backup og meta

Melatonin Para Sa Bata, Safe Ba Ito Sa Kanila?

Melatonin Para Sa Bata, Safe Ba Ito Sa Kanila?

Mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na tulog sa kabuuang kalusugan at kaayusan ng tao. Labis na pinapahalagahan ang pagkakaroon ng mahimbing na tulog sa gabi. Partikular na sa mga bata, nangangailangan sila ng 9 hanggang 12 na oras ng tulog upang makatulong sa kanilang paglaki at development. Ngunit maaaring marami ang hindi nakakakuha ng sapat na tulog ayon sa kanilang kinakailangan. Maaaring mangyari sa anumang edad ang insomnia o kakulangan sa tulog, at maraming matatanda ang bumabaling sa mga melatonin supplement upang matulungan silang makakuha ng sapat na pahinga. Puwede rin bang uminom ng melatonin ang mga bata? Narito ang mga nalalaman natin tungkol sa melatonin para sa bata.

Ano Ang Melatonin?

Gumagawa at naglalabas ng hormone na melatonin ang pineal gland ng utak. Labis na nakadepende ang prosesong nito sa oras ng araw. Kapag madilim, mas maraming nagagawang melatonin ang utak, habang mas kaunti naman ang nagagawang melatonin sa tuwing maliwanag. Dagdag pa rito, gumagawa ng mas kaunting melatonin ang katawan habang tumatanda.

Mahalaga ang papel ng melatonin sa pagtulog. Napakabisa rin nitong antioxidant at gamot sa mga taong may kanser, neurodegenerative disorder, at tumatanda na.

Nakukuha ang mga melatonin supplement bilang oral tablet o capsule. Karaniwang nagrereseta ang mga doktor ng melatonin para sa mga sleep disorder tulad ng insomnia at jet lag.

Insomnia Sa Mga Bata At Teenager

Hindi lang matatanda at senior citizen ang mayroong problema sa pagtulog. Maaari din itong problema para sa mga bata at teenager. Sa katunayan, humigit-kumulang 25% ng preschool at school-aged children ang nakararanas ng mga sleep disorder.

Ilang mga bata at teenager ang nahihirapan sa pagtulog o pinipigilan ang kanilang regular na oras ng tulog. At labis itong nakakaapekto sa kanilang mga internal clock. Maaaring gusto rin nilang matulog nang huli na at/o matulog kinaumagahan.

Mas maaaring magkaroon ng klase ng sleep disorder ang mga batang may mga neurodevelopmental disability. Kaya ipinapagamit ang melatonin para sa bata.

Mga Pag-Aaral Tungkol Sa Melatonin Para Sa Bata

Maraming pag-aaral ang isinagawa upang malaman kung paano makapagpapabuti ng sleep pattern ng mga bata ang pagbibigay ng melatonin. May magandang ebidensyang nagsasabi na may benepisyo nga ang melatonin. 

Maaaring makapagpatulog ang melatonin sa umaga sa tuwing mababa ang mga endogenous level ng melatonin. Gayunpaman, hindi ito naglalabas ng karagdagang pampaantok sa tuwing normal o sapat ang dami ng melatonin.

Isang pag-aaral noong 2006 ang nagsaliksik tungkol sa bisa ng sleep hygiene at melatonin para sa mga bata na mayroon nang insomnia at attention deficit/hyperactivity disorder (ADHD). Napatunayan sa pag-aaral na ligtas at epektibo ang kombinasyon ng sleep hygiene at melatonin na gamot sa insomnia ng bata. Umiinom ang mga batang may ADHD ng stimulant medication. Dito nakitang walang epekto ang pagbuti ng kanilang pagtulog sa kanilang ADHD.

Samantala, isang pag-aaral ang nailathala noong 2008 ang nagrekomenda ng melatonin para sa mga batang insomniac na may autism spectrum disorder. Matapos magbigay ng melatonin para sa mga bata, 25% na mga bata ang hindi na nakararanas ng problema sa pagtulog ayon sa mga magulang. Habang 60% ng mga bata ayon sa mga magulang ang bumuti ang tulog ngunit nakararanas pa rin ng ilang problema sa pagtulog. At 13% lamang ang nanatiling may problema sa pagtulog bilang pangunahing suliranin.

Sa isang pag-aaral noong 2004, labinlimang bata na may Asperger disorder na dumaranas ng problema sa pagtulog ang binigyan ng melatonin. Bumuti ang sleep pattern ng mga bata habang kalahati naman ang nagpakita ng magandang epekto sa melatonin. Pinakita ng pag-aaral na maaaring makapagbigay ng magandang treatment ang melatonin para sa mga bata na may Asperger disorder na dumaranas din ng chronic insomnia.

Key Takeaways

Habang naaapektuhan ng mga sleep disorder ang matatanda at mga bata dahil sa iba’t ibang dahilan, patuloy na naghahanap ng solusyon ang mga doktor at mga researcher. Ang natural na hormone na melatonin ang isa sa mga solusyon na ito.
Halos isang-kapat ng mga preschool at school-aged children ang dumaranas ng mga problema sa pagtulog. Patuloy pa rin ang pag-aaral sa paggamit ng melatonin para sa bata, ngunit mabuti ang mga resulta nito. Kung pinag-iisipan ang pagbibigay ng melatonin para sa bata, mabuting kumonsulta muna para payo ng doktor.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Bata dito

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Sleep Hygiene and Melatonin Treatment for Children and Adolescents With ADHD and Initial Insomnia, https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S0890856709611989, Accessed January 10, 2022

Melatonin for Insomnia in Children with Autism Spectrum Disorders, https://journals.sagepub.com/doi/abs/10.1177/0883073807309783, Accessed January 10, 2022

Melatonin utility in neonates and children, https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S0929664612000113, Accessed January 10, 2022

Effectiveness of Melatonin in the Treatment of Sleep Disturbances in Children with Asperger Disorder, https://www.liebertpub.com/doi/abs/10.1089/104454603321666225, January 10, 2022

Melatonin, https://www.mayoclinic.org/drugs-supplements-melatonin/art-20363071, January 10, 2022

Kasalukuyang Version

01/12/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Parents, Narito Ang Ilang Tips Ngayong Summer Na!

RSV o Respiratory Synctial Virus: Alamin Kung Ano Ang Sakit na Ito


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement