Mayroon tayong mga araw na “pakiramdam ko bloated ako,” pwedeng pagkatapos ng mabigat na kinain na may kasamang paboritong soda o isang masustansyang salad na mayroong gatas. Parehong nagiging sanhi ng nanlalaki at namamagang pakiramdam sa ating tiyan.
Ang bloating ay nagdudulot ng sakit at hindi pagiging komportable, ngunit maaari rin itong maging dahilan ng pagkatamlay at pagiging self-conscious.
Huwag mag-alala – may magagawa tayong paraan sa ganitong kondisyon sa simpleng paraan na pagpili ng mga kinakain, tulad ng paglilista ng mga maiinam at masasamang pagkain para sa bloating.
Normal lamang ang bloating matapos kumain. Kung mahirap tunawin ang pagkain tulad ng prutas at gulay, mas mahabang oras ito nananatili sa tiyan. Mula roon, nafe-ferment ito at nagiging dahilan ng pamumuo ng gas.
Mga Pagkain na Nagdudulot ng Bloating
Beans
Maraming mga benepisyo sa pagkain ng beans. Alam mo bang ang beans ay may mataas sa fiber ay isa sa mga pagkain na nagdudulot ng bloating at gas?
Ang magandang balita ay, ang iyong katawan ay makaka-adapt sa pagkain ng beans kung palagi kang kakainin nito araw-araw. Kinakailangan ng mahabang panahon upang maka-adjust ang iyong katawan mula rito, kaya kung mayroon kang lakad ngayong linggo, pinapayuhan ka naming huwag munang kumain ng beans
Mga gulay na nasa de lata, mga sawsawan, at mga sabaw
Alam mo ba bakit ang mga de lata ay masasarap at tumatagal sa mahabang panahon? Asin.
Ang mga pagkaing may matataas na sodium ay nagdudulot sa katawan na manatili ang tubig kaya ikaw ay pagpapawisan hindi lang sa iyong tiyan, posible rin sa mukha, mga kamay at pwede ring sa mga paa. Isa sa mga paraan para maiwasan ito ay hugasan muna ang mga pagkaing mula sa de lata bago lutuin o kainin upang mabawasan ang nakalagay na sodium dito.
Kahit Anong Sugar-Free
Ang mga pagkain na sugar-free ay kabilang sa pagkain na nagdudulot ng bloating.
Sa paggawa ng sugar-free na pagkain ay gumagamit ng alternatibong pampatamis; pwedeng sorbitol, mannitol, at xylitol. Ang mga sugar alcohol na ito ay hindi natutunaw nang maayos ng ating katawan na nagdudulot ng fermentation sa intestinal tract. Ang mga gas na nabubuo sa prosesong ito ay maaaring magdulot ng bloating, cramps, o di kaya ay pagtatae. Kung kakain ka ng sugar-free na gum, pillin ang may xylitol, na nato-tolerate ng ating sistema.
Carbonated Drinks
Ang mga inuming carbonated ay puno ng air bubbles. Mas marami kang naiinom, mas maraming hangin ang nai-ingest, na nagdudulot ng paglaki ng tiyan.
Isa ito sa mga pangkaraniwang pagkain na nagdudulot ng bloating.
Kape na may Gatas
Ang kape ay acidic na maaaring maging sanhi ng problema sa isang acidic na sikmura. Karamihan ng mga tao ay lactose intolerant kaya’t ang pagdaragdag ng gatas sa kape (o sa iyong diet) ay magiging sanhi ng bloated na pakiramdam.
Ano ang Kakainin para Maiwasan ang Bloating?
Artichokes
Liban sa pagiging napakasarap, ang artichoke ay nagpapabilis ng pagtunaw at nakatutulong para maiwasan ang constipation.
Luya
Ang luya ay nakatutulong makabawas ng oras ng pananatili ng pagkain sa iyong sikmura, ibig sabihin ay mababa ang tsansa na magtuloy sa fermentation. Ang luya ay isa ring anti-inflammatory product, kaya napapakalma niya ang sistema ng tiyan.
Fennel Seeds
Ang Fennel seeds ay nakatutulong upang maging kalmado ng iyong GI tract, na nagiging dahilan ng maayos na pagdaloy ng hangin kasama ng iyong pagkain na makadadaan nang walang problema. Ang Fennel seeds ay madali lamang isama sa iyong diet, ihalo lang ito sa iyong pagkain, maiinom na tsaa.
Salmon
Kung ikaw ay isa sa mga mahilig sa salmon, magandang balita para sa’yo. Ang salmon ay puno ng fatty acid na makatutulong na magpakalma ng inflammation. Kaya, isa pang sushi, baked salmon, grilled salmon, at damihan pa ng kain!
Asparagus
Malaking pinagkukuhanan ng prebiotics ang asparagus, na nagbibigay ng maayos na pagtunaw, at maiiwasan ang pagiging bloated.
Avocado
Magnesium ang kasangga mo kung lalabanan ang pagiging bloated. Ito ay nakapag papa ipon ng tubig sa iyong intestine na nagbibigay ng dulas sa dumi at makatutulong para masiguradong ang gas ay hindi namumuo sa iyong tiyan.
Mga Paraan para Maiwasan ang Bloating
Ngayong alam na natin ang mga pagkain na nagdudulot ng bloating, narito ang ilan sa mga paraan para maiwasan ang bloating.
Ngumuya nang Dahan-dahan
Ang pagnguya ng dahan-dahan ay nagreresulta ng mga pagkaing pumupunta sa iyong tiyan at bahagya nang natutunaw sa laway pa lamang. Bilang resulta, ang iyong kinain ay nagkokonsumo ng kakaunting espasyo sa iyong GI tracts.
Magkaroon ng Sapat na Pahinga
Kapag kulang tayo sa tulog, ang katawan natin ay naglalabas ng mas maraming stress
hormone na tinatawag na cortisol. Kapag mataas ang ating lebel ng stress ay humihina ang ating digestive system, na nagdudulot ng bloating at constipation.
Iwasan ang straw at pagkain ng gum
Ang paghigop gamit ang straw at pagnguya ng gum ay nagiging sanhi ng pag-ingest ng hangin. Mas maraming hangin sa tiyan, mas bloated ang iyong pakiramdam.
Lutuin ang iyong mga Gulay
Ang mga hilaw na pagkain ay mahirap na tunawin, nagdudulot ito ng mas mahabang panahon sa iyong digestive tract, na nagiging sanhi ng fermentation.
Kumilos
Kung nanatili ka sa isang posisyon sa mahabang oras, ang iyong digestion ay biglang bababa. Ito ay maaaring maging dahilan ng constipation, na magiging resulta ng bloated na pakiramdam.
Gawin ang mga sumusunod na paraan ng pagbabago sa pagkain at siguraduhing alalahanin ang mga mainam at nakasasamang pagkain sa bloatedness upang tuluyang mamaalam sa pakiramdam na bloated!
Isinalin sa Filipino ni Jerra Mae Dacara
[embed-health-tool-bmi]