Ang walang hanggang struggle sa pagitan ng pagkain ng mga masasarap na pagkain at pagkain ng mga masusustansyang pagkain para sa sariling kapakanan ay nagpapatuloy. Matagal nang paboritong meryenda ang potato chips dahil sa lasa at texture nito. Madali rin silang mahanap sa anumang grocery o convenience store. Maraming tatak ng potato chips ang patuloy na nangingibabaw sa mga istante ng tindahan. Gayunpaman, patuloy pa rin ang paghahanap ng pamalit sa potato chips sa kasalukuyan.
Ayon sa kahulugan nito, ang healthy chips ay dapat na maging pamalit sa potato chips bilang snacks kasabay ng pagpapatunay nito na ito ay isa ngang masustansyang opsyon. Mayroon iba’t ibang paraan ng pagbuo ng mga chips na ito.
Dahil ang regular potato chips ay karaniwang kinasasangkutan ng deep fat frying, ang iba pang mga pamamaraan ay ginalugad upang magsilbi bilang isang wastong alternatibo. Hindi rin ito limitado sa potato chips, bagkus maaari rin itong kabilangan ng mga sumusunod na pamalit sa potato chips:
- Banana chips
- Quinoa chips
- Iba pang veggie chips na makakapagbigay ng gana sa meryenda
Ang pagtaas ng obesity ay madalas na nabanggit ang hindi masustansyang pagkain na madaling ma-access ng mga tao bilang isa sa mga pangunahing salarin. Ipinakita ng mga mananaliksik na ang pagkonsumo ng labis na taba ay isang kontribyutor sa obesity at iba pang nauugnay na malalang sakit. Ang sobrang lipid consumption, lalo na ng mga saturated fats, ay nagpapataas ng panganib ng coronary heart disease, diabetes, hypertension, at cancer
Mayroon Bang Demand Para sa Pamalit sa Potato Chips?
Noong 2005, ang potato chips ay nagka-kalap ng kita na $16.4 bilyon at umabot sa 35.5% ng total savory snacks market. Animnapu’t isang porsyento ng mga customer ang tumingin sa “low-fat” bilang isang mahalagang katangian ng mga meryenda na pagkain, at ang opinyon na ito ay tumaas ng 14% mula 2007 hanggang 2009.
Batay sa isang survey na isinagawa ng Snack Food Association noong 2009, 88% ng mga customer ang nag-iisip na ang “good value” ay ang pangunahing driver ng pagpili ng meryenda. Samantala, 79% ng mga mamimili ay nagsisikap na “kumain nang mas masustansya.” Ang survey ay nagpakita drn na ang “healthier” snack sales ay lumago ng 3.9% (2007 vs. 2008). Ang demand para sa low-fat o fat-free snack chips ay nagbibigay ng mahalagang pagkakataon para sa pagbuo ng mga bagong meryenda na may mas masustansyang profile.
Ano ang Available na Alternatibo sa Potato Chips?
Maraming banana chips din ang dumaan sa deep fat frying gaya ng karaniwang potato chips. Gayunpaman, may mga pagtatangka na bawasan ang oil absorption sa kanila. Ito ang nagiging dahilan upang magkaroon ng mas masustansyang pamalit sa potato chips. Ito ang kaso noong 2009 kung kailan ang hydrocolloid pectin ay ginamit para sa low fat banana chip production.
Noong 2018, isinagawa ang isang pag-aaral sa kalidad ng fried sweet potato chips sa ilalim ng microwave-assisted vacuum frying. Naobserbahan ang mga epekto ng mga ultrasound treatments sa mga ito at ang resulta ay medyo nakakagulat. Kailangang pumili ng tamang ultrasound power level at oras para makagawa ng friedsweet potato chips na may mas kaunting oil uptake, crisper texture, at mas magandang itsura.
Noong 2021 lamang, isa pang pag-aaral ang isinagawa upang suriin ang mga vegetable chips bilang pamalit sa potato chips. Mga 210 respondents ang sumagot sa isang survey tungkol sa ilang mga isyu upang matukoy kung ito ay nakaaapekto sa kanilang layunin sa pagbili sa mga vegetable chips. Kabilang dito ang environmental concern, health consciousness, hedonic shopping value, at price consciousness.
Key Takeaways
Nagiging mas malinaw na, kung bibigyan ng pagkakataon na kumain nang masustansya, ang mga tao ay gagawin ito. Ang mga potato chips na ginawa sa pamamagitan ng deep fat frying at paggamit ng mga preservatives ay nangingibabaw pa rin sa mga istante ng tindahan. Gayunpaman, ang pagnanais para sa masustansyang chips bilang isang pamalit sa potato chips patuloy na kinikilala.
Ang paggawa ng masusustansyang chips ay halos isang bagay pa rin na handang isugal ng mga kumpanya sa United States at sa ibang lugar. Nakahanap sila ng ilang tagumpay sa paggawa ng banana chips, sweet potato chips, at veggie chips.
Gayunpaman, sila ay higit na nahihigitan ng mga higanteng producer ng potato chips. Hanggang sa maging mas mainstream ang mga masusustnasyang na alternatibong ito, maaaring mai-relegate ang mga ito sa mga espesyal na tindahan.
Mayroon ka bang mga paboritong healthy alternative sa mga chips? Ibahagi ang mga ito sa amin sa comment section!
Alamin ang iba pa tungkol sa Nutrition Facts dito.
[embed-health-tool-bmr]