Maraming mga rason bakit hinihikayat ng mga medikal na propesyunal na ihinto ang paggamit ng tobacco. Hindi lamang ito nakasisira ng respiratory organs at blood vessels, ang paninigarilyo ay may banta rin ng cancer. Gayunpaman, may mga pag-aaral na ipinakita na mayroong mas masama kaysa sa paggamit ng tobacco. Lumabas sa pag-aaral na ang labis na ang sobrang katabaan (0besity) ay mas nakamamatay kaysa paninigarilyo.
Labis Na Katabaan vs. Labis Na Pag-Inom, Kahirapan, At Paninigarilyo
Ang ideya na ang labis na ang sobrang katabaaan ay mas nakamamatay kaysa paninigarilyo ay hindi na bago. Mayroon ng mahalagang pag-aaral mula rito dalawang dekada na ang nakalipas.
Ang pag-aaral ay pinangunahan ni Kenneth Wells, isang psychiatrist, at ni Roland Sturm, isang ekonomista sa kalusugan. Sa kanilang pagkalap ng datos, nag-employ sila ng 9,000 na matatanda at ginamit ang kanilang 1998 “self-reported” na pagtataya sa mga sumusunod na salik:
- Estado ng paninigarilyo
- Timbang at taas
- Problema sa pag-inom ng alak
- Kahirapan
- Pisikal na kalidad ng buhay
- 17 chronic na medikal na kondisyon
Ang mga mananaliksik ay umasa na masusuri nila ang epekto ng estado ng paninigarilyo, BMI (taas at timbang), problema sa pag-inom ng alak at kahirapan sa pagkakaroon ng 17 chronic na medikal na kondisyon at pisikal na kalidad ng buhay.
Sa kanilang pag-aaral, napag-alaman nila na:
- Ang pagkakaroon ng BMI na 35 o higit pa (Obese 2) ay mayroong mas malubhang epekto kaysa sa kahirapan, labis na pag-inom ng alak, at paninigarilyo.
- Ang pagkakaroon ng BMI na 30-35 (Obese 1-2) ay may kaparehong epekto gaya ng sa kahirapan. Gayunpaman, mas nakapamiminsala ito sa kalusugan kaysa sa kahirapan, labis na pag-inom ng alak at paninigarilyo.
Narito ang nakababahala: Kahit na dalawang dekada na ang nakalipas sa pag-aaral na ito, ang “nationally representative” na pag-aaral na ito ay may katotohanan pa rin.
Ang Sobrang Katabaan Ay Nagdudulot Ng Labis Na Paggastos Na Medikal
Ang sobrang nakatabaan ay hindi lang mas nakamamatay sa paninigarilyo, nagdudulot din ito ng labis na paggastos sa medikal na aspekto. Perpektong idinokomento ito nina Well at Sturm sa kanilang pag-aaral.
Natuklasan nilang ang mga regular na labis na umiinom ng alak ay gumagastos ng 14% na mas mataas sa serbisyong medikal kaysa sa pangkalahatang baseline ng populasyon. Ang araw-araw na naninigarilyo ay gumagastos ng higit na 21%. Ngunit ang mas nakababahala ay ang mga labis ang katabaan ay gumagastos ng higit 36% na mas marami para sa kanilang serbisyong medikal. Idinadagdag din ng mga mananaliksik na 77% na mas mataas ang gastusin sa gamutan ng mga labis ang katabaan.
Ito ay nangangahulugan na ang mga taong may labis na katabaan ay gumagastos nang mas marami sa kanilang kalusugan. Ito ay kumpara sa mga taong manginginom, naninigarilyo, at mga taong namumuhay sa kahirapan.
Maraming mga eksperto ang naniniwala na ang pagkakaroon ng sobrang katabaan ay nagdudulot ng mataas na gastos sa pinansyal. At maaaring tama sila, base sa datos na mayroon kami noong 2008.
Ayon sa CDC, ang estimated na medikal na gastos sa mga labis ang katabaan sa US ay $ 147 bilyon kada taon. Karagdagan, naisiwalat na ang mga taong may sobrang katabaan ay gumagastos ng $1,429 na higit sa taong may normal na timbang.
Mas Laganap Ang Sobrang Katabaan Kaysa Paninigarilyo
Isa pa sa mga rason kung bakit ang mga eksperto ay naniniwala na ang sobrang katabaan ay mas malala kaysa sa paninigarilyo ay dahil ngayon ay naging epidemic na ito sa US.
Noong dalawang dekada, 23% ng mga Amerikano ay kinonsiderang labis ang katabaan, habang 19% ay ang mga araw-araw naninigarilyo. Kamakailan lamang, ang mga numerong ito ay mas tumaas.
Ang CDC ay nagdeklara na mula sa taong 2017 hanggang 2018 ang lumalalang kaso ng sobrang katabaan sa mga adult ay pumalo ng 42.4%. At mukhang ang ganitong pagtaas ay nangyayari rin sa ibang parte ng mundo.
Halimbawa, ang 2019 na pag-aaral mula sa Cancer Research UK ay nagbigay ng konklusyon na ang mga taong labis ang katabaan ay nalamangan na ang bilang ng mga naninigarilyo sa United Kingdom. Ang kanilang pagsusuri ay pinakita na sa kada 1 naninigarilyo mayroong 2 labis ang katabaan.
Sa Pilipinas, nangyayari na rin ito. Ayon sa CIA World Factbook, ang paglala ng kaso ng mga adult na may sobrang katabaan sa ating bansa noong 2014 ay 4.7% lamang. Sa nakalipas na dalawang taon lamang, noong 2016, tumaas ito sa 6.4%.
Ang Banta Ng Sobrang Katabaan At Paninigarilyo
Sa kasamaang palad, ang ilan sa mga tao ay kumakaharap ng hindi lang isa ngunit dalawang alalahanin. Lumalabas na ilan sa mga indibwal na labis ang katabaan ay naninigarilyo rin.
Ngayon, hindi alam ng mga eksperto kung bakit ang labis na katabaan na may kinahaharap nang suliranin sa kalusugan ay naninigarilyo pa. Maaaring iniisip nila na makababawas ng gana sa pagkain at nakababawas ng sugar cravings ang paninigarilyo. Sa madaling salita, sa tingin nila na makatutulong ito upang mabawasan ang kanilang timbang.
Ang problema ay ito: Inilabas ng pag-aaral na hindi ito totoo.
Sa pag-aaral na, “Ang Paninigarilyo ay Naiuugnay Kasama ng mas Maraming Abdominal Fats sa Sakit ng Pasyenteng may Labis na Katabaan,” ang mga mananaliksik ay natuklasan na ang paninigarilyo habang ikaw ay nasa labis na katabaan ay nagreresulta sa mas mataas na BMI, mas maraming abdominal fat, at mas mataas na porysento ng body fat.
Kaya mula rito, ang mga mananaliksik ay naniniwala na ang paninigarilyo at labis na katabaan ay ang pinaka-delikadong magagawa mo.