Hindi laging sanhi ng masamang paraan ng pamumuhay ang obesity. Maaari ding ito ay dahil sa maraming iba pang mga salik, kabilang na ang history sa pamilya, kasaysayang medikal, atbp. Sa tulong ng isang malusog na paraan ng pamumuhay, maiiwasan ang mga sakit na dulot ng pagiging overweight. Maaari ka ring humingi ng tulong kaugnay ng mga angkop na gamot at ehersisyo upang maiwasan ang iba pang mga kondisyon.
Ano Ang Obesity?
Ang obesity ay isang kondisyon kung saan mas maraming calories ang kinakain kaysa sa sinusunog. Ang naipong fats ay ang dahilan ng pagkakaroon ng sobrang timbang at nagiging sanhi ng obesity. Itinuturing na obese ang mga indibidwal na may Body Mass Index (BMI) na 30 pataas.
Ang sobrang fats sa katawan ay nagbibigay ng labis na stress sa mga buto at iba pang organs, dahilan upang mas madaling kapitan ng mga sakit tulad ng sakit sa puso, altapresyon, kanser, atbp.
[embed-health-tool-bmi]
Sakit Na Dulot Ng Pagiging Overweight
Diabetes
Kung ikaw ay overweight, pinapataas nito ang tyansa ng pagkakaroon ng type 2 diabetes. Ang type 2 diabetes ay isang kondisyon kung saan ang katawan ay hindi nakapagpoprodyus o gumagamit ng insulin. Nagiging dahilan ito upang labanan ng katawan ang insulin.
Ang insulin ay isang hormone na pinoprodyus ng pancreas. Nakatutulong itong gawing lakas ang sugar na ating kinokonsumo para sa cells ng katawan. Kung nilalabanan ng iyong katawan ang insulin, nangangahulugan itong hindi maayos na nagagamit ng katawan ang sugar upang maging eherhiya. Ang mga taong overweight ay mas may tyansang magkaroon ng type 2 diabetes. Ito ay dahil ang naiipong fats sa kanilang katawan ay nagiging sanhi upang ang cells ng katawan ay hindi gaanong magkaroon ng reaksyon sa insulin.
Sa simpleng salita, hindi maayos na gumagana ang insulin sa mga taong obese. Kaya naman, ang diabetes ay isa sa mga karaniwang sakit na dulot ng pagiging overweight
Kung ikaw ay overweight, nagiging mahirap para sa iyo ang pagsasagawa ng mga araw-araw na gawain. Mapoprotektahan mo ang iyong sarili mula sa pagkakaroon ng type 2 na diabetes sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga pisikal na aktibidad na makatutulong upang makontrol ang lebel ng iyong blood sugar. Dapat ding magkaroon ng malusog na diet at sapat na tulog.
Obesity At Cancer
Ang pagiging obese ay hindi laging nangangahulugang pagkakaroon ng cancer. Ngunit ang obesity ay nagiging sanhi upang ang isang tao ay magkaroon ng mas mataas na tyansang magkaroon ng cancer. Napatataas din nito ang tyansa ng pagkakaroon ng higit sa 10 uri ng cancer tulad sa suso, bato, bituka, obaryo, atbp.
Isang mahalagang bagay na dapat maunawaan ay nababago ng fat cells ang paraan ng paggana ng katawan. Ang fat cells na ito ay naglalabas ng mga kemikal na maaaring maging dahilan upang ang malalapit na cells sa mga ito ay kumilos nang kakaiba at maging malign. Nangyayari ito sa iba’t ibang organs ng katawan, at nagiging dahilan upang magkaroon ng iba’t ibang uri ng cancers.
Ang cancers at mga sakit na nauugnay sa obesity ay ang mga sumusunod:
- Endometrial cancer
- Cancer sa atay
- Cancer sa tiyan
- Ovarian cancer
- Cancer sa bato
- Cancer sa gallbladder
- Breast cancer
- Cancer sa pancreas
Naglalabas ang fat cells ng maraming estrogen. Kung may sobrang fats cells ang katawan ng isang tao, mas maraming estrogen ang inilalabas ng kanyang katawan. Ang estrogen ay maaaring maging sanhi ng pagkalat ng cells sa tiyan at mga suso, na mas sensitibo sa estrogen. Ito ay maaaring humantong sa cancerous na mga tumor. At ito ang dahilan kung bakit ang mga kababaihang may mga cancer sa suso at tiyan ay lubhang may mas malaking lebel ng estrogen.