May iba’t ibang sanhi ang learning difficulty ng bata.
Dyslexia
Ito ang pinakamadalas pag-usapang learning difficulty ng bata. Isa itong learning disorder na humahamon sa isang tao sa kakayahan nitong magbasa at umunawa ng binabasa. Apektado nito ang mga batang nahihirapang magbasa dahil nagkakaproblema sila sa pagtukoy ng mga tunog ng letra at salita o kilala rin sa tawag na decoding.
Para naman sa ibang tao, nahihirapan naman sila sa pagkilala sa kung paano nahahati ang mga salita batay sa tunog nito. Bahagi ng pagpoprosesong ponolohikal ang hamon ng pagkilala sa mga salitang may magkakaparehong tunog. Maaari din magkaroon ng mga problema sa katatasan, baybay, pag-unawa, at iba pa.
Ang mga batang may dyslexia ay maaaring:
- Mahirapang bumuo ng mga salita nang tama at mauwi sa pagpapalit ng mga tunog
- Magkaproblema sa pag-alala sa mga pangalan, kulay, letra, at numero
- Mahirapang matutuhan ang mga nursery rhyme o mga playing rhyming games
Dyscalculia
Isa itong learning difficulty na may kaugnayan sa math. Ang mga batang may dyscalculia ay nahihirapan sa mga konseptong gaya ng “malaki laban sa maliit”, at nahihirapang magsagawa ng karaniwang math problems. Nahihirapan din silang pagsunod-sunurin ang mga numero at may limitadong kakayahan sa pagbibigay solusyon sa mga problema. Ang oras, sukat, at pagtatantsa ay maaaring maging napakahirap para sa mga taong may dyscalculia.
Dysgraphia
Isa itong learning difficulty na nakaaapekto sa fine motor skills, lalo na ang pagsulat. Nakasasabagal ito sa pagbaybay (spelling), pagpapagitan sa mga salita, at sa pangkalahatang abilidad na isulat ang laman ng isip. Nakaaapekto rin ito sa kakayahan ng isang bata na magsulat ng nararamdaman at magsalansan ng mga kaisipan sa magkakaugnay na paraan. Nahihirapan din ang mga batang may ganitong uri ng disability na bumuo ng simpleng pangungusap at umunawa sa mga tuntuning panggramatika
Processing Deficits
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap