Isa sa gustong subukan ng tao ay kung paano mag-juice cleanse, dahil laging nag-aabang ang tao para sa new diet craze. Pero aminin natin, ang pag-sustain sa isang diet ay mahirap at boring minsan, kaya magandang i-try ang new trends at uso. Sapagkat, pinapanatili nilang exciting ang mga bagay! Gayunpaman, laging tandaan na ang diet na hindi sustainable ay pwedeng makapinsala sa katagalan.
Isa sa recent trends sa diet ay tinatawag na “juice cleanse”. Ngunit ano nga ba ito? Madali ba? Ligtas ba ito? Gumagana ba? Paano mag-juice cleanse? Basahin ang artikulong ito.
Ano ang Juice Cleanse?
Ang juice cleanse ay isang uri ng detox diet. Sangkot dito ang pag-inom ng katas ng gulay at prutas sa loob ng ilang araw. Kadalasan ang juice cleanse ay karaniwang tumatagal ng 1-3 araw. Subalit, pwede itong tumagal ng hanggang 10 araw.
Naniniwala ang mga tao na ang juice cleanse ay nakakatulong sa pag-detox ng katawan. Mula sa hindi malusog na build-up ng taba at toxins, nagmumula sa hindi malusog na diet. Ipinakikita rin ng usong detox craze ang benepisyong ito sa pagbaba ng timbang at maintenance.
Ano ang benepisyo ng Juice Cleanse?
Narito ang ilang benepisyo ng juice cleanse:
- Pinahusay na overall health
- Pag-flush out ng toxins
- Mas mahusay na panunaw o digestion
May katuturan ang buong ideya ng pag-detoxify sa pamamagitan ng pag-inom ng juices at gulay. Kailangan lang natin tingnan ang science o agham nito, para i-verify ang claims.
Ngunit, sa kasamaang palad, walang kasalukuyang siyentipikong katibayan o pag-aaral para ipakita pagiging epektibo ng juice cleanse. Habang ang ilang mga inisyal na pag uusap na ang nag-isip at nakipagtalo tungkol sa pag-inom ng gulay at prutas, dahil maaari raw itong mag-alis ng fiber sa katawan.
Sa kabilang banda, ang ilang mga prutas at gulay, gaya ng citrus, kale, at carrot ay napatunayang kapaki-pakinabang sa overall health. Kaya naman, ang mataas na pag-take nito ay makakatulong sa katawan.
Ang lahat ng impormasyon na mayroon tayo ngayon ay pwedeng magamit para sa matalinong paglalagay o pag-iimbak ng items sa bahay. Huwag masyadong damihan ang stocks dahil makakatulong ito (kung fresh ang gagamitin) para sa pagiging epektibo ng juice cleanse, pagdating sa isang malusog na pamumuhay. Gayunpaman, ang mas maraming prutas at gulay sa’yong diyeta sa pamamagitan ng juicing ay pwedeng isang magandang ideya. Tandaan, sa paggamit ng juice cleanse, huwag lamang din basta umasa sa fasting. Hindi maganda minsan ang puro juice lang at hindi pagkain ng solids sa diet. Maaari itong makasama sa kalusugan.
Epektibo ba ito?
Pagdating sa topic ng pagbaba ng timbang, ang juice cleanse ay siguradong makapagdudulot ng resulta. Para sa panandaliang panahon, pwedeng maging isang mabilis na paraan ito upang i-reset ang iyong katawan. Gayunpaman, hindi ito angkop o sustainable na paraan para sa anumang pangmatagalang resulta. Kung nakatakda ka nang mag-juice cleanse, maghanap ng kaakibat ng juicing at iba pang mas matatag na paraan sa pagpapababa ng timbang, tulad ng meal planning o ehersisyo.
Paano Mag-juice Cleanse?
Interesado ka bang subukan ang juice cleanse? Narito ang iyong juice cleanse steps. Para sa juice cleanse, pwede kang maghanda ng anuman at maraming uri ng prutas at gulay. Maaari na gawin ito bilang iyong juice o smoothie, ngunit iwasan ang pagdaragdag ng masyadong maraming asukal (pwede kang pumili ng low-calorie sweeteners) o mga prutas na mataas ang sugar.
Paano Mag-juice Cleanse: Paghahanda
Kailangan mong alisin ang iyong sarili mula sa ilang mga pagkain. Unti-unting bawasan ang iyong pag-take ng kape, asukal, dairy, alcoholic beverages, at wheat.
Kung naninigarilyo ka, dapat mo ring ihinto ito hanggang sa pag-aayuno o fasting. Ito’y para matulungan kang kontrolin ang anumang cravings o withdrawal symptoms na pwedeng lumabas mula sa fasting.
Paano Mag-juice Cleanse: Pag-inom
Sa buong proseso ng fasting, dapat kang umiinom ng nasa 32 ounces ng juice o smoothie, na hindi bababa sa kalahati nito ay dapat binubuo ng mga gulay.
Pagkatapos ng fasting
Huwag kakalimutan, sa oras na matapos ang fasting, kailangan mong maging maingat sa dami ng pagkain na iyong kinakain. Dahil ang iyong tiyan ay magigng sensitibo, kumain nang bahagya sa loob ng ilang araw pagkatapos ng fasting. Unti-unting isama ang mga pagkain sa iyong meals sa mga susunod na araw.
Key Takeaways
Gayunpaman, sumasang-ayon ang agham na ang mga prutas at gulay ay kapaki-pakinabang sa katawan. Ang mataas na pag-intake nito ay pwedeng maging mabuti para sa’yong kalusugan dahil ang pagkain ng maraming uri ng prutas at gulay sa’ting diyeta ay mas kapaki-pakinabang. Subalit, hindi tayo maaaring umasa lamang dito at higit na mainam parin ang balanse at malusog na palagiang gawi ng pagkain.
Alamin ang Iba Pang Mga Tip sa Malusog na Pagkain dito.
[embed-health-tool-bmi]