backup og meta

Paano maiiwasan ang eye strain? Heto ang mga tips

Paano maiiwasan ang eye strain? Heto ang mga tips

Ang eye strain ay isang kondisyong madalas mangyari kapag sobra nating ginagamit ang ating mga mata. Ito ay karaniwan sa mga adults. Pero, alam mo ba na nararanasan din ito ng mga bata? Narito ang mga karaniwang dahilan kung bakit ito nangyayari sa mga bata at ilang mga tip kung paano maiiwasan ang eye strain.

Eye strain, isang overview

Bago namin ilista ang ilang karaniwang dahilan ng eye strain sa mga bata, tukuyin muna natin ang kondisyon. Ang eye strain ay nagreresulta mula sa matinding paggamit ng mga mata, kadalasan sa loob ng mahabang panahon. Maaari itong mangyari sa mga matatanda, kapag tumitig ka sa screen ng computer nang masyadong mahaba. At kapag nagmamaneho ka ng malalayong distansya. 

Ang eye strain ay maaaring magresulta sa mga sumusunod na palatandaan at sintomas:

  • Discomfort sa mga mata ( pakiramdam na pagod o masakit ang mga mata )
  • Mainit o makati na pakiramdam
  • Tuyo o nagluluhang mga mata
  • Nasisilaw sa liwanag

Bukod sa mga sintomas na nauugnay sa mata, ang isang taong may strain sa mata ay maaari ding magkaroon ng pananakit ng ulo at pananakit ng leeg, balikat, o likod.

3 Karaniwang Dahilan ng Eye Strain ng Bata

Sobrang screentime

Maraming mga eksperto ang naniniwala na ang numero 1 na may kasalanan ng eye strain sa mga bata ay masyadong mahabang screentime. Bukod sa panonood ng mga TV shows, maraming bata ngayon ang umuubos ng mahabang oras sa paggamit ng mga gadget para mag-aral, manood ng mga video, at maglaro.

Sunlight at room lighting

Maaaring hindi ito halata, pero kung ang iyong anak ay gumugugol ng masyadong mahabang oras sa araw nang walang proteksyon sa mata, maaari silang magkaroon ng eye strain. Higit pa rito, kapag ang ilaw sa bahay ay wala sa komportableng level, maaari rin itong makasakit sa mata ng iyong anak.

Mga problema sa paningin 

Panghuli, ang mga batang may vision problems ay maaaring piliting gamitin ang kanilang mga mata para makakita ng malinaw. Ito ay nauuwi sa eya strain. Ang mga eye conditions na pwedeng mauwi sa eye strain ay nearsightedness, farsightedness, at astigmatism.  

Paano protektahan ang iyong anak mula sa eye strain

Paano maiiwasan ang eye strain sa bata? Narito ang ilang hakbang para maprotektahan ang mga mata ng iyong anak:

Limitahan ang screentime at gawin ang 20-20-20 rule

Hangga’t maaari ay i-discourage ang bata sa paggamit ng mga gadget, ngunit kung hindi ito maiiwasan, siguraduhin na sila ay madalas na nagpapahinga.

Sa tuwing tumutuon ang iyong anak sa isang gawain na nangangailangan ng matinding paggamit ng mata, tulad ng pagbabasa o pagtitig sa screen ng computer, isagawa ang 20-20-20 rule. Ang suggestion ng rule na ito ay sa bawat 20 minutong aktibidad, dapat na ilayo ng bata ang kanyang mga mata mula sa gawain at mag-focus sa anumang bagay na 20 talampakan ang layo sa loob ng 20 segundo. Pagkatapos, kailangan nilang kumurap ng 20 beses. Nagbibigay ito sa mga mata ng iyong anak ng kinakailangang pahinga. Isang paraan ito kung paano maiiwasan ang eye strain.

Ang ilang ulat ay may karagdagang “2” sa dulo ng rule. Ito ay ang pagkakaroon ng 2 oras na outdoor activities. Sinasabi ng iba’t ibang pag-aaral na ang pagkakaroon ng oras sa labas ay hindi lamang nagsisilbing pahinga mula sa screentime, pero mahalaga din ito sa focus ng mata ng isang bata. May isa pang pag-aaral na nagsasabi na maari nitong mabawasan ang risk ng nearsightedness. 

Mag-ingat sa laki at distansya ng screen

Para maprotektahan ang iyong anak mula sa eye strain, hayaan silang gumamit ng mga gadget na may mas malalaking screen gaya ng mga computer at laptop. Ito ay dahil ang mga maliliit na screen tulad ng sa mga mobile phone ay nagpapahirap sa mga mata.

Para sa tamang posisyon, maaaring sundin ang 1/2/10 rule. Ibig sabihin kailangang ilagay ng iyong anak ang kanyang phone 1 talampakan ang layo mula sa kanila, maupo 2 talampakan ang layo mula sa kanilang computer, at umupo 10 talampakan ang layo mula sa telebisyon.  

Iwasan ang mga liwanag na nakasisilaw sa screen

Ang isang gadget ay kumikislap kapag may reflection ng isang bagay sa screen. Ito ay  nagpapahirap sa iyo na makakita ng malinaw. Ang sobrang liwanag na nakasisilaw ay maaaring magdulot ng eye strain.Kaya bago ibigay ang device sa iyong anak, ayusin muna ang brightness nito. 

Dagdag pa rito, ayusin ang ilaw sa kuwarto. Ang matinding liwanag ay maaaring makagawa ng nakasisilaw ng liwanag sa screen. 

Turuan silang gumamit ng sunglasses sa labas ng bahay

Upang maprotektahan ang mga mata ng iyong anak mula sa matinding sinag ng araw, pagsuotin sila ng sunglasses sa labas. Ito ay lalo na kung alam mong magtatagal sila sa labas ng bahay. Nakakatulong din ang malapad na sumbrero o payong sa pagprotekta sa mga mata laban sa araw.

Ipasuri ang kanilang mga mata

Panghuli, para sa kung paano maiiwasan ang eye strain at iba pang mga problema sa paningin, magtakda ng appointment para sa isang eye check-up.

Pagkatapos ng first comprehensive eye exam ng bata sa 6 na buwan, dapat na sumunod ang isa pang eye check-up. Ito ay kapag nasa 3 taong gulang na.

Ang susunod na eye check-up ay sa edad na 5 o 6 bago sila pumasok sa unang baitang. Mula sa edad na 6 hanggang 18, kailangan nilang magpatingin sa mata isang beses bawat 2 taon o ayon sa inirerekomenda ng kanilang doktor.

Ang mga eye check-up ay nakakatulong na makita ang mga problema sa paningin nang maaga. Ito ay nagpapataas ng mga tyansa ng matagumpay na paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Eyestrain
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/eyestrain/symptoms-causes/syc-20372397
Accessed January 4, 2020

The benefit of daylight for our eyesight
https://www.canr.msu.edu/news/the_benefit_of_daylight_for_our_eyesight
Accessed January 4, 2020

Prevent Eye Strain During Virtual School
https://www.chop.edu/news/health-tip/prevent-eye-strain-during-virtual-school
Accessed January 4, 2020

8 Ways to Protect Your Family’s Vision
https://www.aurorahealthcare.org/patients-visitors/blog/8-ways-to-protect-kids-eyes-and-vision-video
Accessed January 4, 2020

Give Your Child’s Eyes a Screen-Time Break: Here’s Why
https://www.healthychildren.org/English/health-issues/conditions/eyes/Pages/What-Too-Much-Screen-Time-Does-to-Your-Childs-Eyes.aspx
Accessed January 4, 2020

Eye Strain
https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/21059-eye-strain
Accessed January 4, 2020

Kasalukuyang Version

05/10/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Victor Paulino, MD, DPBO

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Maiwasan ang Shaken Baby Syndrome

Alamin ang Komplikasyon ng Kawasaki Disease


Narebyung medikal ni

Victor Paulino, MD, DPBO

Ophthalmology · Makati Medical Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement