backup og meta

Sobrang Vitamin A, Maaari Bang Makasama sa Kalusugan?

Sobrang Vitamin A, Maaari Bang Makasama sa Kalusugan?

Mahalagang nutrient sa ating katawan ang Vitamin A para mapalakas ang ating immune system, mapanatiling malusog ang ating balat, at maprotektahan ang ating mga mata. Gayunpaman, naisip mo na ba kung ano ang mangyayari kapag sobrang vitamin A ang nakonsumo mo? Ano ang mga epekto nito sa iyong katawan, at paano ito posibleng mangyari?

Narito ang lahat ng kailangan mong malaman.

Maaari ka bang masobrahan sa vitamin A?

Kapag narinig ng mga tao ang salitang “overdose,” kadalasang iniisip nila ang sobrang dose o pag-inom ng masyadong maraming gamot. Gayunpaman, maaari ka ring ma-overdose sa vitamins. Partikular na sa mga vitamins na madalas ma-overdose ng mga tao tulad ng iron, vitamin D, vitamin E, B vitamins, at panghuli, vitamin A.

Tungkol sa sobrang vitamin A, tinatawag na hypervitaminosis A ang kondisyon na ito. Ang ibig sabihin, uminom ng sobrang vitamin A ang isang tao hanggang sa puntong naging toxic na ito sa kanilang katawan. Pinakakaraniwang nangyayari ito kapag umiinom ng supplement ang isang tao. Ngunit kailangan ng isang tao ng maraming vitamin A para magkaroon ng hypervitaminosis A.

Gaano karami ang sobrang vitamin A?

Nangyayari ang acute poisoning sa vitamin A kapag uminom ng ilang daang libo ng IUs o international unit ng vitamin A ang isang tao. Habang maaari namang mangyari ang chronic poisoning kapag regular na uminom ng higit pa sa 25,000 IU ng vitamin A ang isang tao araw-araw.

Kung ikukumpara, humigit-kumulang 3000 IU o 900 micrograms ang kinakailangang halaga ng vitamin A ang dapat inumin ng mga lalaki araw-araw. Habang 2300 IU o 700 micrograms naman para sa mga babae. Humigit-kumulang 10,000 IU naman ang pinakamaraming ligtas na limitasyon para sa vitamin A.

Nangyayari ang chronic poisoning sa vitamin A dahil naglalagay ang katawan ng sobrang vitamin A sa atay. Nangangahulugang kung regular kang umiinom ng higit sa inirerekomendang dami ng vitamin A araw-araw, posibleng makaranas ka ng chronic poisoning.

Maaari din mangyari ang acute poisoning sa mga batang napagkakamalang candy ang vitamin A supplements. Kaya mahalagang panatilihing malayo ang anumang gamot, maging mga vitamin, sa mga bata.

Ano ang mangyayari sa katawan kapag na-overdose?

Narito ang ilan sa mga bagay na maaaring mangyari sa katawan kapag na-overdose ito sa sobrang vitamin A:

Para sa acute poisoning:

  • Masakit sa tiyan
  • Walang gana kumain
  • Pagsusuka
  • Mga pantal o pagbabalat ng balat
  • Coma o maging kamatayan

Para sa chronic poisoning:

  • Mga problema sa gastrointestinal
  • Hepatomegaly o paglaki ng atay
  • Splenomegaly o paglaki ng spleen
  • Mga pantal, pagbabalat ng balat, tuyo o bitak na labi at balat
  • Matinding pananakit ng ulo
  • Maaaring humina at madaling mabali ang mga buto

Kailangan ding maging mas maingat ng mga buntis kung umiinom sila ng mga supplement sa panahon ng kanilang pagbubuntis. Dahil maaaring magdulot ng birth defects ang paglampas sa mabuting limitasyon.

Ano ang dapat mong gawin kung na-overdose sa sobrang vitamin A?

Kung nakararanas ng chronic na sintomas mula sa pagka-overdose sa vitamin A, ang paghinto sa pag-inom ng supplements ang pinakamabuting gawin. Sa paglipas ng panahon, dapat mawala na ang mga sintomas habang unti-unti bumababa ang level ng vitamin A sa iyong katawan. Pinakamainam ding kumonsulta sa iyong doktor sa lalong madaling panahon upang mabigyan ka nila ng reseta ng anumang gamot na maaaring makatulong sa mga sintomas.

Para sa acute vitamin A poisoning, ang pagpunta sa ospital ang pinakamabuting bagay na dapat gawin. Mahalaga ito lalo na kung sa bata ito nangyayari. Dahil maaaring mas lumala ang mga epekto ng pagkalason sa vitamin A sa kanilang katawan.

Key Takeaways

Pagdating sa pag-inom ng anumang vitamin supplement, mahalagang gawin lamang ito kung kinakailangan, at sa tamang dami lamang. Bukod pa rito, makukuha rin natin ang halos lahat ng vitamin at mineral na kailangan natin mula sa mga pagkain na kinakain natin. Kaya mahalagang laging may masustansyang diet.

Matuto pa tungkol sa Iba Pang Mga Tip Para sa Malusog na Pagkain dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. Hypervitaminosis A: MedlinePlus Medical Encyclopedia, https://medlineplus.gov/ency/article/000350.htm, Accessed September 13, 2021
  2. Can You Overdose on Vitamins? – Health Beat, https://www.flushinghospital.org/newsletter/can-you-overdose-on-vitamins/, Accessed September 13, 2021
  3. Vitamin A toxicity | DermNet NZ, https://dermnetnz.org/topics/vitamin-a-toxicity, Accessed September 13, 2021
  4. Vitamin A Excess – Disorders of Nutrition – MSD Manual Consumer Version, https://www.msdmanuals.com/home/disorders-of-nutrition/vitamins/vitamin-a-excess, Accessed September 13, 2021
  5. Vitamin A Toxicity – StatPearls – NCBI Bookshelf, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK532916/, Accessed September 13, 2021

Kasalukuyang Version

06/10/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Mushroom Coffee? Heto ang 7 na Dapat Mong Malaman

Mindful Eating: Pagiging In-The-Moment Habang Kumakain


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement