Kapag pinag-uusapan ang mga gulay, hindi madalas na binabanggit ang benepisyo ng seaweed sa kalusugan. Pwedeng dahil hindi ito kasing available ng sarawing ani. Tulad ng mga kamatis, repolyo, at bawang. Ngunit, sa paglitaw ng dried seaweed, gaya ng nori at kelp. Ang mga benepisyo ng malusog na seaweed ay abot-kamay na.
Basahin ang artikulong ito at matuto pa tungkol sa seaweed.
Benepisyo ng Seaweed: Ang Mga Gulay sa Dagat na Hindi mo Dapat Palagpasin
Ang seaweed ay nagmumula sa malalaking halaman sa o malapit sa tubig-alat. Mayroong libu-libong uri ng seaweeds. Dagdag pa rito, marami sa’tin ang pamilyar sa “green ones”. Kung saan, nararapat na tandaan na maraming nakakain na uri nito — tulad ng mild-brown at deep-red na kulay. Ang mga ganitong uri ay kadalasang may mala-sulfur o maanghang na lasa dahil sa vitamins, mineral, at protina na taglay nito.
Sa ngayon, ang mga tao ay may higit na access sa mga benepisyo ng seaweed. Halimbawa, ang nori (ang pinambabalot ng sushi) at pinatuyong kelp (kombu) ay available na ngayon sa maraming grocery store.
Mga Potensyal na Benepisyo ng Seaweed
Kapag nakain mo ito sa katamtaman, pwede mong makuha ang mga benepisyo ng pinatuyong seaweed na suportado ng agham:
Powerhouses ng sustansya
Kahit gaano kapayat at walang timbang ang hitsura ng dried seaweed. Naglalaman pa rin ito ng maraming sustansya.
Halimbawa, ang manufacturer ng yaki nori (roasted nori) sinabi sa kanilang website na ang 100 grams ng kanilang produkto ay may 188 calories. Mayroon din itong higit sa 40 grams ng protina, 44 grams ng carbohydrates, 3.7 grams ng taba — at 530 mg ng sodium. Gayundin ang nori, naglalaman din ito ng iba’t ibang bitamina (A, B1, B2, C) at mga mineral — tulad ng iodine, potassium, iron, zinc, magnesium, at calcium. Ang pinatuyong nori ay mayaman din sa “soft” fiber na mahalaga sa mas madaling matunaw.
Ipinagmamalaki pa ng nutrition facts na ang 2 sheets ng nori ay pwedeng magbigay sa’yo ng sapat na bitamina A, B1, at B2. Habang ang 1 sheet naman ay magbibigay sa’yo ng sapat na iron. Ibig sabihin nito, matutulungan ka ng nori na bawasan ang panganib ng anemia².
Ang pinatuyong seaweed ay nakakatulong para matugunan ang kakulangan sa iodine
Sinasabi ng mga eksperto na ang isa sa pinakamahusay na mapagkukunan ng iodine ay ang seaweed, tulad ng nori, kombu, kelp, at wakame.
Gayunpaman, pakitandaan na ang dami ng iodine sa seaweed ay nag-iiba depende sa uri, at, mga prosesong dinaranas nito sa panahon ng manufacturing.
Para bigyan ka ng ideya kung gaano kahusay ang iodine source dried seaweed. Sinasabi ng mga ulat na ang 10 grams ng pinatuyong nori ay naglalaman ng 232 mcg ng iodine. Ito’y katumbas ng 155% ng iodine na kailangan mo araw-araw.
Maaari silang makatulong na mabawasan ang kolesterol
Ang isang animal study ay nagsasabi na ang nori dietary supplement ay binabaligtad ang negatibong epekto ng dietary cholesterol. Nangangahulugan ito na pwedeng makatulong ang nori na bawasan ang cholesterolemia.
Tandaan na ang cholesterolemia ay isang makabuluhang kadahilanan ng panganib para sa maraming cardiovascular disease.
Ang pinatuyong seaweed ay pwedeng makatulong sa pagbaba ng timbang
Tulad ng nabanggit kanina, ang nori ay mayaman sa fiber. Sinasabi ng mga ulat na ang mataas na paggamit ng fiber ay nag-trigger ng pagkaantala ng pagkagutom ng tiyan. Nangangahulugan ito na mas busog ang isang tao nang mas matagal. Kung saan, nakakatulong ito na maiwasan ang labis na pagkain.
Paggamit ng Mga Potensyal na Benepisyo ng Seaweed
Kung gaano kalusog ang mga pinatuyong seaweed sheet. Maraming tao pa rin ang nahihirapan na kainin ito. Kung gusto mong magdagdag ng kelp o nori sa’yong diyeta, isaalang-alang ang sumusunod:
- Maghanda ng kombu drink sa pamamagitan ng pagbabad ng mga piraso ng kombu sa tubig. Sa loob ng 15 minuto bago kumulo ng humigit-kumulang 10 minuto. Patayin ang apoy, alisin ang mga piraso ng kombu. Pagkatapos ay idagdag ang mga piraso ng luya.
- Durugin ang ilang piraso ng nori at iwisik sa salad o sopas. Bilang kahalili, maaari mong durugin ang sheets at ihalo ang mga ito sa sea salt para sa mga pampalasa.
- Gumamit ng nori para balutin ang iyong salad o tofu.
- Mamili ng fresh edible seaweed at gamitin ang mga ito. Tulad ng ginagawa sa mga karaniwang gulay. Subalit, pakitandaan na ang mga uri ng seaweed ay may iba’t ibang lasa.
Mga Paalala
May ilang mga benepisyo ang dried seaweed, tulad ng kelp at nori dahil sa kanilang nutrient content na taglay. Gayunpaman, mangyaring mag-ingat sa’yong pagpili ng pinatuyong seaweed. Hangga’t pwede, iwasang kumain ng overly seasoned products na pwedeng magdagdag ng asin.
Matuto pa tungkol sa Masustansyang Pagkain dito.
[embed-health-tool-bmr]