Ang pag-inom ng kape ay parte na ng ating pang-araw-araw na buhay. Sa katunayan, kulang-kulang 4.5 na bilyon na cups ng kape ang naiinom ng mga tao dahil ito ay pinipili nilang kasama sa kanilang meal para pagkuhanan ng comfort o lakas. Sa kabila ng pagiging kilala nito, mahalagang malaman ang pagbawas ng caffeine ay may benepisyo sa ating pangkalahatang kalusugan.
Para Saan Ba Ang Caffeine?
Ang pinanggagalingan ng pagpapalakas ng energy nito ay mula sa kape at marami ang naniniwalang ito ang nagbibigay lakas sa kanila sa buong araw. Ang dami ng caffeine sa mga inumin na ito ay nag-iiba-iba, ngunit maraming mga institusyong medikal ang nagpapayong limitahan ang pagkunsumo nito.
May iba’t iba ring selan ang mga indibidwal sa pag-intake nito. Ang mga maseselan na indibidwal ay kakaunti lamang ang in-take, ang sa iba naman ay walang epekto, kahit na marami ang kanilang kumonsumo.
Kinakailangan ng 12 oras upang mawala ang caffeine sa katawan ngunit ang epekto nito ay maaaring maramdaman sa bilis na 15 minuto matapos makunsumo.
Ang caffeine ay stimulant. Kaya ito ay inirerekomenda na kumonsumo nang hindi lalampas sa 400 mg kada araw o di kaya ay 8 ounce kada araw para sa matatanda. At ang caffeine ay hindi inirerekomenda sa mga bata.
Ang regular na paglampas sa inirekomendang dami ng caffeine ay nasa banta ng overdose at pagkakaroon ng kondisyon tulad ng walang kapaguran at pagtaas ng presyon ng dugo. Ang mataas na overdose ng caffeine ay maaaring humantong sa atake sa puso.
Anu Ang Naiiwasan sa Pagbawas ng Caffeine?
Insomnia
Ang caffeine ay normal na stimulant na ginagamit upang mapanatiling gising at alerto na nagpapahina ng kemikal sa katawan na nagbibigay ng antok. Kaya’t ang pagkonsumo nito bago matulog ay nagdudulot ng hirap sa pagtulog.
Ang Australia’s Sleep Health Foundation ay nag-ulat na ang ibang mga tao ay kinakailangang iwasan ang caffeine 3 hanggang 7 mga oras bago matulog. Sa pangkalahatan, may mga taong nag-ulat na naging maayos ang kanilang pagtulog dahil sa pagbawas ng caffeine.
Pagkabalisa (Anxiety)
Ang mga maselan sa caffeine ay kilala na maranasan ang pagkabalisa, mabilis na tibok ng puso, at pagka nerbiyos. Maraming mga pag-aaral ang nagpakita na ang pagkunsumo ng caffeine ay maaaring magpalala ng pagkabalisa.
Pagbilis ng Tibok ng Puso at Presyon ng Dugo
Ang mga taong may kondisyon sa puso ay pinapayuhan na alalahanin ang pagkunsumo ng caffeine dahil nagpapabilis ito ng tibok sa puso at presyon ng dugo.
Ang mga indibidwal na may ganitong kondisyon ay kinakailangang bawasan ang pagkonsumo ng caffeine, lalo pa kung sila ay nagsasagawa ng mga gawaing nagpapabilis ng kanilang presyon ng dugo.
Madali mo ring malaman ang epekto ng pagkunsumo ng caffeine kapag kinumpara ang heart rate bago at pagkatapos uminom nito.
Paulit-ulit na Pag-ihi at Pagtatae
Ang caffeine ay kilala bilang diuretic o isang substance na nagpapadalas ng pag-ihi, at laxative na nag-stimulate ng pagdumi.
Ang caffeine bilang isang stimulant ay isa sa pangunahing dahilan sa likod ng dagdag ng epekto sa digestive system.
Kaya’t sa dami ng konsumo ito ay magdudulot ng palagiang pag-ihi at pagtatae.
Mahalagang Tandaan
Gaya ng nasabi, ang mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo ay kumokunsumo ng caffeine araw-araw. Ang dapat siguraduhin ay kumonsumo ng tamang lebel lamang na ligtas para sa kalusugan. Kung kinakailangan, gawin na ang pagbawas ng caffeine na nakokonsumo kada araw.
Sa katunayan, ang pagkunsumo ng saktong dami ay may benepisyo sa kalusugan tulad ng paghasa ng memorya at pagiging masigla ng pangangatawan.
Kung babawasan ang pagkunsumo ng caffeine ay asahan ang withdrawal na sintomas tulad ng sakit ng ulo, pagbabago ng mood, at hirap sa pagpokus matapos ang ilang mga linggo.
Ngunit, habang nag a-adjust ang katawan, mawawala na rin ang mga ito.