Kung minsan napaka-hassle mag-exercise para mabawasan ang timbang. Ang running, lifting weights, crunches, at sit-ups ay maaaring nakakatamad talaga. Pero alam mo ba na may isang paraan para dito? Ito ang magsunog ng calories sa sex. Alamin kung epektibo nga ba.
Ang sex, bukod sa isa itong paraan ng pagbuo ng intimacy sa isang relasyon, ay nakakatulong din sa iyo na magbawas ng timbang. Sa totoo lang, kung iisipin mo, posibleng ito ang pinaka nakakatuwa na uri ng ehersisyo!
Paano Magsunog ng Pinakamaraming Calories sa Bedroom?
Kapag pinag-uusapan ang exercise, madalas ang iniisip ng mga tao ay pagtakbo, pagbubuhat ng mga weights, o isports. Pero kung sex ang topic, hindi common na iugnay ito sa exercise o sa pagbaba ng timbang.
Pero kung iisipin, ang sex ay talagang isang uri ng ehersisyo. Una, isa itong pisikal na gawain. Ikaw at ang iyong partner ay gumagalaw. Ang puso mo ay nagsisimulang mag-pump ng dugo sa iyong buong katawan. Pinapagana mo rin ang iyong lungs habang nakikipagtalik.
At kung ikategorya natin ang sex sa isang uri ng ehersisyo, mapapasali ito bilang isang aerobic exercise. Meaning, nagagawa nito na pataasin ang iyong heart rate, at pinapataas din nito ang demand ng katawan para sa oxygen. Basically, ito ay karaniwang isang anyo ng cardiovascular conditioning na maaaring pareho lang ng pag-akyat sa hagdan o pag-jog. Kapag tiningnan mo ang lahat ng ito, sigurado na kasali ang sex bilang isang lehitimong paraan ng ehersisyo!
Ilang Calories ang Nasusunog Habang Nagse-sex?
Ngayon ang tanong ay kung gaano ka-effective ang magsunog ng calories sa sex? Pagdating sa fitness, mahalaga sa tao na magkaroon ng ilang ideya kung gaano karaming mga calorie ang nasusunog.
Sa karaniwan, ang mga lalaki ay nagsusunog ng mga 100 calories sa loob ng 30 minuto ng pakikipagtalik. Ang mga babae naman ay nagsusunog ng 69 na calories. Sa paghahambing, ang pagtakbo ng 30 minuto ay sumusunog ng humigit-kumulang 276 calories sa mga lalaki. Sa mga babae, ito ay sumusunog ng mga 213 calories.
Kung i-check mo ang mga numbers, ang sex ay maaaring mukhang isang hindi mahusay na paraan ng pag-eehersisyo. Gayunpaman, ang mga tao ay maaaring makipagtalik sa iba’t ibang paraan, at ang iba’t ibang posisyon ay maaaring maging higit na ehersisyo kumpara sa iba.
Bilang karagdagan, tandaan na ang pakikipagtalik ay mayroon ding iba pang mga benepisyo bukod sa simpleng pagtulong sa isang tao na magbawas ng timbang.
Ang pakikipagtalik ay isang kasiya-siyang karanasan, at nakakatulong ito na palakasin ang couple’s intimacy. Karamihan sa mga tao ay interesado rin sa pakikipagtalik, habang ang iba ay maaaring iba ang pakiramdam tungkol sa pagtakbo o jogging.
May dapat bang ipag-alala?
Katulad ng iba pang uri ng ehersisyo, maaari mo talagang i-overexercise ang sarili habang nakikipagtalik. Pwedeng mag-trigger ng angina o sakit sa puso ang sex. At lalo na kung ang isang tao ay hindi physically fit o partikular na hindi in good shape.
Ito ang dahilan kung bakit tulad ng iba pang mga paraan ng ehersisyo, kailangan mong gawing komportable ang iyong sarili sa pakikipagtalik. Kung mayroon kang mga problema sa puso o nagre-recover mula sa isang atake sa puso, maaaring magandang ideya na dahan-dahan muna ang mga bagay-bagay. Ito ay para maiwasan na magkaroon ng anumang malubhang problema habang nakikipagtalik.
Kung ikaw naman ay nasa maayos na kalagayan, at walang anumang mga problema sa puso, wala kang dapat alalahanin pagdating sa sex.
Paano Mo Magagawang Ehersisyo ang Sex?
Narito ang ilang mga paraan. Ito ay hindi lang para tulungan kang magsunog ng calories sa sex, pero para rin gawing mas exciting ang mga bagay!
Mag-focus sa foreplay
Pagdating sa sex, mahalaga ang foreplay. Ang foreplay ay nakatutulong sa inyo na maging in the mood, at maging isang warm-up exercise bago ang sex. Talagang hindi kailangang madaliin ang mga bagay-bagay, kaya bigyan ng oras ang foreplay. Hindi lamang nito pinapabuti ang intimacy sa pagitan mo at ng iyong kapareha, ngunit pinapataas din nito ang iyong pisikal na aktibidad sa oras ng sex.
Kaya sa susunod na kayo ng partner mo ay nasa mood for sex, huwag kalimutan ang foreplay.
Huwag matakot sumubok ng mga bagong bagay
Ang pagsubok ng iba’t ibang posisyon sa pakikipagtalik ay hindi lamang ginagawang kawili-wili ang mga bagay sa kwarto, ngunit nakakatulong din ito sa iyo na i-work-out ang iba’t ibang mga set ng muscles.
Kung kayo ng iyong kapareha ay talagang gustong mag-ehersisyo, subukan ang mga posisyon na pareho kayong gumagalaw at magsunog ng calories sa sex. Sa ganitong paraan, pareho kayong nakikibahagi sa maraming pisikal na aktibidad kumpara sa missionary position halimbawa.
Of course, mag-ingat na huwag i-overexert ang iyong katawan o saktan ang iyong sarili kapag sumusubok ng mga bagong posisyon sa pakikipagtalik.
Switch it up
Sa ilang mga relasyon, ang isa ay maaaring maging mas dominant, lalo na sa kama. Kaya, upang gawing mas kapana-panabik ang mga bagay at dagdagan ang pisikal na aktibidad, bakit hindi ito palitan?
Kung karaniwan kang mas passive pagdating sa sex, bakit hindi mo subukang maging mas dominant sa posisyon sa halip? Ganun din sa partner mo.
Sa ganitong paraan, pareho kayong makakasubok ng mga bagong karanasan, at pareho ninyong magagawa na magsunog ng calories sa sex.
Hindi ito palaging sa kwarto
Kapag pinag-uusapan kung paano magsunog ng calorie sa sex sa bedroom, hindi ibig sabihin na ito lamang ang lugar kung saan maaari kang makipagtalik. Upang pagandahin ang mga bagay-bagay at gawing higit na pag-eehersisyo ang iyong intimate moments, bakit hindi subukang gawin ito sa iba’t ibang lugar?
For example, may ilang mga posisyon na maaari mong gawin sa shower, sa kusina, o kahit sa iyong sala. Hindi lang nito ginagawang mas exciting ang mga bagay ngunit tinutulungan ka rin nitong mag-ehersisyo ng iba’t ibang muscle groups habang nakikipagtalik ka!
Sana, ang mga tip na ito ay makatulong sa iyo na gawing isang mahusay na pag-eehersisyo ang sex, pati na rin pahusayin ang iyong relasyon at sex life.