Mahalaga ang eye exam para sa bata dahil ang ilang problema sa paningin na maagang lumalabas ay pwedeng magpatuloy habambuhay. Kailan ang pinakamainam na panahon upang gawin ang pediatric eye exam, at paano ito paghahandaan ng mga magulang?
Mahalaga ang eye exam para sa bata dahil ang ilang problema sa paningin na maagang lumalabas ay pwedeng magpatuloy habambuhay. Kailan ang pinakamainam na panahon upang gawin ang pediatric eye exam, at paano ito paghahandaan ng mga magulang?

Bukod sa vision screening, na tutukuyin din natin bilang pediatric eye exam, maaari ding narinig mo na ang comprehensive eye exam. Ano ang pinagkaiba ng dalawang ito?
Ang vision screening ay isang uri ng eye exam kung saan ang bata ay sinusuri upang malaman kung may mga problema siya sa paningin. Kapag bumagsak sa vision screening ang isang bata, ibig sabihin nito na may napansin ang healthcare practitioner na problema o nakakita siya ng isang bagay na kailangan ng mas malalim pang pagsusuri. Ito ngayon ang panahong kailangan na ng iyong anak ng comprehensive eye exam, na may layuning matukoy ang mga sakit sa mata.
Sa isang comprehensive eye exam, gagamit ang optalmologo (doktor sa mata) ng eye drops upang lumuwag ang balintataw (pupil) ng bata. Ito ang magbibigay sa doktor ng pagkakataong makita nang lubos ang mga mata, at magiging mas madali nang makita ang mga senyales ng mga sakit sa mata.
Ang bottom line ay ito: maaaring hindi kailangan palagi ng iyong anak ang comprehensive eye exam maliban kung inirekomenda na ng doktor. Gayunpaman, kailangan ng maliit mong anak ang napapanahon at regular na pediatric eye exam.

Hinihikayat ng American Association for Pediatric Ophthalmology and Strabismus at ng American Academy of Ophthalmology ang mga magulang na gamitin ang iskedyul para sa vision screening:
Sakaling walang makitang problema ang doktor, malamang na susundin mo ang iskedyul na nabanggit sa itaas. Gayunpaman, maaaring i-require ng doktor na kailangang sumailalim sa mas madalas na screening o sa comprehensive eye exam ang iyong anak kapag may napansin silang problema.
Handa ka na bang dalhin ang iyong anak sa doktor para sa vision screening? Kung gayon, makatutulong ang mga sumusunod na paalala:
Ang unang tip ay huwag ipagpaliban ang eye exam para sa bata. Tandaan na kung mas maagang malalaman ang problema, mas maaga ring mareresolba o makokontrol ito.
Kung wala kang kilalang optalmologo sa ngayon, huwag mag-alala. Pwedeng suriin ng inyong family physician o ng inyong pediatrician ang paningin ng iyong anak.
Bago magpunta sa doktor, tiyaking nakahanda na ang mahahalagang impormasyon na kailangan. Ang mga halimbawa ng dapat isulat ay:
Ang eye exam para sa bata ay ang pinakamagandang oras upang makapagtanong tungkol sa kalusugan ng mata ng iyong anak. Halimbawa, pwede mong tanungin ang inyong doktor tungkol sa mga sintomas na nararanasan ng iyong anak. Kung may napapansin kang kakaiba sa mata/paningin ng iyong anak, pwede mong linawin kung normal pa ba ito o hindi.
Gayunpaman, mas maraming tanong ang maaaring lumitaw pagkatapos ng vision screening. Ilan sa mga bagay na pwede mong itanong ang:
At huli, pakitandaan na bagaman ang pamilyar na hitsura ng isang eye exam ay ang Snellen chart (chart na may iba’t ibang laki ng letra), ang paraan ng pagsusuri ay magkaiba. Nakadepende sa edad at kakayahan ng bata ang paraang isasagawa. Pwedeng pakitaan ng mga larawan o bigyan ng laruan ang mga mas batang edad na hindi pa nakapagbabasa.
Habang isinasagawa ang eksaminasyon, maaaring gumamit ang isang doktor ng ophthalmoscope, isang kagamitang naglalabas ng liwanag kapag itinapat sa mata. Manatiling kasama ng iyong anak upang hindi siya matakot o mabalisa.
Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Bata dito.
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Vision Screening, https://aapos.org/glossary/vision-screening-description#:~:text=By%20age%203%20or%204,be%20made%20within%20one%20month., Accessed January 6, 2021
Eye Screening for Children, https://www.aao.org/eye-health/tips-prevention/children-eye-screening, Accessed January 6, 2021
When Should Your Child Have a First Eye Exam? https://health.clevelandclinic.org/when-should-your-child-have-a-first-eye-exam-2/, Accessed January 6, 2021
What to Expect During Your Visit, https://www.cincinnatichildrens.org/service/o/ophthalmology/visit, Accessed January 6, 2021
Pediatric eye screening – Why, when, and how, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6032737/, Accessed January 6, 2021
Childhood Eye Examination, https://www.aafp.org/afp/2013/0815/p241.html, Accessed January 6, 2021
Kasalukuyang Version
03/30/2022
Isinulat ni Daniel de Guzman
Narebyung medikal ni Victor Paulino, MD, DPBO
In-update ni: Vincent Sales