backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Mas Healthy Ba Ang Air Fryer Kumpara Sa Deep Frying? Alamin Dito!

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD · General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

Mas Healthy Ba Ang Air Fryer Kumpara Sa Deep Frying? Alamin Dito!

Samu’t saring mga air fryer ang nagsisilabasan, mapa Shopee man o Lazada. Maski ang iyong kaibigan ay ineeenganyo ka na ring bumili nito dahil napapadali raw nito ang iyong pagluluto. Higit pa rito, hindi raw ito nangangailangan ng labis na mantika. Kung kaya, patok talaga ito sa karamihan. Ngunit, mas healthy ba ang air fryer kumpara sa nakasanayan na nating pag-deep fry ng mga ulam? Ating alamin ang eksplanasyon sa paggamit ng mga air fryers sa artikulong ito.

Habang patuloy ang pagtahak natin sa makabagong panahon na ito, patuloy din ang paglaganap ng iba’t ibang mga imbensyon na maaaring makatulong sa ating pangaraw-araw. Ngayon, hindi lang ito para mapadali ang ating buhay; isinasaalang-alang na rin ang pagimbento ng mga produkto na makatutulong sa aspetong pangkalusugan. 

Ano Ang Air Fryer At Paano Ito Gumagana?

Maaaring napukaw ang iyong atensyon nang mabasa mo ang mga katagang air fryer, na mistulang pumupukaw ng interest ng karamihan ngayon. Bago natin sagutin ang tanong kung mas healthy ba ang air fryer, ano nga ba ito?

Ang air fryer ay tumutukoy sa isang pangkusinang kagamitan na maaaring gamitin sa pagprito ng iba’t ibang mga bagay. Kabilang ang manok, karne, isda, maging ang French fries sa maaari mong ilagay sa loob nito. 

Gumagana ito sa pamamagitan ng pagpapaikot ng mainit na hangin sa paligid ng pagkain upang maging malutong ang ipiniprito. 

Ito rin ay nagreresukta sa isang kemikal na reaksyon na tinatawag na Maillard reaction. Ito ay nangyayari kapag ang isang amino acid at isang reducing sugar ay tumutugon sa pagkakaroon ng init at humahantong sa mga pagbabago sa kulay at lasa ng mga pagkain.

Mas Healthy Ba Ang Air Fryer? Paano Ito Naiiba Sa Deep Frying?

Ngayong alam na natin kung ano ang mga air fryer at paano it gumagana, atin namang sagutin ang katanungang ng lahat — mas healthy ba ang air fryer kumpara sa deep frying?

Ang deep-fat frying ay tumutukoy sa proseso ng pagpapatuyo at pagluluto gamit ang mainit na mantika. Kadalasan, ganito iniluluto ang mga paborito mong meryenda tulad ng mga sumusunod:

  • French fries
  • Potato chips
  • Corn chips
  • Tortilla chips
  • Fried noodles 
  • Donuts

Kung iisipin, ang mga deep-fried foods tulad ng nabanggit ay karaniwang mas mataas ang fat content kaysa sa mga pagkaing inihanda sa ibang paraan ng pagluluto. Halimbawa, ang prinitong chicken breast ay naglalaman ng mas maraming taba kumpara sa inihaw na manok. 

Kung kaya, kinikilala bilang alternatibong paraan ng pagpiprito ang air frying. Sa air frying, iniinit ang mga pagkain, tulad ng French fries, sa pamamagitan ng mainit na hangin. Ito rin ay nagtataglay ng pinong patak lamang ng mantika kumpara sa nakasanayan na paglublob sa mantika sa deep frying. 

Ang kaigihan ng paggamit ng air fryer ay naluluto nang maayos ang pagkain gamit ang onting mantika. Napag-alaman na ang end product na air-fried French fries ay mayroong kaunting taba at mas malutong na texture. Ngunit, ang kulay at moisture content ay mahihihalintulad pa rin sa deep-fried na uri. 

Paano Nakaapekto Ang Air Frying Sa Kalusugan?

Ang mababang paggamit ng mantika ay kapaki-pakinabang para sa kalusugan ng isang tao. Ito ay dahil maaaring maiwasan ang mataas na panganib sa iba’t ibang kondisyon, kabilang ngunit hindi limitado sa mga sumusunod:

  • Sakit sa puso
  • Pamamaga
  • Stroke
  • Diabetes 
  • Dagdag pa rito, ang pagprito ng pagkain sa mantika ay maaaring maging sanhi ng pagbuo ng mga mapanganib na compound, tulad ng acrylamide. Ito ay madalas buhat ng high-heat cooking methods tulad ng deep frying.

    Ayon sa International Agency for Research on Cancer, ito ay maaaring may mga link sa pag-unlad ng ilang mga kanser, kabilang ang:

    • Endometrial cancer
    • Ovarian cancer
    • Pancreatic cancer
    • Breast cancer
    • Esophageal cancer

    Ang mga karagdagang pag-aaral ay nagmungkahi rin ng posibleng ugnayan sa pagitan ng dietary acrylamide at ilang mga uri ng kanser tulad ng kidney, endometrial, at ovarian cancers. Subalit, hindi pa natitiyak ang mga resulta nito. 

    Sa pamamagitan ng paglipat sa air frying, mababawasan ng mga tao ang panganib ng pagkakaroon ng acrylamide sa kanilang pagkain.

    Key Takeaways

    Malaking tulong ang mga impormasyong nabanggit mula sa iba’t ibang mga pag-aaral upang matukoy kung mas healthy ba ang air fryer kumpara sa nakagawian. 
    Idinisenyo ang mga ito upang magkaroon ng makabago at alternatibong paraan ng pagpiprito. Ngunit, hindi nito napapalitan ang tradisyonal na paraan ng paghahanda ng pagkain tulad ng pag-iihaw. 
    Kung ikukumpara ang air frying sa deep frying, walang duda na mas mainam gumamit ng air fryer para sa iyong mga pagkain. Ngunit, kung mailuluto mo ito sa ibang pamamaraan bukod sa pagprito, mangyaring iyon ang piliin. Ito ay 

    Alamin ang iba pa tungkol sa Tips sa Masustansiyang Pagkain dito.

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyung medikal ni

    Mae Charisse Antalan, MD

    General Practitioner


    Isinulat ni Fiel Tugade · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement