyperglycemic at nakababawas ng rate ng breakdown ng sugar mula sa pagkain papuntang simple lamang.

Nakapagbibigay ito ng mas maraming oras para sa pancreas upang mag-produce ng sapat na insulin. Ito ay makatutulong na mag-absorb ng blood sugar. Sa ibang salita, ang soursop leaf extract ay may potensyal na makontrol ang lebel ng blood sugar sa mga diabetics.

Upang makuha ang benepisyo ng soursop leaves bilang natural na gamot para sa diabetes, kailangan mo muna itong iproseso.

  • Uminom ng pinakuluang soursop leaves
  • Uminom ng tsaa na mula sa pinakuluang soursop leaves na may herbs at honey
  • Kumonsumo ng soursop leaf supplements

Kinakailangan pa ng maraming pag-aaral at test sa pagiging epektibo ng soursop leaf bilang natural na gamot sa sakit na diabetes. Ang mga pag-aaral sa pagiging epektibo ng soursop leaves ay limitado lamang sa mga hayop.

gamot sa diabetes

Tungkol sa Halamang Gamot para sa Diabetes

Sa ngayon, ang ilang mga pag-aaral ay nagpakita na may kaunting potensyal na halamang gamot na makapagpapababa ng blood sugar sa mga diabetic na pasyente. Kahit na ganun, ang halamang gamot ay hindi pamalit para sa medikal na gamot, o di kaya ay nag-iisang lunas para sa diabetes.

Maaaring epektibong kasama ng mga halamang gamot ang mga gamot na medikal sa diabetes. Laging talakayin muna kasama ng iyong doktor ang kahit na anong gamot.

Mahalaga na maunawaan na ang kahit na anong gamot sa diabetes na natural ay hindi laging ligtas at hindi laging pareho ng epekto para sa lahat. Maaaring epektibo ito sa ilang mga tao, ngunit sa iba ay hindi.

Para sa mga diabetic na pasyente na may history ng allergies o ibang malalang sakit, tulad ng cancer, high blood pressure (hypertension), at sakit sa puso, maaaring makaranas sila ng masamang reaksyon matapos kumonsumo ng tiyak na tradisyonal na gamot.

Para sa rason na ito, kailangan mo munang konsultahin ang iyong doktor bago gumamit ng mga halamang gamot. Tandaan, kailangan ng medikal na pag-aaral upang matukoy ang pagiging epektibo at kaligtasan ng mga tradisyonal na sangkap na nabanggit sa itaas.

Matuto pa tungkol sa Diabetes dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Cinnamon: Potential Role in the Prevention of Insulin Resistance, Metabolic Syndrome, and Type 2 Diabetes, https://doi.org/10.1177/193229681000400324, Accessed December 14, 2021

Antihyperglycemic Activity of the Leaves from Annona cherimola Miller and Rutin on Alloxan-induced Diabetic Rats, https://doi.org/10.4103/0974-8490.199781, Accessed December 14, 2021

Herbal supplements: What to know before you buy, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/nutrition-and-healthy-eating/in-depth/herbal-supplements/art-20046714?pg=1, Accessed December 14, 2021

Cinnamic acid exerts anti-diabetic activity by improving glucose tolerance in vivo and by stimulating insulin secretion in vitro, https://doi.org/10.1016/j.phymed.2015.01.003, Accessed December 14, 2021

The effect of ginger consumption on glycemic status, lipid profile and some inflammatory markers in patients with type 2 diabetes mellitus, https://doi.org/10.3109/09637486.2014.880671, Accessed December 14, 2021

Improvement of glucose and lipid profile status with Aloe vera in pre-diabetic subjects: a randomized controlled-trial, https://doi.org/10.1186/s40200-015-0137-2, Accessed December 14, 2021

Curcuminoids exert glucose-lowering effect in type 2 diabetes by decreasing serum free fatty acids: a double-blind, placebo-controlled trial,
https://doi.org/10.1002/mnfr.201200131, Accessed December 14, 2021

The effect of ginger powder supplementation on insulin resistance and glycemic indices in patients with type 2 diabetes: A randomized, double-blind, placebo-controlled trial, https://doi.org/10.1016/j.ctim.2013.12.017, Accessed December 14, 2021

Curcumin Extract for Prevention of Type 2 Diabetes, https://doi.org/10.2337/dc12-0116, Accessed December 14, 2021

Integrative medicine: Different techniques, one goal, https://www.mayoclinic.org/tests-procedures/complementary-alternative-medicine/in-depth/alternative-medicine/art-20045267, Accessed December 14, 2021

Aloe Vera and Diabetes, https://www.diabetes.co.uk/natural-therapies/aloe-vera.html, Accessed December 14, 2021

Preliminary Study of the Clinical Hypoglycemic Effects of Allium cepa (Red Onion) in Type 1 and Type 2 Diabetic patients, https://doi.org/10.4137/EHI.S5540, Accessed December 14, 2021

Aging, Metabolic, and Degenerative Disorders: Biomedical Value of Antioxidants, https://doi.org/10.1155/2018/8104165, Accessed December 14, 2021

A review of Ginseng species in different regions as a multipurpose herb in traditional Chinese medicine, modern herbology and pharmacological science, https://academicjournals.org/journal/JMPR/article-full-text/F890F8B61044, Accessed December 14, 2021

Kasalukuyang Version

07/19/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Puwede ba ang diabetic sa noodles? Alamin dito!

Okay lang ba Kumain ng Kanin ang may Diabetes?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement