Mahalaga ang pag-inom ng vitamins pagkatapos manganak. Kasing-halaga ito ng mga prenatal vitamins na sumusuporta sa mga pagbabago sa nutrisyon na dulot ng pagbubuntis. Maaaring hindi mapagtanto ng mga tao na mas nangangailangan ka ng nutrisyon postpartum lalo na kung ikaw ay pagpapasuso.
Ang mga babae na kapapanganak pa lang ay nangangailangan ng mabuting nutrisyon upang masuportahan ang kanilang paggaling at pagbawi ng lakas. At para sa mga ina na nagpapasuso, ang kanilang diyeta ay may direktang epekto sa kalusugan at paglaki ng kanilang sanggol.
Dapat isaalang-alang ng mga kababaihan ang pag-inom ng vitamins sa sandaling sila ay manganak. Dapat ipagpatuloy ito sa sa loob ng anim na buwan o mas matagal pa kung patuloy silang magpapasuso.
Bakit kailangan ang vitamins pagkatapos manganak?
Ang pagdating ng iyong sanggol ay nagdalala din ng bago, at madalas walang kapantay na pangangailangan sa nutrisyon. Mas lalo mong kailangan ito kung ikaw ay nagpapasuso. Pinapataas ng lactation ang pangangailangan ng mahahalagang micronutrients kumpara sa pagbubuntis at iba pang yugto ng buhay.
May mga partikular na vitamins ang dapat inumin mo pagkatapos manganak upang suportahan ang iyong pangangailangan. Narito ang mga vitamins na dapat mong isaalang-alang:
Sinusuportahan ng Vitamin D ang immune system, utak, at nervous system. Binabawasan nito ang panganib ng postpartum depression at pagkabalisa. Mayroong makabuluhang ugnayan sa pagitan ng mababang antas ng Vitamin D at postpartum depression. Pinapatunayan nito na ang Vitamin D ay mahalagang vitamins pagkatapos manganak.
Ayon sa World Health Organization 13% ng mga kababaihan sa buong mundo ang nakakaranas ng postpartum depression. Mas mataas pa ang bilang sa umuunlad na bansa dahil umabot sa 19.8%. Ang isang sistematikong pagsusuri ng mga pag-aaral ay nagpakita na 25.3% ng mga kababaihan sa postpartum period ay nagkaroon ng depresyon.
Postpartum depression is a disorder that may be accompanied by the following conditions: insomnia, psychomotor changing in appetite, fatigue, feeling of guilt, worthlessness, and having suicidal thoughts that remain at least for two weeks postpartum
Ang postpartum depression ay isang karamdaman na maaaring sinasamahan ng mga sumusunod na kondisyon:
Ang pinakamahusay na pinagmumulan ng bitamina D sa diet ay ang matatabang isda tulad ng salmon at tuna, atay, fortified milk at orange juice, at mga pula ng itlog.
Iron
Ang iron ay makakatulong na vitamins pagkatapos manganak. Ang kakulangan nito ay maaaring magkaroon ng pangmatagalang implikasyon sa kalusugan ng ina at sa kanyang sanggol. Kung ikaw ay kulang sa iron pagkatapos manganak, maaaring makaranas ka ng pagkapagod at sintomas ng depresyon.
Ang iyong katawan ay nangangailangan ng iron upang makagawa ng hemoglobin na naghahatid ng oxygen sa buong katawan. Maaaring humantong sa anemia sa mga bagong ina ang kakulangan na ito.
Sinusuportahan rin ng iron ang pag-unlad ng utak ng sanggol. Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, karamihan sa mga sanggol ay may sapat na iron para sa unang apat na buwan ng buhay lamang. Maaaring matugunan ng mga sanggol ang kanilang mga pangangailangan sa nutrisyon gaya ng iron sa sandaling magsimula silang kumain ng solid foods.
Choline
Ang choline ay may mahalagang papel sa pag-unlad ng utak. Mayroon din itong maraming benepisyo para sa mga ina, kabilang ang mas mahusay na immune response kung kaya mahalaga ito na vitamins pagkatapos manganak.
Kailangan ng iyong utak at nervous system ang vitamins na ito upang i-regulate ang memorya, mood, kontrol ng kalamnan, at iba pang mga function.
Ang mga sintomas ng kakulangan ng choline ay ang sumusunod:
- Mababang antas ng enerhiya
- Sobrang pagkapagod
- Cognitive declines
- Pagkawala ng memorya
- Mga kapansanan sa pag-aaral
- Pananakit ng kalamnan
- Pinsala sa ugat
- Pagbabago ng moods
Mahalaga na mapanatili mo ang sapat na antas ng calcium pagkatapos manganak.
Ayon sa National Institute of Health, ang mga ina na nagpapasuso ay karaniwang nawawalan ng tatlo hanggang limang porsyento ng kanilang bone mass.
Maaaring ang pagtaas ng pangangailangan ng calcium ng sanggol ay humihila ng calcium mula sa mga buto ng ina. Sa pagkuha ng sapat na calcium masisiguro mo ang mabuting kalusugan ng iyong buto, at matugunan mo rin ang pangangailangan ng calcium ng iyong sanggol.
Ang kakulangan ng calcium ay maaaring magdulot ng sumusunod:
- Matinding pagkapagod
- Kakulangan ng enerhiya
- Sluggishness
- Insomnia
- Pagkahilo
- Brain fog
Key Takeaways
Makipag-usap sa iyong doktor bago ka manganak upang malaman kung anong klase ng vitamins ang dapat mong inumin pagkatapos manganak. Ang mga vitamins na binebenta bilang “prenatal” at “postnatal” na vitamins ay karaniwang halos magkapareho. Gayunpaman, mayroong ilang mga postnatal na vitamins na nagbibigay ng iba’t ibang antas ng mga sustansya partikular para sa katawan ng isang taong katatapos manganak.
Ang pag-aalaga sa iyong sarili at pagkain ng maayos ay makakatulong sa iyong maging handa physically at mentally sa pag-aalaga ng iyong anak. Ang pagpapabaya sa iyong sariling kalusugan ay maaaring humantong sa pagkapagod, panghihina at posibleng depresyon.
[embed-health-tool-bmi]