backup og meta

Epekto Ng Malnutrisyon Sa Kalusugan Ng Bata, Ano Nga Ba?

Epekto Ng Malnutrisyon Sa Kalusugan Ng Bata, Ano Nga Ba?

Ang malnutrisyon, o imbalance sa pagitan ng enerhiya at calories na kailangan at natatanggap natin, ay maaaring may malaking epekto sa mga bata. Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang mga epekto ng malnutrisyon sa kalusugan ng bata.

Mga Uri ng Malnutrisyon 

Bago tayo magpatuloy sa mga epekto ng malnutrisyon sa kalusugan ng bata, bigyang-diin muna natin na may ilang uri ng malnutrisyon.

Tinutukoy ng World Health Organization (WHO) ang mga sumusunod na uri:

  • Undernutrition, nagsasaad ng kakulangan sa kabuuang intake ng caloric o protina. Ang isang bata ay maaaring magkaroon ng marasmus (kakulangan sa protina at calories), kwashiorkor (kakulangan ng higit sa protina kaysa sa mga calorie), o gutom, na karaniwang nangyayari kapag ang isang bata ay hindi kumakain ng matagal.
  • Ang malnutrisyon na nauugnay sa micronutrient, tungkol sa kakulangan o labis sa micronutrient. Tandaan na ang kakulangan sa micronutrient (kakulangan ng mga partikular na bitamina o mineral sa diet) ay mas karaniwan. Halimbawa ang hindi sapat na bitamina A, calcium, o iodine.
  • Sobra sa timbang o obesity, ang pagkakaroon ng mas maraming calorie kaysa sa kailangan ng katawan.

Depende sa uri, iba-iba rin ang mga epekto ng malnutrisyon sa kalusugan ng bata.

Ang Mga Epekto ng Malnutrisyon sa Development ng Bata

Sa una, mapapansin ang malnutrisyon sa higit na pagbabago sa timbang. Ang mga batang kulang sa sustansya ay malamang maging underweight. Habang ang mga batang kumonsumo ng masyadong maraming calorie at may konting physical activity ay malamang na magkaroon ng mas mataas kaysa sa normal na body mass index (BMI). 

Sa katagalan, ang malnutrisyon ay maaaring humantong sa mga sumusunod na kahihinatnan:

Mga Epekto Sa Pisikal Na Kalusugan

Ang hindi natutugunang malnutrisyon, partikular na kulang sa nutrisyon, ay maaaring humantong sa maraming problema sa kalusugan, kabilang ang:

  • Stunting at hindi lumalaki
  • Mahinang immunity; ang mga bata ay nagiging mas mahina sa mga sakit at impeksyon.
  • Nabawasan ang lakas ng muscle na nakakaapekto na gumawa ng mga simpleng pisikal na gawain tulad ng mga gawaing-bahay at paglalaro.
  • Hindi paggaling ng sugat
  • Dehydration. Ang malnutrisyon ay nagreresulta sa pagbawas ng kakayahan ng katawan na i-regulate ang mga fluid at asin.
  • Naantala ang sexual development at infertility

Ang ilang micronutrient deficiencies ay maaaring mauwi sa iba’t ibang sintomas o kondisyon tulad ng:

  • Anemia dahil sa iron deficiency 
  • Rashes at pagbaba ng immunity dahil sa zinc deficiency 
  • Mga problema sa nerves dahil sa kakulangan ng bitamina B12 sa diet
  • Night blindness dahil sa hindi sapat na bitamina A

Panghuli, ang mga batang sobra sa timbang o may labis na katabaan ay mas mataas ang risk na magkaroon ng malubhang pangmatagalang kondisyon. Halimbawa ang cardiovascular disease tulad ng atake sa puso at stroke, at diabetes.

epekto ng malnutrisyon sa bata

Mga Epekto Sa Mental Health At Social Interaction

Ang mga epekto ng malnutrisyon sa development ng bata ay umaabot din sa kalusugan ng isip. 

Alam mo ba na ang malnutrisyon ay maaaring maging mga problema sa kalusugan ng isip. Halimbawa dito ang pagkabalisa, depresyon, pagpapabaya sa sarili, at introversion? 

Anuman sa mga kondisyong ito ay maaaring magresulta sa pagkasira ng social interaction.

Mga Epekto Sa Pagkamit Ng Edukasyon

Siyempre, hindi maaalis ang katotohanan na ang malnutrisyon ay may epekto rin sa academics ng bata.

Ayon sa mga ulat, ang mga maliliit na bata na nagiging bansot sa unang 2 taon ng kanilang buhay ay maaaring magkaroon ng mas mababang cognitive test scores. At mas mataas na mga rate ng pag absent at muling pag-enrol.

Ang mga kakulangan sa ilang nutrients ay maaari ding magresulta sa mas mabilis na pagkawala ng neuron. Ito ay maaaring magdulot ng kapansanan sa pagsasalita at memorya. Bukod dito, ang hindi sapat na paggamit ng protina, zinc, iron, at bitamina B ay maaaring magdulot ng mas mababang intelligence quotient (IQ).

[embed-health-tool-bmi]

Pag-Iwas Sa Malnutrisyon Sa Mga Bata

Ang unang hakbang sa pag-iwas sa malnutrisyon ay malaman ang dahilan.

Ang mga sanhi ng malnutrisyon sa mga bata ay iba-iba. Halimbawa, ang kakulangan sa nutrisyon, ay maaaring dahil sa kakulangan sa pera. Sa kabilang banda, ang micronutrient deficiencies at sobrang timbang at labis na katabaan ay maaaring mangyari kapag ang mga bata ay walang balanseng diet. 

Ang pagdadala sa iyong anak sa pediatrician ang pinakamabuti para masuri ang isang isyu. Kung sakaling kailangan ng iyong anak ng balanseng diet, matutulungan ka nilang gumawa ng isang healthy meal plan. Kung ang iyong anak ay may kondisyon na nakakaapekto sa nutrient absorption, magagawa rin nilang tugunan ito.

[embed-health-tool-bmi]

6 na paraan para tumaas ang gana ng natural sa mga bata

Generally, maiiwasan mo ang mga epekto ng malnutrisyon sa paglaki ng bata sa pamamagitan ng:

  • Pagsubaybay sa diet ng iyong anak. Siguraduhing maraming prutas at gulay sa kanilang pagkain. Bukod pa rito, sundin ang tamang dami, lalo na para sa mga grain at protina.
  • Pagsubok ng vitamin supplements. Kumunsulta sa doktor tungkol sa posibilidad ng pagbibigay sa kanila ng mga bitamina para maiwasan ang mga kakulangan sa micronutrient.
  • Paggawa ng paraan sa mga isyu na nakakaapekto sa kanilang diet. Ang mabilis na pagtugon sa mga problema na nakakaapekto sa diet ay maaari ring makaiwas sa malnutrisyon. Ang mga problema sa ngipin, pagkabalisa, stress, at eating habits ay maaaring may malaking epekto sa kanilang pagkain.

Matuto ng higit pa sa Kalusugan ng Bata dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Malnutrition In Early Years Leads To Low IQ And Later Antisocial Behavior, USC Study Finds
https://www.sciencedaily.com/releases/2004/11/041117005027.htm#:~:text=2-,Malnutrition%20In%20Early%20Years%20Leads%20To%20Low%20IQ,Antisocial%20Behavior%2C%20USC%20Study%20Finds&text=Summary%3A,University%20of%20Southern%20California%20study.
Accessed February 9, 2021

Introduction to Malnutrition
https://www.bapen.org.uk/malnutrition-undernutrition/introduction-to-malnutrition?start=2
Accessed February 9, 2021

10 Ways Malnutrition Can Impact Your Health—and 6 Steps to Prevent It
https://www.ncoa.org/healthy-aging/chronic-disease/nutrition-chronic-conditions/why-malnutrition-matters/10-ways-malnutrition-impact-your-health-6-steps-prevention/
Accessed February 9, 2021

Impact of Malnutrition
https://motherchildnutrition.org/malnutrition/about-malnutrition/impact-of-malnutrition.html
Accessed February 9, 2021

Malnutrition: causes and consequences
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4951875/
Accessed February 9, 2021

Kasalukuyang Version

06/02/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Uri Ng Malnutrisyon, Anu-Ano Ang Mga Ito?

Ano ang Kwashiorkor, Paano Ito Nagagamot, at Paano Maiiwasan?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement