Agarang tulong na propesyonal ang kailangan kung ang postpartum depression ay nagiging sanhi ng ina na saktan ang kanyang sanggol o ang kanyang sarili.
Mga Sanhi ng Postpartum Depression
Ang postpartum depression ay resulta ng iba’t ibang factors.
Ang mga pagbabagong nararanasan ng isang babae sa panahon ng kanyang pagbubuntis hanggang pagkatapos ng panganganak ay isa sa mga kilalang sanhi ng postpartum depression.
Kabilang sa mga posibleng sanhi ng postpartum depression ang:
Hormonal changes
Kapag ikaw ay buntis, ang level ng estrogen at progesterone ay tumataas para suportahan ang mga pagbabago ng katawan. Ngunit kung nanganak ka na, ang iyong mga hormone ay babalik sa kanilang mga antas bago ang pagbubuntis isang araw pagkatapos ng panganganak ng iyong sanggol.
Ang thyroid hormone ng isang babae ay maaari ding bumaba pagkatapos manganak, na maaaring magresulta sa mga sintomas ng depresyon. Ang mga pagbabago sa hormone level ay halos kapareho kung may regla ang isang babae. Gayunpaman, ang mga postpartum hormone ay maaaring maging pamali-mali. Ito ay maaaring humantong sa mas matinding mood swings at iba pang mga sintomas ng depresyon.
Pagbabagong Pisikal
Maraming mga bagong ina ang nagkaroon ng mga problema sa pagbabalik ng kumpiyansa pagkatapos manganak. Ang mga pisikal na pagbabago tulad ng masakit na panganganak, timbang pagkapanganak, at mga peklat na mayroon sila ay may malaking epekto kung paano tinitingnan ang sarili.
Emosyonal na pasanin
Ang sobrang stress, kawalan ng tulog, at sobrang pagkabalisa sa mga bagong responsibilidad ng pagiging ina ay maaaring magdulot ng emosyonal na pasanin sa mga bagong magulang.
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap