backup og meta

Masustansyang Pagkain Para sa mga Bata: Ano-ano ang Maaaring Ihain?

Masustansyang Pagkain Para sa mga Bata: Ano-ano ang Maaaring Ihain?

May mga nagsasabi na masarap daw pakainin ang bata dahil mahilig sila sumubok ng iba’t ibang mga pagkain na inaaalok sa kanila. Ngunit, habang lumalaki sila, hindi rin naman maitatanggi na nagiging pihikan na sila sa mga pagkain. Ano-ano ang mga posible mong ihain na pwede nilang magustuhan? Paano mo sila mahihikayat na kumain ng mga masustansyang pagkain para sa mga bata? 

Mahalaga na lumaking malusog ang mga bata, at kaakibat ng kanilang paglaki ang wastong nutrisyon na dapat nilang makamit. Kung kaya, dapat mong malaman at matandaang malaki ang epekto ng kung ano ang kinakain at iniinom ng mga bata sa kanilang kalusugan. Ito ang dahilan kung bakit nararapat na hikayatin silang kumain ng mga masustansyang pagkain para sa mga bata. 

Ano-ano ang Maaaring Mong Ihain sa mga Bata?

Kailangan ng mga bata ng balanseng diyeta na naglalaman ng mga pagkain mula sa limang pangunahing food groups. Kabilang dito ang mga prutas, gulay, protina, dairy na produkto, maging mga carbohydrates. Ang mga nutrisyong taglay ng bawat isa ang makatutulong upang ang mga bata’y maging malusog at masigla sa pangaraw-araw. 

Naririto ang ilan sa mga masustansyang pagkain para sa mga bata na maaari mong ihanda at ihain:

Patatas, Tinapay, Kanin, Pasta at Iba pang Starchy Carbohydrates

Alam naman natin na ang carbohydrates ang pangunahing pinagmumulan ng enerhiya, na mahalaga para sa mga bata lalo na’t sila’y napakaaktibo. Ang mga ito rin ay nagtataglay din ng fiber at iba pang mga esensyal na bitamina at mineral, na kailangan para paglaki at pag-unlad ng bata. 

Maaari mong pakainin ang iyong anak ng tinapay, wholegrain cereals, o whole oats sa umaga. Sa tanghalian at hapunan naman ay pwede kanin, pasta, o maari rin namang patatas. 

Karne, Manok, Isda, at Iba pang Mataas sa Protinang Pagkain

Kailangan ng bata ng protina upang ang kanyang katawan ay lumaki at gumalaw nang maayos at naaayon.  Kabilang dito ang pagbuo ng mga bagong tisyu at paggawa ng mga antibodies na tumutulong sa paglaban sa mga impeksyon. Kung walang mahahalagang amino acids (ang mga naturang building blocks ng protina), magiging mas madaling kapitan ng malubhang sakit ang mga bata.

Ang mga masustansyang pagkain para sa mga bata na mayaman sa protina ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

  • Lean meat (o wala tabang karne)
  • Isda
  • Manok
  • Itlog
  • Beans
  • Lentil
  • Chickpeas
  • Tokwa
  • Mani

Ang mga pagkaing ito ay mahalaga para sa paglaki at paglago ng mga muscles sa katawan. Bukod pa rito, ang mga ito ring iba pang kapaki-pakinabang na bitamina at mineral tulad ng iron, zinc, vitamin B12 at omega-3 fatty acids. Ang mga iron at omega-3 fatty acid mula sa pulang karne at mamantika na isda ay partikular na mahalaga para sa pag-unlad ng utak maging pag-aaral ng iyong anak.

Ang mga itlog din ay isang madaling alternatibo para sa karne na maaaring ihain sa iba’t ibang paraan. Ito ay pwede maging scramble, boiled, poached, o ‘di kaya isang omelette na maaari ring lamanan sa loob. 

Mga Gulay at Prutas

Hindi mawawala sa listahan ng mga masustansyang pagkain para sa mga bata ang tanyag na “glow foods” na kinabibilangan ng mga gulay at prutas.

Ang mga prutas at gulay ay nagbibigay sa mga bata ng enerhiya, bitamina, anti-oxidant, fiber at maging tubig sa katawan. Nakatutulong ang mga ito upang protektahan sila mula sa mga sakit na maaari nilang makuha sa hinaharap tulad ng: 

Samakatuwid, nararapat na hikayatin ang mga bata na kumain ng limang bahagi ng prutas at gulay sa isang araw. Dapat din silang kumain ng iba’t ibang klase dahil masisiguro nito na makakukuha nila ng mga bitamina at mineral.

Mga Dairy na Produkto 

Ang gatas, yogurt, keso ay mga masustansyang pagkain para sa mga bata habang lumalaki. Ito ay marahil nagtataglay sila ng iba’t ibang nutrients tulad ng mga sumusunod:

Kailangan nila ng calcium sa katawan dahil ito ay makatutulong upang palakasin ang mga buto, at para sa nerve at muscle function. Tinutulungan din ng vitamin D na palakasin lalo ang mga buto. 

Mga Tips upang Mahikayat Silang Kumain ng Masustansyang Pagkain para sa mga Bata

Ang ilang mga tips na ito ay maaari ring makatulong upang masanay ang mga bata na kumain ng mga masusustansyang pagkain.

  • Ugaliin ang pagkain nang sabay-sabay. Gawing family time ang pagkain ng agahan, tanghalian, at hapunan. 
  • Maghain ng iba’t ibang masustansyang pagkain at meryenda. Maaari rin hiwain at ihain ang mga pagkain sa mga kawili-wiling hugis o itsura. 
  • Iwasan ang maghanda at mag-imbak ng mga pagkaing mayroong added sugar, saturated at trans fats, at sodium.
  • Alukin sila ng mga prutas bilang meryenda. 

May posibilidad na magiba-iba ang gana ng mga bata sa pagkain depende sa salik na maaaring makaapekto. Magsimula sa maliit na bahagi at kung magugustuhan nila ito, maaari mo silang alukan ng mas malaking bahagi. 

Key Takeaways

Malaki ang epekto ng mga masustansyang pagkain para sa mga bata dahil ito ang tumutulong sa kanilang pangkalahatang kalusugan. 
Ang pagturo sa kanila kung paano kumain nang tama at wasto ay magdudulot ng tamang pagpili ng mga pagkain sa kanilang paglaki.

Alamin ang iba pa tungkol sa Tips sa Masustansiyang Pagkain dito

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Nutrition for kids: Guidelines for a healthy diet, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/childrens-health/in-depth/nutrition-for-kids/art-20049335 Accessed May 16, 2022

Healthy Food Choices for Your Family, https://www.healthychildren.org/English/ages-stages/gradeschool/nutrition/Pages/Making-Healthy-Food-Choices.aspx Accessed May 16, 2022

Healthy food for school-age children: the five food groups, https://raisingchildren.net.au/school-age/nutrition-fitness/daily-food-guides/school-age-food-groups Accessed May 16,  2022

Healthy eating for children, https://www.nidirect.gov.uk/articles/healthy-eating-children Accessed May 16, 2022

Healthy eating for children, https://www.healthdirect.gov.au/healthy-eating-for-children Accessed May 16, 2022

Healthy Eating, https://kidshealth.org/en/parents/habits.html Accessed May 16, 2022

Kasalukuyang Version

05/30/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Dexter Macalintal, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Mushroom Coffee? Heto ang 7 na Dapat Mong Malaman

Mindful Eating: Pagiging In-The-Moment Habang Kumakain


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement