Naiisip mo na naman bang mag-diet bilang iyong New Year’s resolution? Malamang na ang binabalak mong diet ay nabibilang sa mga fad diet na dapat iwasan. At hindi lamang ito dahil sa katotohanan na halos 80 porsyento ng mga diet resolutions na nagagawa tuwing Bagong Taon ay nabibigo pagsapit pa lang ng Pebrero.
Ayon sa Boston Medical Center, tinatayang hanggang 50 porsyento ng 45 milyong Amerikano na nagdidiyeta taun-taon ay gumagamit ng mga fad diet. Kapag ang pangako ng iyong diet ay papayat ka nang hindi nagbibilang ng mga calorie o nag-eehersisyo man lang ay dapat ka na magtaka. Sa kasamaang-palad, walang tableta, powder, o mga pagkain ang maaaring makapagsunog ng taba. Walang sobrang pagkain ang magpapabago sa iyong genetic code, at ang uri ng iyong dugo ay hindi makakaapekto sa iyong diyeta.
Mga fad diet na dapat iwasan
Cabbage Soup Diet
Masarap talaga ang cabbage soup ngunit hindi pa rin nito kayang gumawa ng himala at papayatin ka habang kumakain lang nito. Ang diet na ito ay kilala rin bilang Miracle Soup o Russian Peasant Diet. Ang gagawin mo lang ay kumain ng low-calorie na cabbage soup sa loob ng pitong araw. Ayon sa iba ay maaari kang mawalan ng hanggang 10 pounds sa loob ng isang linggo kung susundin mo ito. Inaalis nito ang halos 1,200 calories na kailangan mo bawat araw para sa mga pangunahing aktibidad at malusog na metabolismo.
Intermittent fasting
Isa ito sa mga fad diet na maaaring iwasan dahil tumututok ito sa mga panahong dapat kang kumain, at hindi sa kung ano ang dapat kainin. May mga taong kumakain lamang sa loob ng anim o walong oras bawat araw, at ang iba naman ay isang beses lang. May mga pag-aaral nagpakita ng mabuting epekto ng fasting sa ilang mga kondisyon ng kalusugan tulad ng labis na katabaan, diabetes, sakit sa puso, kanser, at mga neurological na sakit. Gayunpaman, hindi mabuti ang diet na ito sa mga taong kailangan kumain nang regular, tulad ng mga taong nagpapasuso o umiinom ng gamot gaya ng insulin. Ang fasting ay maaari ding humantong sa labis na pagkain pag naglaon o bumalik sa normal na dyeta.
Keto diet
Ang keto fad diet na dapat iwasan ay isang low-carb, high-fat ketogenic diet. Sinusunog nito ang taba sa halip na carbohydrates upang magamit ng iyong katawan. Inirerekomenda ng plano na palitan ang carbohydrates ng mga unsaturated fats, tulad ng mga avocado, buto, at mani. Gayunpaman, nauuwi ito sa pagkain ng maraming saturated fats tulad ng mantikilya, langis, keso, at pulang karne. Nakakatulong man ito sa pagbawas ng timbang, maaari itong magkaroon ng side effects tulad ng:
- Hindi sinasadyang pagtaas ng timbang
- Mataas na kolesterol
- Komplikasyon sa bato
- Palpitations ng puso
- Panganib para sa may Type 1 diabetes
Paleo diet
Ito ay isang fad diet na dapat iwasan dahil nag-aalis ito ng mga grupo ng pagkain na hindi madaling makuha bago pa umunlad ang industriya ng pagsasaka. Ito ay batay sa panahon ng hunter-gatherer kung saan ang pangunahing pagkain ay gulay, prutas, at isda. Hindi kinakain dito ang mga:
- Butil
- Dairy
- Asukal
- Naprosesong pagkain
Iminungkahi ng ilang pag-aaral na ang paleo diet ay maaaring makatulong na maiwasan ang Type 2 diabetes, labis na katabaan, sakit sa puso, at ilang mga kanser. Gayunpaman, ang diet na ito ay lubos na mahigpit, kung kaya mahirap ang pangmatagalang pagsunod.
Naging sikat ang mga fad diet dahil minsan ay gumagana ang mga ito sa maikling panahon. Bagamat maaaring bumaba ang iyong timbang, kadalasan naman ay dahil ito sa pagkawala ng tubig o lean muscle. Ang mga paghihigpit na ipinataw ng mga fad diet na dapat iwasan ay hindi malusog at hindi makatotohanang panatilihin.
[embed-health-tool-bmi]