backup og meta

Namamana ba ang Obesity? Heto ang Ilang mga Facts Tungkol Dito

Namamana ba ang Obesity? Heto ang Ilang mga Facts Tungkol Dito

Sinong natatakot na magtimbang sa weighing scale? Kadalasan, nakikita natin na ang pagdagdag ng timbang ay produkto ng pagkain nang marami, kaya’t ito ay sensitibong paksa. Gayunpaman, may hihigit pa ba sa obesity kaysa sa pagkain nang sobra? Namamana ba ang obesity? Ang artikulong ito ay palalalimin pa ang mga sagot sa tanong na iyan upang magkaroon ng maayos na pag-unawa tungkol sa paano nangyayari ang obesity. 

Namamana ba ang Obesity?

Tumutukoy ang obesity sa abnormal o labis na fat buildup na may banta sa kalusugan. Sinasabi na ang isang tao ay overweight kung ang kanilang body mass index (BMI) — numero na nagbibigay ng katangian sa kanilang bigat kaugnay ng kanilang taas — na umaabot sa 25 o mas mataas. Habang ang obese ay may BMI na 30 pataas. (Bagaman ang BMI ay malaki ang pakinabang sa mga doktor, mahalaga na tandaan na hindi nito nasusukat ang tunay na fat ng malusog na tao; ito ay parte lamang ng kabuuan)

Sa mga nakalipas na taon, ang bilang ng mga kaso ng obese ay nagpatuloy na tumaas dahil sa mataas na konsumo ng calorie at pagbawas ng ehersisyo na talamak sa lipunan ngayon. Habang marami ang nagsasabi na ang mga pagbabagong ito ay malaki ang gampanin sa pagtaas ng kaso ng obesity, hindi maitatanggi na kabilang din dito ang genetic factor.

Ang mga doktor at healthcare provider ay kadalasan na tinitignan ang family background at history ng kalusugan sa regular na check-ups. Ang impact ng namamanang genes sa mga pamilya ay makikita sa family history. Kaya’t ang regular na check-ups ay nakatutulong sa doktor na matukoy ang mga may banta ng pagkakaroon ng obesity-related disorders tulad ng:

  • Diabetes
  • Cardiovascular disease (stroke at sakit sa puso)
  • Ibang mga uri ng cancers

Namamana ba ang Obesity? Ano ang Sinasabi ng Siyensya?

Maraming sinasabi ang siyensya tungkol sa tanong na “Namamana ba ang obesity?”

Una, ang genes ay may malaking gampanin sa katawan ng isang tao, adaptation, development, at kahit na ang ibang aspekto ng buhay. Upang makontrol ang pagkonsumo ng pagkain, nakatatanggap ng signal ang utak mula sa fat tissue, pancreas, at digestive tract. Ang mga hormones tulad ng leptin, insulin, at ghrelin ang nagpapadala ng mga mensahe. Inuugnay naman ng utak ang mga impulse na ito sa ibang mga inputs upang magpadala ng instruction sa katawan. Ang resulta ay nasa isa sa dalawa: kumonsumo ng maraming pagkain at gumamit ng kaunting enerhiya, o ang kabaliktaran. Kahit na ang maliliit na pagbabago sa genes ay nakaiimpluwensya sa lebel ng mga gawain.

Paano Nananagot ang Genes sa Obesity

Ang mga obese na tao ay maaaring maraming genes na dahilan kung bakit mas bumibigat ang timbang. Nakikita ang fat mass at obesity-associated gene (FTO) —  sa 43% ng populasyon — ay kinokonsiderang salik. Ang mga may genes na ito ay nahihirapan sa paglimita ng pagkonsumo ng calorie sa harap ng pagkain.

Nagreresulta ang pagkakaroon ng gene na ito maging ang ibang genes ng:

  • Pagtaas ng lebel ng pagkagutom
  • Pagtaas ng konsumo ng calorie
  • Pagbawas ng satiety
  • Pagbawas ng kontrol sa pagkain nang sobra
  • Mataas na tendensiya na maging sedentary
  • Mataas na tendensiya na mag-imbak ng body fat

Karagdagan dito, ang genes ay maaari ding makadagdag sa obesity na karamdaman tulad ng Bardet-Biedl syndrome at Prader-Willi syndrome.

Gayundin, ang pag-aaral kamakailan lang ay nagpakita na malaki ang gampanin ng genetics sa 40-70% ng mga kaso ng obesity. Napag-alaman din ng mga mananaliksik na may higit sa 50 genes ang naiuugnay sa obesity.

Nasa ibaba ang ilan sa mga gene variants na maaaring may kaugnayan sa obesity:

  • ADIPOQ (Adipocyte-, C1q-, at collagen domain-containing)
  • FTO (Fat mass- at obesity-associated gene)
  • LEP (Leptin)
  • LEPR (Leptin receptor)
  • INSIG2 (Insulin-induced gene 2)
  • MC4R (Melanocortin 4 receptor)
  • PCSK1 (Proprotein convertase subtilisin/kexin type 1)
  • PPARG (Peroxisome proliferator-activated receptor gamma)

Maraming mga genes na ito ay makikita sa iba’t ibang karaniwang kondisyon (monogenetic obesity). Gayunpaman, may mahalagang parte ng obesity ang nakakitaan na nakadepende sa maraming mga salik. Ang gene expression ay dulot ng resulta ng complex interactions sa pagitan ng genes at ng kapaligiran.

Upang pasimplehin, dahil sa ikaw ay may genes na may kaugnayan sa obesity hindi ibig sabihin nito na ikaw ay magiging obese. 

Mahalagang Tandaan

Namamana ba ang obesity? Oo, maaaring namamana ito, ngunit may malaking salik na nakapag co-contribute sa pangkalahatang pagkakaroon nito. Ang pag-uugali, lifestyle, at kapaligiran ay maaari ding mag contribute sa pagiging overweight at obese.

Ang pag-unawa sa kung paano ang gampanin ng genes sa pagiging obese ay makatutulong upang maghanap ng mas magandang paraan upang maiwasan at malunasan ito. Sa kabila ng lahat, mahalaga na tandaan na ang banta ng genetics ay maliit lamang na parte ng kabuuan. Maaari mo pa ring ayusin ang ibang mga salik na hahantong sa obesity sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malusog na lifestyle.

Matuto pa tungkol sa Obesity dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Behavior, environment, and genetic factors all have a role in causing people to be overweight and obese, https://www.cdc.gov/genomics/resources/diseases/obesity/index.htm Accessed November 8, 2021

Genes and obesity, https://www.cdc.gov/genomics/resources/diseases/obesity/obesedit.htm Accessed November 8, 2021

Genes Are Not Destiny, https://www.hsph.harvard.edu/obesity-prevention-source/obesity-causes/genes-and-obesity/ Accessed November 8, 2021

Obesity, https://www.who.int/health-topics/obesity#tab=tab_1 Accessed November 8,  2021

Other Factors in Weight Gain, https://www.cdc.gov/healthyweight/calories/other_factors.html#:~:text=Science%20shows%20that%20genetics%20plays,syndrome%20and%20Prader%2DWilli%20syndrome Accessed November 8, 2021

Obesity and Genetics: Nature and Nurture, https://obesitymedicine.org/obesity-and-genetics/ Accessed November 8, 2021

Kasalukuyang Version

05/05/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Mabagal Na Metabolism, Paano Nakakaapekto Sa Kalusugan?

Anu-ano ang Nagpapataas ng Panganib ng Obesity?


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement