backup og meta

Heto ang 6 na Postpartum Body Changes na Dapat Mong Malaman

Heto ang 6 na Postpartum Body Changes na Dapat Mong Malaman

Sa sandaling malaman mo ang tungkol sa iyong pagbubuntis, magsisimula kang makapansin ng mga pisikal na pagbabago sa iyong katawan. Bilang karagdagan sa iyong lumalaking baby bump at morning sickness, unti-unti mo ring mapapansin ang paglambot ng iyong dibdib, kung paano ka madaling mapagod, maging ang pananakit ng likod. Kapag ang sanggol ay ipinanganak, ang iyong katawan ay magsisimulang gumaling at ang mga pagbabago ay magaganap muli. Ano ang maaari mong asahan sa iyong postpartum body o ang iyong katawan pagkatapos manganak?

1. Pananakit ng Katawan

Ang mga babaeng kakapanganak pa lang ay kadalasang nakararanas ng pananakit ng katawan. Ang mga pananakit na ito ay kadalasang sanhi ng mga hormonal changes, pagtaas ng timbang pagkatapos ng pagbubuntis, at ang pisikal na stress ng panganganak. Sa paglabas ng sanggol, inihahanda ng iyong katawan ang sarili nito para sa pag-aalaga, magkakaroon din ng pagbabago sa iyong postura, na siyang maaari ring makapagpahirap sa iyong katawan.

Ang pagkakaroon ng sapat na pahinga, pagkain ng masustansyang diyeta, at regular na pag-eehersisyo ay maaaring makatulong sa pagpapagaan ng pananakit ng katawan pagkatapos manganak.

2. Paglaki ng Dibdib

Ang paglaki ng dibdib ay kadalasang nangyayari habang naghahanda ka sa pagpapasuso sa iyong sanggol. Malaki rin ang posibilidad na maranasan mo ito sa loob ng unang linggo ng panganganak, kapag ang colostrum ay naging mature breast milk.

Sa sandaling i-pump mo o alagaan ang iyong sanggol, ang kapunuan ng iyong dibdib ay kadalasang humuhupa sa loob ng 3 hanggang 5 araw. Ang banayad na pagmamasahe rito at warm compress ay maaari ring makatulong. Syempre, huwag kalimutan na ang pagpapasuso ay nakatutulong na maiwasan ang pamamaga ng suso at ang pangkalahatang kalusugan at paggaling ng iyong katawan pagkatapos manganak. 

3. Lochia

Ang lochia ay tumutukoy sa vaginal discharge pagkatapos ng pagbubuntis. Ito ay pinaghalong dugo, mucus, at tissue na lumalabas sa matres sa pamamagitan ng vagina.

Maaaring iba ang dami ng lochia para sa bawat babae. Ito ay dahil maraming salik ang nakaiimpluwensya kung gaano karami ang pagdurugo ng isang babae pagkatapos ng panganganak, tulad ng:

  • Laki ng uterus 
  • Gaano katagal siyang buntis
  • Kung normal ang panganganak o sumailalim sa cesarean section
  • Kung mayroon siyang anumang komplikasyon sa panahon ng pagbubuntis o panganganak

Mayroong tatlong yugto ng lochia, at habang nagpapatuloy ka sa bawat yugto, ang daloy at kulay ng discharge ay nagiging mas magaan. Ito ay karaniwang tumatagal ng 6 na linggo. Ang lahat ng ito ay natural at normal lalo na para sa isang katawan pagkatapos manganak. 

4. Varicose Veins

Ang varicose veins ay karaniwan sa mga buntis, lalo na sa ikatlong trimester, na nangangahulugang hindi talaga ito nangyayari pagkatapos manganak. Karaniwang may varicose veins ang mga kababaihan dahil sa presyon ng bigat ng kanilang sanggol sa mga ugat.

Depende sa kalubhaan ng mga sintomas, ang varicose veins ay maaaring gamutin sa pamamagitan ng operasyon, injection, o compression stockings. Ngunit, sinasabi ng mga eksperto na posibleng humina ang postpartum varicose veins sa loob ng ilang mga buwan o isang taong paggamot sa bahay. Maaaring kabilang sa mga paggamot na ito ang compression stockings, tamang postura, pamamahala ng timbang, regular na ehersisyo, at pagsusuot ng flat shoes.

Makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa tamang paggamot at pag-iwas sa mga stretch mark.

5. Stomach Pooch

Hindi natin maaaring pag-usapan ang tungkol sa mga pagbabago sa katawan pagkatapos manganak nang hindi binabanggit ang kilalang postpartum pooch o ang tinutukoy ng iba bilang “mommy tummy.”

Sa mga linggo pagkatapos ng kapanganakan, ang iyong uterus ay muling nagsasaayos upang bumalik sa kanyang pre-pregnancy state. Ang prosesong ito ay maaaring tumagal ng hanggang anim na linggo at ang tiyan ay magsisimulang magmukhang patag.

Iba-iba ang bawat babae, kaya hindi pare-pareho ang tagal ng mommy tummy para sa lahat. Ang wastong ehersisyo, malusog na diyeta, at pagpapasuso ay makatutulong sa iyo na pamahalaan ang iyong timbang, at samakatuwid, ang iyong pooch na rin.

6. Stretch Marks

Gaya ng ilalarawan ng karamihan sa mga ina, ang mga stretch mark ay hindi magandang epekto ng pagbubuntis. Ang mga ito ay maaaring dahil sa mabilis na pagtaas ng timbang, hormonal changes, o isang kombinasyon ng dalawa.

Karaniwang nagkakaroon ng mga stretch mark sa tiyan at suso. Ngunit, maaari ring lumitaw ang mga ito sa mga hita, balakang, balikat, at puwet. Karaniwang mukhang manipis na mga linya ang mga ito na mamula-mula o purplish ang kulay.

Ang isang aspeto nito ay maaaring hindi sila ganap na mawala, ngunit maaari namang gumaan sa loob ng ilang buwan o isang taon. Kung nag-aalala ka tungkol sa mga stretch mark, huwag mag-atubiling kumunsulta sa isang dermatologist.

Ang mga pagbabago sa katawan pagkatapos manganak ay maaaring hindi maginhawa. Gayunpaman, ito ang iyong maituturing na mga battles scars sa pagbubuntis. Kung nag-aalala ka tungkol sa isang partikular na pagbabago, mangyaring makipag-ugnayan sa iyong healthcare provider.

Alamin ang iba pa tungkol sa Panahon Pagkatapos Manganak dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Pain in your muscles and bones after birth, https://www2.hse.ie/pregnancy-birth/birth/health-after-birth/pain-muscles-bones/, Accessed July 21, 2022

Postpartum Breast Pain, https://www.nwh.org/maternity-guide/postpartum-guide/postpartum-chapter-4/postpartum-breast-pain, Accessed July 21, 2022

Lochia, https://my.clevelandclinic.org/health/symptoms/22485-lochia, Accessed July 21, 2022

Stretch marks in pregnancy, https://www.nhs.uk/pregnancy/related-conditions/common-symptoms/stretch-marks/, Accessed July 21, 2022

Caring for Yourself After the Birth of a Baby, https://intermountainhealthcare.org/ckr-ext/Dcmnt?ncid=51062842, Accessed July 21, 2022

Kasalukuyang Version

05/27/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Gamot Sa Postpartum Iron Deficiency Anemia

Ano ang Food Supplement na Dapat Ikonsidera Matapos Manganak?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement