Kadalasan na sinasabi na dapat mapasaya tayo ng ating mga kinakain. Ang sensasyon ng pagtikim ng isang pagkain na gusto natin ay nagtri-trigger na iba’t ibang emosyon na maiuugnay natin sa kasiyahan. Sa mga oras ng kapaguran, marami sa atin na kumakain ng juicy steak o kaya ay isang galong ice cream. Ang pagpapakabusog ay nagpapasaya sa atin at nakapag papasabik ng ating panlasa. Sa kasamaang palad, ang paggawa nito ay mag-iiwan sa atin ng malaking waistlines at maraming mga alalahanin sa kalusugan. Ang hamon dito ay humanap ng mga masustansyang pagkain na kakainin upang maging masaya. Narito ang aming mga pagtatangka upang patunayan na ang paghahanap sa mga quintessential “pagkaing pampasaya” ay hindi mahirap.
Pagkaing Pampasaya: Mas Masustansyang Paraan Upang Kumain at Maging Masaya
Ang pananaliksik na inilathala noong 2013 ay nagkaroon ng konklusyon na ang positibong emosyon ay nagbibigay ng mahalagang trigger para sa hindi masustansyang pagkain. Ito ay inimbestigahan, at pinayuhan na kinakailangan pa ng maraming mga pag-aaral sa hinaharap kung ang pagkonsumo ng pagkain ay nagreresulta sa pagtaas ng emosyon sa pangkalahatan.
Ang hinahanap natin ay ang mga nakapagpapasaya na pagkain para sa atin. Sa madaling salita, kung nakararamdam tayo ng stressed, ito ang mga pagkain na kinakain natin. May mga pagkain na hindi lang nilalabanan ang stress, mabuti din ang mga ito para sa iyo.
Ang mga tiyak na pagkain ay nagtri-trigger ng positibong memorya ng pagkabata. Nagiging personal ang koneksyon dahil doon. Ibig sabihin din nito na ang mga uri ng pagkain na ito ay nakapagpapabuti ng ating disposisyon.
Pagkaing Pampasaya
May iba’t ibang mga nutrisyon at bioactive factors na makikita sa mga pagkain na may mahalagang epekto sa ating kognitibong pagkilos at mood.
Maraming mga neurotransmitters sa katawan ay nakakitaan na nagtri-trigger ng positibong pakiramdam, partikular kung kumakain. Ito ay maingat na balanse upang mahanap ang pagkain na parehong nakapagpapasaya at mabuti para sa atin.
Tsokolate
Ang tsokolate ay matagal nang kilala na maiuugnay sa kasiyahan. Maaari itong mag-interact sa neurotransmitters kabilang ang dopamine, serotonin, at endorphins.
Ang mga ito ay nakapagdaragdag sa gana, reward, at mood regulation. Naglalaman din ang mga tsokolate ng amino acid gamma aminobutyric acid (GABA) na nakapagpapabawas ng anxiety. Kung ikaw ay naghahanap ng kasiyahan, piliin ang dark chocolate, na mas masustansya na option.
Gatas
Ang benepisyo ng pag-inom ng gatas ay isinulat na nang maraming beses. Isa sa mga ito ay ang pagpapatibay ng mga buto, kaya’t hinihikayat na kumonsumo ng gatas kahit na tayo ay matanda na.
Naglalaman din ang gatas ng ilang opioid peptides na naglalaman ng pharmacological na may pagkakapareho sa opium. Ang caseins at whey proteins ay mga potensyal na pinagmumulan ng opioid peptides. Ang mga opioid peptides ay may antihypertensive at antidepressant na epekto.
Kape
Ang amoy ng kape ay minsan sapat na na nagtri-trigger ng pagpapabuti ng mood ng iinom nito. Nakakitaan din ang mga regular na umiinom ng kape na mas alerto at mas napabuti ang pag-function ng utak. Ang caffeine sa kape ay ang rason para sa pagpapabuti ng mood.
Saging
Ang saging ay mayaman sa nutrisyon, na nagpapabuti sa lebel ng blood sugar, at puno ng antioxidants. Naglalaman din ang saging ng kombinasyon ng bitamina B6, A, at C; fiber, tryptophan, potassium, phosphorus, iron, carbohydrate, at protina. Ang mga ito ay nakapagpapataas ng mood,
Walnuts
Lagpas sa pagiging snack, ang walnuts ay may antidepressant na epekto. Ang kombinasyon ng omega-3 fatty acids at uridine maging ang bitamina B, tryptophan, protina, at folic acid ay may kontribusyon sa pagkakaroon ng magandang mood.
Tsaa
Ang pagkonsumo ng 2-3 baso ng green tea ay nagpakita ng pag-stimulate ng alpha brain wave activity. Ito ay ang L-theanine sa green tea na responsable para rito.
Nakakitaan din ang pag-aaral na ito ay nakapagpapataas ng serotonin at dopamine, dalawa sa pinaka karaniwan na mood-boosting chemicals.
Blueberries
Ang antioxidants at anthocyanins sa blueberries ay mainam na panlaban sa stress. Karagdagan, ang antioxidants ay lumalaban sa free radicals na may adversely na epekto sa memorya.
Ang mga halimbawa na ito ay kailangan na ikonsumo na may moderasyon. Ang mainam na pagkain at magandang mood ay ang unibersal na katotohanan, ngunit ang lahat ng sobra ay hindi nakabubuti sa pangmatagalan na kalusugan.
Halimbawa sa kape, ang sobrang pag-inom nito (caffeine) sa isang araw, ay hindi ideal. Ang balanseng pag-inom nito kasama ng iba pang pagkain na hindi nakalista, ay dapat na maging sapat sa mainam na pagkain para sa magandang mood.
Key Takeaways
Kung nais natin maging masaya, ang hanap natin ay ang pagkaing pampasaya. Lahat tayo ay nais ng mga masustansyang pagkain na kakainin upang maging masaya. Ang kombinasyon ng neurotransmitters, bioactive factors, at kahit na ang mga memorya ng pagkabata ay kombinasyon upang ang isang tiyak na pagkain ay magpaganda ng mood natin.
Halimbawa ng ilang mga pagkaing pampasaya ay tsokolate, kape, gatas, tsaa, at blueberries. Syempre, ang mga ito ay kailangan na ikonsumo na may moderasyon at huwag komunso nang sobra. Kung nagawa mo iyon, tiyak na magiging mainam na mga pagkain ito upang mapabuti ang mood.
Para sa mas marami pang tips sa pagkain, pindutin ito.
[embed-health-tool-bmr]