Karaniwan lang para sa mga unang beses magbubuntis ang magtanong ng mga bagay-bagay sa mga nagdadalang-tao o nakaranas na ng parehas na sitwasyon. At ilan sa kanila ay naninindigan pa rin sa tulong ng mga halamang gamot. Ngunit, narinig mo na ba ang tungkol sa serpentina pampalaglag? Alamin ang mga karagdagang impormasyon sa artikulong ito.
Ano Ang Serpentina?
Bago tayo tumungo sa serpentina pampalaglag, atin munang kilatisin kung ano nga ba ang halamang ito.
Ang serpentina (Rauwolfia serpentina) ay tumutukoy sa isang halaman na kabilang sa pamilya ng Apocynaceae o dogbane. Sagana ito sa mga tropikal at subtropical na mga rehiyon sa mundo, kabilang ang mga sumusunod:
- Europe
- Africa
- Asia
- Australia
- Central at South America
Ito ay isang kaaya-aya at makahoy na evergreen shrub, na may katas na gatas. Dagdag pa rito, nagtataglay ito ng mga dahon na may hugis elliptical o oval, na may berdeng kulay sa itaas at maputla naman sa ibaba. Mayroon din itong mga maliliit na rosas pati mga puting bulaklak na namunga mula sa mga terminal cluster. Ang mga ito ay gumagawa ng maliliit, hugis-itlog, mataba na mga prutas na humigit-kumulang 1/4 pulgada ang haba. Kapag huminog, nagiging makikintab na purple-black ang kulay nito. Ito ay kinikilala rin sa tawag na Indian snakeroot.
Para Saan Ang Serpentina?
Bago ito maging kontrobersyal na serpentina pampalaglag, matagal ng ginagamit ang halamang ito bilang gamot para sa iba’t ibang kondisyon. Sa Ayurvedic medicine, ang root nito ay ginagamit para sa mga sumusunod:
Dagdag pa rito, ginagamit ang powdered root ng serpentina upang gamutin ang diarrhea, dysentery, at iba pang sakit sa bituka tulad ng cholera at gastritis. Kilala rin ang serpentina dahil sa kapasidad nitong mapababa ang lagnat at makatulong sa pagkakaroon ng regla. Natuklasan din ng mga Indiyano na mainam itong bilang pampatulog sa mga bata. Kalaunan at maliban sa paggamit ng mga ugat, ginamit na rin ito sa mga sumusunod na dahilan:
- Insomnia
- Anxiety
- Pagtanggal ng opacities ng cornea
- Constipation
- Rheumatism
- Edema (o fluid retention)
- Epilepsy
- Mga sakit sa atay
- Mga mental disorders (tulad ng agitated psychosis at kabaliwan)
Isa sa mga kemikal na mayroon ang serpentina ay kapareho ng isang prescription drug na tinatawag na reserpine. Ang reserpine ay nagsisilbing gamot sa banayad hanggang katamtamang hypertension, schizophrenia, at ilang sintomas ng mahinang sirkulasyon.
Totoo Ba Ang Serpentina Pampalaglag?
Sa kabila ng pagiging mabisa nito sa iba’t ibang mga pangkalusugang kondisyon, hindi inirerekomenda ang serpentina sa mga nagdadalang-tao. Ito ay marahil maaari itong magdulot ng masasamang epekto at komplikasyon sa dinadalang sanggol. Ilan sa mga ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Hirap sa paghinga
- Nasal obstruction (anosmia)
- Hypothermia (mababang temperatura)
- Bradycardia
- Pagkawalang gana kumain
Napag-alaman din sa mga pag-aaral sa mga daga na ang paggamit ng rauwolfia alkaloids habang nagbubuntis ay nagdudulot ng problema sa panganganak. Pinababa rin nito ang newborn survival rates sa mga guinea pigs.
Sa katunayan, itinalaga din ng U.S. Food and Drug Administration ang kemikal na reserperine sa pregnancy category C. Ito ay nangangahulugan na ang mga animal reproduction studies ay nagpakita ng masamang epekto sa fetus. Bukod pa rito, wala ring sapat at mahusay na kontroladong mga pag-aaral sa mga tao. Kung kaya, ito ay kinikilala ngayon bilang serpentina pampalaglag. Gayunpaman, maaari itong gamitin kung mas nangingibabaw ang mga potensyal na benepisyo kaysa sa mga potensyal na mga panganib na maaari idulot nito sa parehong nanay at anak.
Key Takeaways
Tulad ng iba pang mga halamang gamot, maraming benepisyong dulot ang serpentina sa kalusugan. Subalit, hindi maisasantabi ang pagkakakilanlan dito bilang serpetina pampalaglag. Dahil dito, mainam na maiwasan ito kung ikaw ay nagbubuntis upang hindi magkaroon ng anumang problema o komplikasyon.
Alamin ang iba pa tungkol sa Pagbubuntis dito.
[embed-health-tool-due-date]