Gaya ng pangalan nito, One Meal a Day Diet (OMAD) ay ang pagkain ng lahat ng calories na kailangan sa buong araw sa isang meal. Ang OMAD ay isa sa mga extreme type ng intermittent fasting na madalas na inirerekomenda bilang plano sa pagbawas ng timbang at bilang isang porma ng lunas para sa type 2 diabetes. Ngunit paano nagiging epektibo ang OMAD diet?
Epektibo ba ang OMAD Diet?
Katulad ng kahit na anong diet, may ibang mga paraan kung paano isasagawa ang OMAD. Ang pagiging epektibo ay nakadepende rin sa kung gaano ka-committed ang isang tao sa regimen at kung anong kondisyon ang maaaring maging sagabal sa pagiging epektibo ng diet.
Dahil ang OMAD ay isang uri ng intermittent fasting, ang benepisyo sa kalusugan ay mainam at worth na pagpaliban ng pagkain. Tulad ng kahit na anong diet, ang uri ng pagkain na kinokonsumo ay may malaking salik sa pagiging epektibo ng diet.
Epektibo ba ang OMAD diet? Maaaring hindi maging epektibo ito kung ang isang tao ay hindi kinakain ang tamang pagkain. Sa pagsasagawa ng OMAD diet ay hindi ibig sabihin na ang isang tao ay maaaring kainin ang kahit na ano. Bagaman ang isang tao ay kailangan lamang kumain isang beses kada araw, kailangan pa ring maging maingat sa mga pagkain na ikokonsumo. Maliban sa pagkonsumo ng kinakailangan na calorie, ang mga pagkain na dapat kainin ay kailangan na mayroong mga bitamina, protina, at mineral na kinakailangan ng isang tao sa isang araw.
Sino ang Kinakailangang Sumubok ng OMAD Diet?
Ang OMAD ay mainam na regimen para sa mga nais na:
Makatipid sa Oras
Dahil kailangan mo lang na maghanda ng isang meal, ang OMAD ay mainam para sa mga taong nais magbawas ng oras sa pagkain maging sa paghahanda ng mga ito. Ang diet ay hindi lang tungkol sa pagkain ng kaunti ngunit pagkain din ng tama. Sa kahit na anong diet, ang maingat na paghahanda ay kinakailangan. Ang pagsasagawa at pagkain ng isang meal ay nakatitipid ng maraming oras.
Iwasan ang temptasyon
Dahil ang OMAD ay kinakailangan lamang na kumain ng isang meal kada araw, ang isang tao ay mas lalabanan ang mga temptasyon ng pagkain ng hindi masustansyang pagkain ng isang beses kada araw.
Naglalabas ng Natural na Adaptasyon ng Katawan
Epektibo ba ang OMAD diet? Sa pagsasagawa ng teorya ng intermittent fasting, nagkakaroon ng advantage ang OMAD sa natural na adaptasyon ng katawan tulad ng autophagy at glycolysis.
Autophagy. Ang autophagy ay isang prosesong biyolohikal, na kilala rin na cellular “waste removal” proseso na hinahayaan ang cells na mag-break down at metabolize ng dysfunctional proteins.
Glycolysis. Kung mayroong oras ng fasting, ang katawan ay sumusubok na gamitin ang fat na nakaimbak sa katawan. Ito ay isang key feature ng OMAD na nagiging sanhi ng pagbawas ng timbang.
Epekto ng OMAD
Epektibo ba ang OMAD diet? Maraming mga benepisyo ng OMAD diet.
Nakababawas ng Timbang
Ang OMAD ay mas nakapagbabawas ng timbang dahil sa pagbawas ng pagkonsumo ng calorie. Ibig sabihin ng OMAD ay ang pagkain ng kaunti na nagbibigay daan sa pagbawas ng timbang. Sa OMAD, ang isang tao ay kinakailangan kumain ng sapat na calorie sa isang meal at uminom ng non-calorie na drinks tulad ng tsaa at tubig sa buong araw. Ang pagkonsumo ng calorie ng isang tao ay nakadepende sa pangangailangan ng katawan at lifestyle.
Pag-iwas at Pag-manage ng Type 2 Diabetes
Ang type 2 diabetes ay ang pagkakaroon ng resistance ng katawan sa insulin, ang hormone na responsable para sa pagkontrol ng lebel ng sugar. Sa pagsasagawa ng OMAD diet, ang pagkain ay hindi laging available.
Ang insulin ay nananatiling mababa sa buong araw dahil ang insulin ay kadalasan na inilalabas ng isang tao kung kumakain. Kung hindi nailalabas ang insulin palagi, ang katawan ay hindi magkakaroon ng resistance mula rito.
Nakababawas ng Oxidative Stress
Ang oxidative stress ay kabilang ang unstable molecules (free radicals) na nagre-react sa mga mahahalagang molecules at pinipinsala ang mga ito. Oxidation ang sanhi ng maraming chronic na karamdaman at pagtanda. Kung ang katawan ay kumakain ng kaunting hindi masustansyang pagkain, kaunting free radicals ang pumapasok sa katawan.
Nakapagpapabuti ng Kalusugan ng Puso
Epektibo ba ang OMAD diet sa kalusugan ng puso? Dahil ang OMAD ay nagsusulong ng pagkain nang kaunti at pagkain ng masustansya, ang banta tungkol sa sakit sa puso ay nababawasan. Ipinakita ng mga pag-aaral na ang OMAD ay nagre-regulate ng blood pressure, nakababawas ng bad cholesterol at nagre-regulate ng lebel ng blood sugar. Gayunpaman, marami sa mga pag-aaral na ito ay base sa mga hayop. Maraming mga pag-aaral pa ang kinakailangang isagawa upang mapatunayan ang pagiging epektibo ng OMAD laban sa sakit sa puso.
Kalusugan ng Utak
Ipinakita ng mga pag-aaral na ang intermittent fasting ay nanghihikayat ng paglaki ng nerve cells. Ito ay nagreresulta ng maayos na pag-function ng utak. Ang pagtaas ng hormone sa utak na tinatawag na brain-derived neurotrophic factor (BDNF) ay nakababawas sa banta sa tao na magkaroon ng depresyon at ibang problema sa utak.
Sino ang Dapat Mag-ingat sa Pagsasagawa ng OMAD?
Tulad ng ibang diet, may mga tiyak na exemption sa mga maaaring makakuha ng benepisyo sa pagkain ng isang beses kada araw. Ang OMAD ay extreme na porma ng intermittent fasting at may mga tiyak na banta.
Ang OMAD ay maaaring maglagay sa isang tao sa banta ng pagkakaroon ng eating disorders. Sa OMAD, ang mga tao ay maaaring kumain nang marami sa isang meal sa isang araw. Ang pagkain nang marami ay nagkakaroon ng pag-uugali ng pagkain nang sobra. Maaaring hindi mainam sa mahabang panahon lalo na sa mga taong ihihinto ang OMAD diet.
Maaaring hindi irekomenda ng mga doktor ang OMAD sa mga taong:
- Nagsasagawa ng mabibigat ng gawain
- Buntis
- Umiinom ng mga gamot
- May kasalukuyang medikal na kondisyon
Bago magsagawa ng kahit na anong diet regimen, lalo ang OMAD, siguraduhin na konsultahin ang doktor o dietitian. Kailangan mong isipin ang maraming salik bago magsimula ng diet, kabilang na ang lifestyle, gamot, at ang kasalukuyang medikal na kondisyon.
Key Takeaways
Epektibo ba ang OMAD diet? Bagaman ang OMAD ay may sariling benepisyo, hindi ito ganap na walang banta at maaaring hindi beneficial sa lahat. Mahalaga na konsultahin ang dietitian o physician bago magsimula sa ganitong uri ng diet.
Matuto pa tungkol sa Espesyal na Diet dito.
[embed-health-tool-bmr]