Ang vitamins ay organic compounds na kailangan ng katawan upang lumaki ng maayos. Ang vitamins A, C, D, E, K, at ang B complex ay pawang vitamins para sa brain development. Sa loob ng B complex ay may walong sangkap: vitamin B1 (thiamin), B2 (riboflavin), B3 (niacin), B5 (pantothenic acid), B7 (biotin), B6 (pyroxidine), B9 (folate) at B12 (cobalamin). Karaniwang nakukuha ito ng mga tao mula sa pagkain, ngunit ang katawan ay maaaring gumawa ng ilan sa mga ito, tulad ng vitamin D at K. Ang iba na hindi nakakakuha ng sapat na sustansya mula sa pagkain ay pinupunan sa pamamagitan ng pag-inom ng supplements. Bagamat ipinapakita na ang pag-inom ng supplemants ng masyadong mataas na dose ay pwedeng makasama sa iyo.
Ano ang Vitamins para sa Brain Development?
Ang B-Complex Vitamins
- Vitamin B1. Tinutulungan ng vitamin B1 ang mga nerve na magpadala ng mga mensahe sa utak at gumagana sa muscle contraction. Nakakatulong din itong mapanatili ang paraan ng paggana ng utak. Ang kakulangan sa bitaminang ito ay kadalasang nangyayari sa utak ng mga alcoholic, mga taong may HIV-AIDS at mula sa gastrointestinal disease. Dagdag pa rito, ito ay naka-link sa cognitive decline at encephalopathy, na isang sakit sa utak na nagbabago sa istraktura o function nito. Ang thiamin deficiency ay nagpapakita ng mga cognitive deficits at nagpapababa ng brain glucose metabolism, na kung paano nakakakuha ng enerhiya ang utak upang maisagawa ang mga function nito.
- Vitamin B2 (riboflavin). Ito ay isa pa sa vitamins para sa brain development na nagpo-protekta laban sa neuro disorders. Ayon sa mga pag-aaral, binabawasan nito ang oxidative stress, neuroinflammation at neural cell death, na lahat ay nangyayari sa Parkinson’s disease at migraines, halimbawa. Ang oxidative stress ay maaaring magdulot ng mga mapaminsalang reactive chemical compound sa utak.
- Vitamin B9 (folate or folic acid). Kabilang ang bitaminang ito sa mga importanteng vitamins para sa brain development. Ito ay kinakailangan para sa kalusugan ng utak sa lahat ng pangkat ng edad. Dahil ito ay gumaganap ng isang papel sa synthesis ng mga neurotransmitter, na tumutulong sa pagpapadala ng mga mensahe sa pagitan ng mga neuron.
- Vitamin B12 (cobalamin). Mahalaga rin ang bitaminang ito dahil pinapanatili nitong malusog ang nerves. Kapag kulang sa sangkap na ito, maaaring humantong sa mas mataas na risk para sa dementia at memory loss. Ang vitamin B12 supplements ay ipinagmamalaki para sa kanilang kakayahang pahusayin ang memorya. Ngunit ang patunay upang i-back up ito ay hindi sapat na malakas.
[embed-health-tool-child-growth-chart]
Iba Pang Vitamins para sa Brain Development
- Vitamin C. Ang vitamin C na tinatawag ding ascorbate o ascorbic acid, ay nagsisilbing antioxidant ng utak. Nakakatulong din ito sa paggawa ng norepinephrine mula sa dopamine. Bukod pa riyan, ang kakulangan ng vitamin C ay maaaring humantong sa pagkasira ng oxidative sa mga lipid at protina sa utak. Ang scurvy, isang matinding kakulangan sa vitamin C, ay nagbabanta sa buhay.
- Vitamin D. Ang vitamin D ay isa pa sa mahahalagang vitamins para sa brain development. Kung wala kang sapat na sangkap na ito nababawasan ang mga kakayahan sa pag-iisip. Sa pamamagitan ng sun exposure, naa-activate ang vitamin D. Bagamat ang kakayahang ito ay humihina habang tumatanda ang isang tao. Mayroong maraming vitamin D receptors sa buong utak. Ito ay napatunayang may protective effects para sa utak.
Ano Pa Ang Nakakatulong Sa Brain Development?
Bukod sa mga bitamina, ang mga mineral at iba pang mga compound ay nakakatulong na mapanatili ang kalusugan at paggana ng utak. Kabilang dito ang zinc, magnesium at potassium. Halimbawa, tinutulungan ng zinc ang mga neuron na maghatid ng mga mensahe sa isa’t isa at ang kakulangan nito ay maaaring humantong sa impaired protein synthesis sa utak. Samantala, ang magnesium ay gumagana sa nerve transmission at brain-muscle coordination. Nilalabanan din nito ang pagkamatay ng neuronal cell.