backup og meta

6 Pagkaing Pampatangkad Na Maaari Mong Ibigay Sa Iyong Anak

6 Pagkaing Pampatangkad Na Maaari Mong Ibigay Sa Iyong Anak

Maraming mga magulang, kung hindi lahat, ang nagnanais na lumaki ang kanilang mga anak na malusog, malakas, at matangkad. Kung kaya, patuloy ang kanilang paghahanap ng mga simple ngunit mabisang paraan upang lumaki ang kani-kanilang mga anak ayon sa optimum height para sa kanilang edad. Ibabahagi ng artikulong ito ang ilan sa mga pagkaing pampatangkad na maaari mong ihanda sa iyong anak upang lumaki siya nang maayos at matiwasay. 

Iba’t Ibang Mga Pagkaing Pampatangkad

Bagaman malaking salik ang genetics, mahalaga rin ang ginagampanang papel ng nutrisyon sa paglaki ng mga bata. Nakatutulong ito lalo na sa kanilang growing years upang maabot nila ang rurok ng katangkaran kasabay ng pagkakaroon ng malakas at malusog na pangangatawan. Narito ang ilang sa mga pagkaing pampatangkad na maaari mong isaalang-alang:

Manok

Isa ang protein sa mga nutrisyon na kailangan ng katawan para sa pang-araw-araw at maaari itong makuha mula sa pagkain ng manok. Nakatutulong ang protein sa malusog na pag-unlad habang itinataguyod din nito ang tissue repair at immune function. Bukod pa rito, nagtataglay din ito ng iba’t ibang mga nutrisyon katulad ng:

  • Vitamin B6
  • Vitamin B12
  • Taurine
  • Niacin
  • Selenium
  • Phosphorus 

Mahalaga ang vitamin B12 pagdating sa paglaki at pagpapanatili ng katangkaran. Samantala, ang taurine naman ay isang amino acid na kumokontrol sa pagbuo at paglaki ng mga buto. 

Itlog

Ang itlog ay kinikilalang pagkaing pampatangkad na kadalasan naihahain sa hapag-kainan. Katulad ng manok, nagtataglay din ito ng protein at iba’t ibang mga nutrisyon tulad ng mga sumusunod:

Ilan sa mga bitamina at mineral na mayroon ang mga itlog, tulad ng vitamin D, ay nakatutulong sa pagtaas ng calcium absorption na kailangan para sa bone growth at development lalo sa mga bata. Ito ay napatunayan ng isang pag-aaral kung saan nakakita ng magandang resulta sa paglaki ang pagpapainom ng vitamin D supplement sa mga batang mayroong low levels nito. 

Gatas

Hindi rin mawawala sa listahan ng pagkaing pampatangkad ang gatas na karaniwan namang pinaiinom sa mga lumalaking bata. Patuloy itong nakatutulong sa paglaki at pag-unlad sa pamamagitan ng paghahandog ng maraming sustansyang mahalaga para sa kalusugan ng buto. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

  • Protein 
  • Calcium
  • Phosphorus
  • Magnesium

Maaari ring ikonsidera ang pagpapakain ng ibang dairy products tulad ng yogurt. Ayon sa ilang mga pananaliksik ang probiotics na taglay nito ay nakatutulong sa paglaki ng mga bata. 

Green Leafy Vegetables

Malamang palagi mo na lang naririning ang rekomendasyon na kumain ng iba’t ibang mga green leafy vegetables. Ito ay marahil sagana ang mga ito sa iba’t ibang bitamina at mineral kabilang ang mga sumusunod:

Ang vitamin K ay isang bitamina na nakapagpataas ng bone density upang masuportahan ang paglaki at pagpapanatili ng tangkad. 

Almonds

Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang almonds ang sagana sa vitamin E. Ito ang nutrisyon na nakatutulong upang maiwasan ang pagkabansot sa mga bata. Bukod pa rito, maaari rin itong gumanap bilang antioxidant sa katawan na mainam upang maiwasan ang ilang mga sakit. 

Ang naturang pagkaing pampatangkad ay mayaman din sa fiber, manganese at magnesium. Ayon sa isang maliit na pag-aaral, ang pagkonsumo ng almonds ay nakapagpipigil ng pagbuo ng osteoclasts. Ang mga ito ay uri ng cell na nakapagsisira ng bone tissue. 

Mga Prutas

Maraming iba’t ibang prutas ang nagtataglay ng vitamin C, isang partikular na bitaminang mahalaga para sa kalusugan ng buto. Nakatutulong ang naturang bitamina sa pagpapataas ng cell growth, tissue repair, maging collagen synthesis. Ayon sa mga pag-aaral, nakatutulong ang collagen, ang pinakaraming protina sa katawan, sa pagpapataas ng bone density.  

Ilan sa mga mga prutas na maaari mong ialok sa iyong anak ay ang mga sumusunod:

  • Berries (strawberry, blackberry, blueberry, rasberry, at iba pa)
  • Orange
  • Grapefruit
  • Kiwi
  • Cantaloupe melon

Key Takeaways

Hindi maiiwasan ang pagtuloy na paglaki ng mga bata, ngunit kailangan din nila ng tamang nutrisyon. Mangyaring pakainin sila ng ilan sa mga nabanggit na pagkain pampatangkad upang sila ay lumaking malakas, masigla, at malusog. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Tips sa Masustansiyang Pagkain dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Nutrition and Growth – Fima Lifshitz, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3005655/ Accessed August 11, 2022

Dietary protein intake and human health – Guoyao Wu, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/26797090/ Accessed August 11, 2022

Factors affecting height velocity in normal prepubertal children – Jun Hui Lee, MD, Seul Ki Kim, MD, Eun Kyoung Lee, MD, Moon Bae Ahn, MD, Shin Hee Kim, MD, Won Kyoung Cho, MD, Kyoung Soon Cho, MD, Min Ho Jung, MD, and Byung Kyu Suh, MD, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6177663/ Accessed August 11, 2022

Vitamin D supplementation and growth in urban Mongol school children: Results from two randomized clinical trials – Davaasambuu Ganmaa, Jennifer J. Stuart, Nyamjav Sumberzul, Boldbaatar Ninjin, Edward Giovannucci, Ken Kleinman, Michael F. Holick, Walter C. Willett, Lindsay A. Frazier, and Janet W. Rich-Edwards, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5421751/ Accessed August 11, 2022

Vitamin D: The “sunshine” vitamin – Rathish Nair and Arun Maseeh, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3356951/ Accessed August 11, 2022

Chicken, broilers or fryers, wing, meat and skin, cooked, roasted, https://fdc.nal.usda.gov/fdc-app.html#/food-details/173630/nutrients Accessed August 11, 2022

The potential protective effects of taurine on coronary heart disease – Oktawia P. Wójcik, Karen L. Koenig, Anne Zeleniuch-Jacquotte, Max Costa, and Yu Chen, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2813349/ Accessed August 11, 2022

Vitamin B-12, folic acid, and growth in 6- to 30-month-old children: a randomized controlled trial -Tor A Strand, Sunita Taneja, Tivendra Kumar, Mari S Manger, Helga Refsum, Chittaranjan S Yajnik, Nita Bhandari, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/25802345/ Accessed August 11, 2022

Postprandial effects of almond consumption on human osteoclast precursors–an ex vivo study – Ilana D Platt, Andrea R Josse, Cyril W C Kendall, David J A Jenkins, Ahmed El-Sohemy, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/20947104/ Accessed August 11, 2022

The Role of Vitamin E in Human Health and Some Diseases – Saliha Rizvi, Syed T. Raza, Faizal Ahmed, Absar Ahmad, Shania Abbas, and Farzana Mahdi, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3997530/ Accessed August 11, 2022

Nuts, almonds, https://fdc.nal.usda.gov/fdc-app.html#/food-details/170567/nutrients Accessed August 11, 2022

Kale, raw, https://fdc.nal.usda.gov/fdc-app.html#/food-details/168421/nutrients Accessed August 11, 2022

Spinach, raw, https://fdc.nal.usda.gov/fdc-app.html#/food-details/168462/nutrients Accessed August 11, 2022

Orange, raw, https://fdc.nal.usda.gov/fdc-app.html#/food-details/1102597/nutrients Accessed August 11, 2022

Melons, cantaloupe, raw, https://fdc.nal.usda.gov/fdc-app.html#/food-details/169092/nutrients  Accessed August 11, 2022

Kiwi fruit, raw, https://fdc.nal.usda.gov/fdc-app.html#/food-details/1102667/nutrients Accessed  August 11, 2022

Grapefruit, raw, https://fdc.nal.usda.gov/fdc-app.html#/food-details/1102591/nutrients Accessed August 11, 2022

Vitamin C in Disease Prevention and Cure: An Overview – Shailja Chambial, Shailendra Dwivedi, Kamla Kant Shukla, Placheril J. John, and Praveen Sharma, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3783921/ Accessed August 11, 2022

Efficacy of Vitamin C Supplementation on Collagen Synthesis and Oxidative Stress After Musculoskeletal Injuries: A Systematic Review – 

Nicholas N. DePhillipo, MS, ATC, CSCS, Zachary S. Aman, BA, Mitchell I. Kennedy, BS, J.P. Begley, MD, Gilbert Moatshe, MD, PhD, and Robert F. LaPrade, MD, PhD, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6204628/ Accessed August 11, 2022

The role of nutrients in bone health, from A to Z – Cristina Palacios, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/17092827/ Accessed August 11, 2022

Effects of probiotics on child growth: a systematic review – Ojochenemi J Onubi, Amudha S Poobalan, Brendan Dineen, Debbi Marais, and Geraldine McNeill, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5025996/ Accessed August 11, 2022

Health Benefits of Probiotics: A Review –

Maria Kechagia, Dimitrios Basoulis, Stavroula Konstantopoulou, Dimitra Dimitriadi, Konstantina Gyftopoulou, Nikoletta Skarmoutsou, and Eleni Maria Fakiri, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4045285/ Accessed August 11, 2022

Bone health and osteoporosis: the role of vitamin K and potential antagonism by anticoagulants – Debra A Pearson, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/17906277/ Accessed August 11, 2022

Vitamin K and bone – Maria Fusaro, Maria Cristina Mereu, Andrea Aghi, Giorgio Iervasi, and Maurizio Gallieni, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5726210/ Accessed August 11, 2022

Vitamin E Inadequacy in Humans: Causes and Consequences – Maret G. Traber, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4188222/ Accessed August 11, 2022

The role of collagen in bone strength – S Viguet-Carrin, P Garnero, P D Delmas, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/16341622/ Accessed August 11, 2022

Specific Collagen Peptides Improve Bone Mineral Density and Bone Markers in Postmenopausal Women—A Randomized Controlled Study – Daniel König, Steffen Oesser, Stephan Scharla, Denise Zdzieblik, and Albert Gollhofer, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5793325/ Accessed August 11, 2022

Kasalukuyang Version

10/12/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Sinuri ang mga impormasyon ni Vincent Sales

In-update ni: Dexter Macalintal, MD


Mga Kaugnay na Post

Paano Suportahan Ang Bata Pagdating Sa Development?

Pagkain Na Pampatangkad: Heto Ang Mga Dapat Kainin


Sinuri ang mga impormasyon ni

Vincent Sales


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement