backup og meta

Epekto ng Stress Eating: Narito Ang Dapat Mong Malaman

Epekto ng Stress Eating: Narito Ang Dapat Mong Malaman

Naranasan mo na bang ma-stress nang sobra kaya’t gusto mo na lang kumain para mawala ito? Kung gayon, maaaring nakararanas ka ng tinatawag na stress eating. Ano ang epekto ng stress eating sa kalusugan?

Pagdating sa pagkain, karaniwan nang problema ng mga tao ang stress eating o binge eating. At kahit okay lang naman ang madalas na pagkain ng paborito mo, ang sobrang pagkonsumo ay maaaring makaapekto sa iyong kalusugan. 

Pero ano nga ba talaga ang dahilan kung bakit nag-i-stress eating ang isang tao? Ano ang puwedeng gawin upang makontrol ito?

Ano ang Stress Eating?

Ito ay ang pagkain ng tao bilang coping mechanism upang malabanan niya ang stress.

Halimbawa, ang isang taong nag-i-stress eating ay maaaring makaramdam ng ginhawa o buti ng pakiramdam matapos kumain ng malaking pakete ng sitsirya o ng isang buong pizza kung sila ay stress. Mas masama ito kung ang tao ay madalas na stress dahil sa trabaho, pamilya, o personal na mga problema. 

Magandang pag-usapan ang stress eating. Kadalasan kasi, ang mga taong stress ay nawawalan ng ganang kumain. Maaaring naranasan mo na rin ito.

Ngunit ang mga taong madalas o palaging stressed ay puwede namang tumindi ang gana sa pagkain. Ito ang dahilan kung bakit nasasabik silang kumain. Nangyayari ito kapag hindi bumababa ang appetite nila sa pagkain kahit tapos na ang kanilang stressful episode.

Ibig sabihin, ang taong may stress eating ay nakararamdam na gusto nila palaging kumain kahit hindi na sila stress o hindi rin naman nagugutom. Kung magpapatuloy ito, magiging malaki itong problema dahil maaaring mauwi sa pagtaas ng timbang, at unhealthy lifestyle.   

Ano ang Koneksyon ng Stress Eating sa Binge Eating?    

Konektado ang binge eating sa stress eating dahil dulot ito ng stress. Kadalasang ginagawa ito ng isang tao (binge eating) upang makayanan ang stressful situation. 

Ang kaibahan ng binge eating ay kapag hindi na makontrol ng isang tao na kumain nang kumain sa loob lamang ng maikling oras. Madalas itong sinusundan ng guilt feeling, o minsan, gustong isuka ng tao ang kanyang mga kinain. 

Dahil dito, puwede nating sabihing ang binge eating ay isang uri ng stress eating. 

Ano-ano ang mga Sanhi ng Stress Eating?

Sa pangalan pa lang, ang stress eating ay epekto ng sobrang stress. Minsan, dahil sa matinding stress, nahihirapan ang isang taong magpahinga o umiwas dito.

Minsan, ginagamit din ito ng ibang tao bilang coping mechanism kapag nahihirapan silang kontrolin ang kanilang emosyon. Hindi maitatanggi ang masamang epekto ng stress eating, kaya’t mahalagang maagapan agad ito.

Paano Mo Malalaman kung Ikaw ay Nakakaranas ng Stress Eating?

Maaaring mapansin ng isang tao ang mga sumusunod:

  • Mas mabilis kumain kumpara sa karaniwan
  • Mas marami na ang kinakain
  • Kain nang kain kahit hindi naman gutom
  • Nakararamdam ng kahihiyan pagkatapos kumain
  • Palagiang pagkain bilang reward sa sarili
  • Hindi makontrol ang sarili pagdating sa pagkain

Ito ang mga karaniwang senyales sa pagkain kapag stress

Ano ang mga Epekto ng Stress Eating sa Ating Mga Katawan?

May mga epekto ang sobra-sobrang pagkain sa ating katawan. Kabilang na dito ang mga epekto ng stress eating:

  • Pagtaas ng timbang
  • Posibilidad na magkaroon ng sakit sa puso kung kumakain ng fatty foods
  • Tumataas ang panganib na magkaroon ng atherosclerosis
  • Pagtaas ng cholesterol
  • Maaari ding magkaroon ng diabetes
  • Maaaring makaranas ng pananakit ng tyan (stomach cramps)
  • Hirap sa pagpokus sa ginagawa (concentrating)

Mahalaga ang kakayahang makontrol ito dahil ang epekto ng stress eating ay maaaring mauwi sa mga seryosong problemang pangkalusugan. 

Pwede bang Umiwas sa Pagkain kung Stressed?

Narito ang ilang tips na puwedeng gawin upang makontrol mo ang ganitong kondisyon:

I-Manage ang iyong Stress

Ang pinakamagandang gawin kung madalas kang kumain kapag stress ay humanap ng mga paraan upang makontrol ang iyong emosyon. Aralin din kung papaano makakayanan o maiiwasan ang mga nagdudulot sa iyo ng ganitong klase ng pakiramdam. 

Minsan, makatutulong kung haharapin mo ito agad. Maaari ding makipag-usap sa iyong therapist upang matulungan kang malaman ang tamang mga hakbang upang masolusyunan ito. 

Mahalaga na mabawasan ang iyong stress dahil nakatutulong ito upang maiwasan mong kumain kapag ikaw ay stress. 

Magtuon ng Pansin sa Ibang Bagay

Makatutulong paminsan-minsan ang pagtuon sa ibang bagay tuwing makararamdam ka ng pananabik sa pagkain. Puwede kang mag-video games, manood ng pelikula o ng paborito mong palabas sa telebisyon, magpatugtog, o maglakad. Anumang makatutulong sa iyo upang maialis sa isip ang pagkain ay puwede mong gawin. 

Minsan, Makatutulong ang Meditation

May malaking naitutulong ang meditation sa pagharap sa stress at sa pagkasabik sa pagkain.

Maglaan ng oras sa pagninilay at pag-iisip ng mga ginagawa. Makatutulong ito upang makapagpokus at makontrol ang sarili tuwing makarararamdam ng kagustuhang kumain nang kumain. 

Subukang Mag-ehersisyo 

Nakababawas ng stress ang pag-eehersisyo dahil inilalayo ka nitong kumain nang kumain. Anumang pagkakataong makaramdam ka ng pagkasabik sa pagkain, subukang mag-ehersisyo sa loob ng 10-15 minuto upang maalis ito sa isip. 

Sa ganitong paraan, hindi ka lang tinutulungang makaiwas sa binge eating, tinutulungan ka rin nitong magbawas ng timbang, at mapanatili ang malusog na pangangatawan. 

Puwede ka ring uminom ng tubig. Binubusog at tinatanggal nito ang iyong uhaw na minsang sanhi ng pakiramdam na nagugutom.

Makipag-usap sa Iba Tungkol Dito  

Hindi mo kaya palaging harapin ang iyong problema nang mag-isa. Minsan, mainam na makipag-usap sa ibang tao kung stress ka. Matutulungan ka ng isang therapist kung papaano mo epektibong mahaharap ang iyong stress. Matutulungan ka rin nitong matukoy ang pinakasanhi ng iyong mga problema. 

Key Takeaways

Madalas aminin ng mga tao na siya ay nag-i-stress eating. Mahalagang mabantayan kung ang iyong stress eating ay nauuwi na sa mas nakababahalang kaso. Maraming magagandang pamamaraan upang makayanan ang stress at iba pang problemang emosyonal kaysa sa stress eating. Kumonsulta sa doktor o sa isang therapist upang matulungan kang mas maging handa sa pagharap at pag-manage ng iyong stress. 

Matuto nang marami pang Healthy Eating Tips dito

Isinalin sa Filipino ni Daniel De Guzman

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. Binge Eating Disorder | National Eating Disorders Association, https://www.nationaleatingdisorders.org/learn/by-eating-disorder/bed, Accessed July 30 2020
  2. Stress and Eating Behaviors, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4214609/, Accessed July 30 2020
  3. Tips to Manage Stress Eating | Johns Hopkins Medicine, https://www.hopkinsmedicine.org/health/wellness-and-prevention/tips-to-manage-stress-eating, Accessed July 30 2020
  4. Emotional Eating – HelpGuide.org, https://www.helpguide.org/articles/diets/emotional-eating.htm, Accessed July 30 2020
  5. Why stress causes people to overeat – Harvard Health, https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/why-stress-causes-people-to-overeat, Accessed July 30 2020

Kasalukuyang Version

12/20/2022

Isinulat ni Jan Alwyn Batara

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Mushroom Coffee? Heto ang 7 na Dapat Mong Malaman

Mindful Eating: Pagiging In-The-Moment Habang Kumakain


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Jan Alwyn Batara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement