backup og meta

Paano Magbawas ng Water Weight: 7 Tips Na Makakatulong

Paano Magbawas ng Water Weight: 7 Tips Na Makakatulong

Kung nakararanas ka ng bloating  kasama ng bigla at hindi maipaliwanag na pagtaas ng timbang, maaaring mayroon kang water weight.  Ano ba ang ibig sabihin ng water weight, at paano magbawas ng water weight? Basahin upang malaman ang kasagutan sa mga tanong na ito at iba pa.

Paano magbawas ng water weight? narito ang mga paraan 

Ano ang water weight ?

Ang totoo,  ang water weight ay nangyayari dahil sa fluid  retention. Nangyayari ang  fluid retention kapag ang ating mga tissue ay nag-iingat ng tubig na di kailangan, o kapag ang tubig ay nananatili sa pagitan ng  mga daluyan ng dugo.

Para mas maunawaan, suriin natin ang mga konseptong ito

  • Karaniwan,  ang fluid  ay tumatagas mula sa ating dugo papunta sa ating mga tissue–sa katunayan, ito ay regular na nangyayari.
  • Gayunpaman, ang lymphatic system ay karaniwang nag-aalis ng mga fluid
  • Ang lymphatic system ay isang network ng maliliit na tubo na umaagos ang fluid  mula sa mga tissue.
  • Dinadala ang fluid, na tinatawag na ngayong “lymph,” pabalik sa ating daluyan ng dugo.
  • Ang ating mga bato  ay magsasala ng dugo at maglalabas ng labis na tubig sa pamamagitan ng pag-ihi.
  • Fluid retention – o tinatawag na edema – kapag ang tubig ay hindi naalis mula sa mga tissue

Ang sanhi ng fluid retention  ay iba-iba. Minsan, ito ay reaksyon lamang natin sa mainit na panahon; minsan,  dahil sa ating diet. Para sa mga kababaihan, maaaring mangyari ito sa panahon ng pagbubuntis o ilang linggo bago ang regla dahil sa mga pagbabago sa mga antas ng hormone.

Ngunit, tandaan na ang fluid retention ay maaari ring magpahiwatig ng isang napakalalim na kondisyon sa kalusugan. Kaya, huwag mag-atubiling kumonsulta sa iyong doktor kung nag-aalala ka.

Ano ang  Hitsura ng Water Weight?

Narito ang isang kawili-wiling tanong,  Paano makikilala ang water weight ? Kadalasan, ito ay depende sa uri ng fluid retention o edema na mayroon ka.

Kung ito ay pangkabuuan, mapapansin mo ang pamamaga sa buong katawan. Sa kabilang banda, kung ito ay lokal, ang pamamaga ay nakatuon lamang sa isang partikular na bahagi.

Upang makilala ang water weight, bantayang mabuti ang  sumusunod na palatandaan

  • Hindi maipaliwanag na pagtaas ng timbang sa paglipas ng mga araw o linggo.
  • Pamamaga sa iba’t ibang bahagi ng katawan, tulad ng mga kamay, bukung-bukong, at paa. Ang isang indikasyon ay kapag hindi na kasya ang iyong singsing.
  • “Pitting,” na nangyayari kapag pinindot mo ang iyong balat at napapansin mong tumatagal ang indentation nang ilang segundo.
  • Namamagang tummy o bloating.

Binibigyang-diin ng mga doktor na ang water weight ay mabilis na mawawala  rin.Ipaparamdam nito sa ilang tao na maaaring nagkamali lang sila sa pagbasa sa timbangan.

Gayunpaman, hindi nito inaalis ang katotohanang hindi komportable ang fluid retention. Kaya, kung gusto mong magbawas ng water weight. sa isang araw, makatutulong ang  sumusunod na hakbang.

Paano Magbawas ng Water Weight sa Isang Araw

Kapag natukoy mo na ang mga palatandaan at sintomas ng water weight, isaalang-alang ang mga hakbang na ito upang mabilis na maalis ang mga ito

Kumain ng Mas Kaunting Asin

Ang unang paraan kung paano magbawas ng water weight ay gamit ang asin.

Ang asin ay naglalaman ng sodium, isang electrolyte na namamahala sa pagbalanse ng fluid sa  ating katawan. Ipinakikita ng pananaliksik na ang pagtaas ng pagkonsumo ng asin ay “nag-uudyok” sa pagtitipid ng tubig. Nangangahulugan ito na kapag sobrang asin, ang ating katawan ay maaaring magpanatili ang mas maraming tubig.

Sa pagbabawas ng iyong paggamit ng sodium, mahalagang hindi lamang bawasan ang mga maalat na pagkain, ngunit iwasan din ang mga processed food. Dahil ang mga ito ay  kadalasang mayroong dagdag  na sodium.

Bukod pa rito, isaalang-alang ang hindi pagdaragdag ng asin kapag nagluluto. Sa halip, gumamit ng mga alternatibong pampalasa tulad ng mga halamang gamot at pampalasa sa pagkain.

Pag-eehersisyo

Ang pag-eehersisyo ay makatutulong upang mabawasan ang water weight sa isang araw dahil ito ay magdudulot ng pagpapawis. Dagdag pa rito, maaaring mabawasan ang pamamaga, lalo na sa mga binti. Subukang maglakad o mag-jog ng 20 hanggang 30 minuto araw-araw.

Narito ang isang karagdagang tip upang maalis ang  fluid retention sa mas mababang bahagi ng katawan: Humiga at itaas ang iyong mga binti sa isang bahagyang mas mataas na antas kaysa sa iyong puso. Ididirekta nito ang mga likido pabalik sa mga bato, na ilalabas ito sa pamamagitan ng pag-ihi.

Subukan ang Ilang Natural na Diuretics

Ang ikatlong paraan kung paano magbawas ng water weight ay gamit ang diuretics.

Dahil ang pag-ihi ay nakatutulong sa pagbaba ng water weight sa isang araw, ang pag-inom ng ilang natural na diuretics ay maaaring isang magandang ideya. Diuretics ay mga sangkap na nagpapataas ng produksyon ng ihi.

Ang mga halimbawa ng kilalang natural na diuretics ay ang dahon ng dandelion, horsetail, at corn silk. Ang parsley at cranberry juice ay mayroon ding mahinang diuretic na epekto.

Mag-ingat lamang sa paggamit ng mga sangkap na ito, lalo na kung ikaw ay may sakit sa bato o puso o umiinom ng mga gamot. Palaging kumonsulta muna sa iyong doktor bago kainin ang mga ito.

Uminom ng Maraming Tubig

Sinasabi ng mga eksperto na ang katawan na hindi well-hydrated at  sinusubukang  kumapit ng anumang tubig na mayroon ito. Kaya naman, kahit na kabalintunaan, upang mawalan ng water weight sa isang araw, maaaring kailanganin mong uminom ng mas maraming tubig.

At saka, kapag uminom ka ng mas maraming tubig, malamang na mas maiihi ka. Nakatutulong ito hindi lamang sa pag-aalis ng labis na tubig kundi pati na rin sa pag-alis ng labis na mga asin sa iyong katawan.

Magkaroon ng Higit pang Potassium at Magnesium

Potassium “nagbabalanse” sa antas ng sodium ng ating katawan at maaari din itong magpataas ng produksyon ng ihi. Ang mga halimbawa ng mga pagkain na naglalaman ng potassium ay patatas, orange, dark, berdeng dahon ng mga gulay, at beans.

Bukod sa potassium, ang pagkakaroon ng mas maraming magnesium ay makatutulong din sa iyo na mabawasan ang water weight sa isang araw. Ang mga gulay, grain , dark chocolate, at nuts ay ilan sa mga pagkaing mayaman sa magnesium.

Pagbawas ng  Carbs

Makatutulong din ang pagbawas sa mga pagkaing mayaman sa carb, dahil ang mga natitirang carbs na hindi naman ginamit para sa enerhiya ay nagiging glycogen, ang “pangunahing anyo ng imbakan” ng glucose. Ang glycogen ay may direktang kaugnayan sa tubig. Ipinapakita ng mga pag-aaral na ang bawat gramo ng glycogen na iniimbak natin ay may kasamang 3 gramo ng tubig.

Ang biglaang pagbaba sa  fluid retention ay maaari ding maging dahilan kung bakit mabilis pumayat ang mga taong nasa low-carb diet. Gayunpaman, huwag ganap na alisin ang mga carbs sa iyong diet dahil ang mga ito ay  pinagmumulan ng enerhiya ng katawan.

Makipag-usap sa Iyong Doktor tungkol sa Mga Supplement

Para magbawas ng water weight. sa isang araw, maaaring makatulong ang mga supplement. Ayon sa mga ulat, ang bitamina B6 ay tumutulong sa fluid retention habang ang bitamina D at B5, pati na rin ang calcium, ay tumutulong sa katawan sa pag-alis ng labis na likido.

Magtanong sa   iyong doktor,  tungkol sa mga  bitaminang  magpapadali sa   pag-alis ng fluid retention. 

Key Takeaways

Upang mabawasan ng water weight sa isang araw, subukan ang  isang  diet.  Bawasan ang mga carbs at asin, at magdagdag ng mga masusustansyang pagkain na naglalaman ng potassium, magnesium, pati na rin ang iba pang  mga bitamina. Makatutulong din kung mag-eehersisyo ka at uminom ng mas maraming tubig.
Panghuli, tandaan na ang pagkakaroon ng water weight ay karaniwang isang panandaliang problema. Kung nakararanas ka ng palagiang fluid retention, kumonsulta sa iyong doktor dahil maaaring bunga  ito ng isang kondisyong medikal na nangangailangan ng paggamot.

Matuto pa tungkol sa Healthy Eating dito.

Isinalin sa Filipino ni Dr. Nina Christina Zamora

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Fluid retention (oedema)
https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/Fluid-retention-oedema
Accessed September 23, 2020

Bloating or water retention?
https://goaskalice.columbia.edu/answered-questions/bloating-or-water-retention-0
Accessed September 23, 2020

Increased salt consumption induces body water conservation and decreases fluid intake
https://www.jci.org/articles/view/88530
Accessed September 23, 2020

Fundamentals of glycogen metabolism for coaches and athletes
https://academic.oup.com/nutritionreviews/article/76/4/243/4851715
Accessed September 23, 2020

Fluid retention: What it can mean for your heart
https://www.health.harvard.edu/heart-health/fluid-retention-what-it-can-mean-for-your-heart
Accessed September 23, 2020

How to Get Rid of Water Retention
https://www.readersdigest.co.uk/health/health-conditions/how-to-get-rid-of-water-retention
Accessed September 23, 2020

Kasalukuyang Version

11/22/2022

Isinulat ni Lorraine Bunag, R.N.

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Safe Ba Ang Slimming Pills? Heto Ang Mga Dapat Mong Malaman!

Ozempic: Ito Na Nga Ba Ang Solusyon Sa Pagpapapayat?


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Lorraine Bunag, R.N. · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement