backup og meta

Alamin: Anu-Ano Ang Benepisyo Ng Mangga Sa Kalusugan

Alamin: Anu-Ano Ang Benepisyo Ng Mangga Sa Kalusugan

Ang mangga ay mayaman sa mga bitamina, mineral, at antioxidant. Ito ay nauugnay sa maraming benepisyo sa kalusugan, kabilang ang mga potensyal na anticancer effects, pati na rin ang pinahusay na immunity at digestive at kalusugan ng mata. Pinakamaganda sa lahat, ito ay masarap at madaling idagdag sa iyong diyeta bilang mga smoothies at marami pang pagkain.

Narito ang iba pang benepisyo ng mangga sa kalusugan. 

7 Benepisyo Ng Mangga Sa Kalusugan

1. Puno ng nutrisyon

Mayroong higit sa isang dosenang iba’t ibang uri ng polyphenols na nakapaloob sa laman, balat, at maging sa buto ng mangga, kaya naman maraming tao ang tumatangkilik nito. Ang mga polyphenol ay mga bahagi ng halaman na nagsisilbing bilang mga antioxidant upang protektahan ang iyong katawan.

Sa isang tasa (165 gramo) sariwang mangga:

  • 1.4 gramo ng protina
  • 24.7 gramo ng carbohydrates
  • 0.06 gramo ng taba
  • 2.6 gramo ng fiber
  • 22. 5 gramo ng asukal
  • 67% ng daily requirement para sa vitamin C (dv)
  • 20% ng DV ay dagdag copper
  • Folate: 18% ng DV
  • Vitamin B6: 12% ng daily value
  • Vitamin A: 10% ng daily value
  • Niacin: 7% ng daily value
  • Vitamin E: 10% ng daily value
  • Vitamin K: 6% ng daily value
  • Potassium: 6% ng DV
  • Riboflavin: 5% ng daily value
  • Magnesium: 4% ng DV
  • Thiamine: 4% ng daily value

Ang 1 tasa (165 gramo) lamang ng sariwang mangga ay may humigit-kumulang 67% na daily value (DV) para sa vitamin C. Ito ay isang kilalang uri ng bitamina na nalulusaw sa tubig na sumusuporta sa immune system, tumutulong sa iron absorption, at hinihikayat ang cell growth at repair. 

Sagana rin ang mga mangga sa mga mineral tulad ng copper at folate. Ang mga ito ang siyang sumusuporta sa malusog na paglaki at pag-unlad ng mga sanggol.  Partikular at mahahalagang sustansya rin ang dalawa sa panahon ng pagbubuntis.

2. Calorie efficient

Ang isang buong mangga ay may 202 calories (walang hukay at 336g), at ang bawat serving ay fat-, sodium-, at cholesterol-free. Bukod pa rito, mayroon din itong low-calorie count. 

Samantala, ang sariwang mangga naman ay may napakababang calorie density, o kung gaano kaunti ang mga calorie sa isang partikular na halaga ng pagkain, na may mga 100 calories lamang sa isang tasa (165 gramo) ng prutas.

Ipinahiwatig ng isang pag-aaral na ang pagkain ng sariwang prutas tulad ng mangga sa simula ng meal ay maaaring makaiwas sa labis na pagkain (overeating). Ito ay marahil karamihan sa mga sariwang prutas at gulay ay may mababang-calorie density.

Gayunpaman, tandaan na maaaring hindi ito ang kaso para sa mga dried mango. Ang mga ito ay may mas mataas na calorie density at 510 calories sa 1 tasa (160 gramo). Maaaring irekomendang ang katatamtamang pagkain ng dried mango dahil sa mataas na calorie density at nilalaman na asukal. Ito ay kahit na mayaman pa rin ito sa mga nutrisyon tulad ng mga bitamina, mineral, at antioxidant.

3. Tumutulong sa pag-iwas sa diabetes

Ang sariwang mangga ay mayroong medyo mataas na natural na asukal kumpara sa iba pang sariwang prutas. Ito ay naglalaman ng higit sa 22 gramo bawat tasa. Ngunit, mayroon pa ring kalakip na benepisyo ng mangga sa kalusugan. Ito ay lalo na para sa mga taong sinusubukang  kontrolin ang blood sugar dahil mayroon itong mababang GI at naglalaman ng fiber at mga antioxidant na maaaring makatulong na mabawasan ang mga blood sugar spikes.

Maaari mong isipin na ang mga nagsisikap na magbawas ng kanilang sugar intake o ang mga mayroong metabolic problems tulad ng diabetes ay maaaring mag-alala patungkol dito. Ngunit walang ebidensya na ang pagkain ng sariwang mangga ay nagdudulot ng diabetes. Bukod pa rito, wala ring impormasyon na nagsasabing mapanganib ang mga ito para sa mga may sakit na.

Sa katunayan, maraming mga pag-aaral ang nakapag-ugnay sa pagkonsumo ng mas sariwang prutas at pangkalahatang pagbawas ng panganib sa diabetes. Ilang mga pag-aaral ang partikular na kumilatis sa koneksyon sa pagitan ng sariwang mangga at diabetes.

Natuklasan din ng isa pang kamakailang pag-aaral na ang pagkain ng mga prutas at gulay na mataas sa vitamin C at carotenoids ay maaaring makatulong na maiwasan ang pagsisimula ng pagkakaroon ng diabetes.

Gayunpaman, kung kumain ka ng masyadong maraming mangga nang sabay-sabay, ang mataas na natural sugar content nito ay maaaring magresulta sa pagtaas ng iyong blood sugar levels. Dahil dito, inirerekomenda pa rin ang sapat lamang na pagkain ng mangga. Ito ay nangangahulugang hindi dapat ito hihigit sa 1 tasa (165 gramo) kada pagkain. Isa pang benepisyo ng mangga sa kalusugan ay ang kakayahang nitong makatulong, kasama ang iba pang mga pagkaing mataas sa fiber at protina, upang maiwasan ang pagtaas blood sugar.

4. Mayaman sa mga kapaki-pakinabang na plant chemicals

Ang mga macronutrients (carbohydrates, proteins, amino acids, lipids, fatty, at organic acids), micronutrients (vitamins at minerals), at phytochemicals (phenolic, polyphenol, pigments, at volatile constituents) ay ang iba’t ibang kategorya ng mga bahagi ng mangga. Ang mangga ay mayaman sa polyphenols. Ito ang mga plant compounds na nagsisilbing antioxidant upang protektahan ang iyong katawan.

Ang laman, balat, at buto ng prutas na ito ay naglalaman ng mahigit isang dosenang iba’t ibang uri. Dagdag pa rito, mahalaga rin ang mga antioxidant dahil pinoprotektahan nila ang iyong mga cells mula sa mga free radicals. At alam naman ng nakararami na ang mga ito ay highly-reactive substances na maaaring makapinsala sa kanila. Ang mga free radical damage ay konektado sa mga pag-aaral sa mga sintomas ng pagtanda at mga malalang sakit.

5. Pinapabuti ang immune system

Isa pang benepisyo ng mangga sa kalusugan ay tinuturing itong magandang pinagmumulan ng mga nutrisyon na nagpapalakas ng immune system. Ang isang tasa (165 gramo) nito ay naglalaman ng 10% ng daily recommended amount ng vitamin A. Ang naturang bitamina ay kinakailangan para sa isang malakas na immune system, na siyang konektado rin sa mas mataas na panganib ng impeksyon.

Bilang karagdagan, ang 1 tasa (165 gramo) ng mangga ay nagbibigay ng halos 75% ng daily recommended amount ng vitamin C. Ito naman ay matutulong sa iyong katawan na makagawa ng mas maraming white blood cells na siyang lumalaban sa sakit, tulungan ang mga cell na ito na gumana nang mas epektibo, at mapabuti ang mga panlaban ng iyong balat.

Kalakip ng mangga ang mga bitamina tulad ng vitamin A, C, K, at E, pati na rin ang mga B vitamins (tulad ng folate). Maaaring makatulong upang ang mga nabanggit na nutrisyon upang mapalakas ang katawan laban sa mga sakit. 

[embed-health-tool-bmi]

6. Itinataguyod ang kalusugan ng puso

Maraming benepisyo ng mangga sa kalusugan ang nakapaloob sa mga nutrisyon nito. Isa na rito ang para sa kalagayan ng puso. Halimbawa, naglalaman ito ng magnesium at potassium na sumusuporta sa malusog na daloy ng dugo. Tumutulong din ang dalawang ito sa iyong mga daluyan ng dugo na makapagpahinga, dahilan naman upang mapababa ang presyon ng dugo.

Ang mangiferin, isang malakas na antioxidant, ay mayroong kapaki-pakinabang na benepisyo ng mangga sa kalusugan ng puso. Maaaring protektahan ng mangiferin ang mga cells ng puso laban sa oxidative stress, pagkamatay ng cell, at pamamaga. Bilang karagdagan, maaari itong makatulong sa pagpapababa ng mga triglyceride levels sa dugo, mga libreng fatty acid, at kolesterol.

Ang mga resultang ito ay nakapagpapatibay, ngunit kinakailangan pa rin ng mga karagdagang pananaliksik. Ito ay upang lubos na maunawaan ang kaugnayan sa pagitan ng mangiferin at kalusugan ng puso ng tao.

7. Itinataguyod ang kalusugan ng mata

Tumutulong din ang mga napag-usapang mg mineral para sa kalusugan ng mata. Ang mga antioxidant, lutein at zeaxanthin, ay dalawang mahahalagang elemento na matatagpuan sa mangga. Ang dalawang antioxidant na ito ay lumilitaw na nagbibigay proteksyon sa iyong mga mata mula sa nakapipinsalang blue light habang gumagana rin ito bilang natural sunscreen sa loob ng retina.

Bilang karagdagan, ang mangga ay isang magandang mapagkukunan ng vitamin A, na nagtataguyod ng kalusugan ng mga mata.

Gayunpaman, ang pagkakaroon ng dry eyes at nighttime blindness ay nauugnay sa mababang antas ng vitamin A sa diyeta. Ang mas matinding deficityd na maaaring magresulta sa mas malubhang problema, tulad ng corneal scarring.

Key Takeaways

Hindi maitatangi ang dami ng mga benepisyo ng mangga sa kalusugan, kabilang dito ang pagpapabuti ng immunity, kalusugan sa digestive at mata, maging ang mga potensyal na anticancer effects. Pinakamaganda sa lahat, ito ay masarap at madaling isama sa iyong diyeta bilang bahagi ng smoothies at marami pang ibang recipe. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Nutrition Facts dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Health foods, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/nutrition-and-healthy-eating/multimedia/health-foods/sls-20076653. Accessed September 26, 2022

Eat the rainbow for good health, https://www.mayoclinichealthsystem.org/hometown-health/speaking-of-health/eat-the-rainbow-for-good-health. Accessed September 26, 2022

Kasalukuyang Version

10/17/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

8 Baking Ingredients Para Sa Mga Mayroong Allergy Sa Itlog , Alamin!

Ayos Lang Bang Kumain Ng Maaanghang Ang Mga Bata?


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement