Kung nagiging determinado ka na sa pagpapanatili ng malusog na katawan, maaaring nagtataka ka kung bakit nananatiling payat ang ilang mga tao habang nahihirapan naman magbawas ng timbang ang iba. Maraming health at fitness references ang nagtuturo tungkol sa kung anu-ano ang mga body types at somatotypes. May tatlong uri ng body type ang mga tao, anuman ang kanilang timbang, tangkad, at kasarian.
Anu-ano ang mga body types?
Sa karaniwan, may tatlong kilalang somatotype o body type, kabilang dito ang ectomorphs, mesomorphs, at endomorphs. May natatanging katangian ang bawat body type at maaari rin magamit para malaman ang body composition (muscle-to-fat-ratio) ng isang tao. Parehong ginagamit ang mga body type na ito sa mga lalaki at babae.
Gayunpaman, mahalagang malaman na hindi lubos na kinikilala ng kasalukuyang medisina ang teyorya ng tatlong body types. Mas madalas kaysa sa hindi, maaaring magkaroon ng dalawang body type ang isang tao kaysa isa lang. Dagdag pa rito, matagal na ring napatunayan na mali ang somatotype theory na nag-uugnay ng mga body type sa personalidad ng mga tao.
[embed-health-tool-bmi]
Anong body type ang mayroon ako?
Kung bago ka pa lamang sa konsepto ng somatotype o hindi pa sigurado sa iyong body type, may ilang paraan para malaman ito. Sa ilalim ng Heath-Carter variant ng somatotyping, may ilang rating forms at equations para sa bawat body type.
Kakailanganin sukatin hindi lamang ang iyong tangkad at timbang, kundi pati na rin ang skin fold thicknesses at haba at lapad ng buto sa binti. Mauunawaan na nakakakaba at mahirap para sa ilang tao ang proseso. Kaya mas mabuti na ipagpaliban na lamang ito sa mga lisensyadong healthcare professional.
Anu-ano ang mga body types: Ang ectomorph na body type
Una sa lahat, kung may magsabi man na mapalad ka dahil nakakakain ka ng lahat ng gusto mo nang hindi tumataba, posibleng isa kang ectomorph. Madalas na napakabilis ng metabolism ng mga taong may ganitong body type, dahil nakakakain sila ng kahit anong pagkain nang hindi agad tumataba— kahit pa gusto nila.
Karaniwang nahihirapan magkaroon ng muscle mass at taba ang mga ectomorphs. Maaari ring nakakapanghina ito ng loob para sa mga taong nais magpalaki ng katawan o pagbutihin ang kanilang athletic performance. Posible ring maging self-conscious ang mga babae na may ganitong body type dahil sa hindi masyadong pagkakaroon ng kurba at hugis sa katawan.
Narito pa ang ilang pisikal na katangian ng mga ectomorph:
- Rectangular o ruler na body shape
- Mahabang paa
- Maliit o flat na tiyan
- Manipis na mga bisig at ibabang binti
- Karaniwang payat ang itsura kahit na tumaba o bumigat
- Mabilis na nawawala ang muscle mass at taba kapag inactive o undernourished
Anu-ano ang mga body types: Ang mesomorph na body type
Mesomorphs ang tawag sa pangalawang uri ng body type. Nasa gitna lamang ang mga taong may ganitong somatotype. Maaari silang magkaroon ng muscle at taba nang kasingdali lang din ng pagkawala nito. Mayroon ding proportional body composition at structure ang mga mesomorph.
Karaniwang tinatawag na “ideal” ang body type na ito, lalo na sa mga lalaki. Ngunit posible pa ring maging overweight ang mga taong may ganitong type kung hindi mag-iingat.
Narito pa ang ilang pisikal na katangian ng mga mesomorph:
- Hourglass o inverted triangle na body shape
- Mas malapad na balikat
- Tapered waist o limbs
- Katamtamang body composition kahit matapos tumaas o bumaba ang kanilang timbang
- May kakayahang mapanatili ang muscle mass at taba nang mas mahusay kaysa sa mga ectomorph
Anu-ano ang mga body types: Ang endomorph na body type
Karaniwang mas mabigat at solid ang pangangatawan ng mga endomorph. Mas may kakayahan silang makakuha ng muscle mass kaysa sa ibang body type, ngunit maaari ding mas magkaroon sila ng maraming taba at mas matagal din itong mawala.
Tila mas maliit o matipuno silang tignan dahil sa mas malapad nilang pangangatawan at mas maikling limb proportion. Gayunpaman, hindi nangangahulugan na endomorph ang isang tao dahil lamang sa maliit o overweight and indibidwal. Ito ang karaniwang maling pagtingin na nagtutulak sa mga tao na magkamali sa sariling body type sa tuwing babantayan ang kanilang timbang.
Narito pa ang ilang pisikal na katangian ng mga ectomorph:
- Square, round, o pear ang hugis ng katawan
- Mas malapad na balakang, wrist at ankle
- Higit na maikling kamay at paa
- Mas mataba sa hita, braso, at tiyan
- Makapal na rib cage o torso
- Posibleng mas tumaba habang sinusubukan magkaroon ng muscle nang magkasabay
- Hirap mawalan ng taba sa katawan kahit nag-da-diet o nag-e-ehersisyo
Mayroon bang advantage at disadvantage sa bawat body type?
Isinasaalang-alang ng ilang eksperto sa fitness at diet ang body type ng isang tao sa tuwing gumagawa ng program para sa indibidwal. Ang pagbibilang ng calorie ang pinakamahalaga sa weight management. Ngunit nakatutulong din ang pag-alam ng sariling body type para sa iyong training goals.
Ilang siglo na ang nakalipas, tinuturing na ang endomorph na body type ang mas mahusay sa survival lalo na noong may kakulangan sa pagkain. Gayunpaman, madali na makuha ang mga pagkain sa kasalukuyang panahon ngayon at karaniwan na ang laging nakaupo na pamumuhay.
High Intensity Interval Training (HIIT)
Dahil madaling tumaba at tumaas ang timbang ng endomorphs dahil din sa taba, mahalagang maiwasan ang calorie surplus. Dagdag pa rito, marapat na gamitin ang lahat ng carbs na kinakain upang maiwasan ang labis na asukal na nagiging taba sa katawan. Inirerekomenda ang high-intensity interval training (HIIT) para magbawas ng sobrang calorie.
At dahil may problema ang mga ectomorph sa pagkakaroon ng muscle at fat, marapat na mas pagtuunan nila ng pansin ang pagkakaroon ng calorie surplus. Mahalaga ang weight training kasama ng dagdag na pagkain ng protein bilang suporta sa pagkakaroon ng muscle. Magreresulta rin ng pagtaas ng timbang nang dahil sa taba at hindi sa muscle ang pagkain ng maraming carbs at taba nang walang sapat na protein.
Hindi kailangang sumunod ng mga mesomorph sa mahigpit na diet at hindi rin nakakaapekto sa buong pagsasanay nila ang hindi pagpunta ng ilang gym sessions. Gayunpaman, kung hindi talaga mag-da-diet o mag-e-ehersisyo ang isang mesomorph, hindi rin sila magkaroon ng abs. Mas magaan man ang body type na ito, ngunit hindi irin to perpekto.
Posible bang magpalit ng body type?
Isa itong tanong na madalas tanungin ng mga tao. Dahil nakabatay ang body types natin sa genetics, hindi talaga posibleng palitan ito ng iba pang type. Ngunit, maaari nating baguhin ang ating body composition sa pamamagitan ng diet at ehersisyo.
Ang sarili mong body type ang nagsasabi ng iyong default body composition. Ito rin ang nagsasabi kung gaano kadali o kahirap para sa iyo na magdagdag o magbawas ng muscle at taba.
Halimbawa, kung isang endomorph na may 25% na taba sa katawan, maaaring magkaroon ka ng hourglass figure tulad ng sa mesomorph sa pamamagitan ng pagbabawas ng taba at ab toning. Magkakaroon din ng ilusyon o inverted-V body shape ang mas maraming upper body workout nang may kaunting lower body work.
Dagdag pa rito, sinusuportahan din ng mga eksperto na maaaring magkaroon ng pinagsamang dalawang body type ang mga tao. Kung may malapad na balakang at hindi rin mabilis na tumaba o pumayat, maaaring isa kang endo-mesomorph. Posible rin na isa kang ecto-endomorph kung mukhang mapayat ngunit kung titignan naman ang body composition, may mas maraming taba kaya muscle.