backup og meta

Hummus: Anong Sustansya Ang Mayroon Ito?

Hummus: Anong Sustansya Ang Mayroon Ito?

Ang hummus ay isang masarap na ulam. Ito ay sikat gamitin bilang sawsawan ng mga meryendang gulay at tinapay, at nagmula ito sa Middle East. May ilang mga ekspertong nagsasabi na ito ay pagkain ng mga Jewish, habang ayon naman sa iba, ito ay nanggaling sa hilagang India o Nepal. Gayunpaman, ang sikat na ulam na ito ay inaangkin ng mga Lebanese, Turkish, at Syrians. Ang mga sangkap ng hummus ay kinabibilangan ng chickpeas, tahini (sesame paste), bawang, at lemon. Subalit bakit masustansya ang hummus? Alamin ang sagot sa artikulong ito.

Bakit Masustansya Ang Hummus?

Dagdag pa sa pagiging masarap nito, ang mga pangunahing sangkap nito na chickpeas at tahini ay puno ng mga nutrisyon. Bakit masustansya ang hummus?

Mga Benepisyo Ng Chickpeas Sa Kalusugan

Bakit masustansya ang hummus? Ang chickpeas, na tinatawag ding garbanzo beans, ay kabilang sa mga pinakaunang nalinang na legumes sa kasaysayan ng mundo. Dahil sa pagiging masustansya nito, ito ay itinuturing na isang gulay at protina. Ito ay nagtataglay ng lahat ng siyam na mahahalagang amino acids: histidine, isoleucine, leucine, lysine, methionine, phenylalanine, threonine, tryptophan, at valine. Dahil ito ay pinagkukunan ng protinang hindi mula sa mga hayop, ito ay angkop para sa vegans and vegetarians. Naglalaman ito ng nutrisyong choline na nakatutulong sa utak at nervous system na gumana nang maayos.

Ang chickpeas ay may mga sumusunod na benepisyo sa kabuoang kalusugan:

Mataas Sa Fiber

Nakatutulong ito upang mapigilan ang obesity dahil nakatutulong ito upang makaramdam ng kabusugan sa loob ng mahabang panahon. Ang isang tasang chickpeas ay halos kalahati ng araw-araw na pagkain nito na inirerekomenda sa mga nakatatanda. Dagdag pa, ang fiber ay nakatutulong upang mapigilan ang pagtitibi. Ito ay may raffinose, isang oligosaccharide na nadudurog ng mabuting bakterya sa colon. Ang nadurog na oligosaccharide ay nagpoprodyus ng butyrate, isang maikling fatty acid chain na nakapagpapababa ng pamamaga sa cell wall ng colon at nakapagpapabuti sa regularidad ng mga bituka. Dahil sa pagkamatay ng cell, maaari ding mapigilan ang pagkakaroon ng colorectal cancer.

Mayaman Sa Polyunsaturated Fats, Mababa Sa Sodium, At Walang Cholesterol

Ang chickpeas ay nagtataglay ng sitosterol, isang sangkap ng halaman na kahalintulad ng cholesterol. Napipigilan nito ang pagsipsip ng katawan ng cholesterol sa pamamagitan ng pagpapababa sa lebel sa dugo.

Mababa Sa Glycemic Index

Ang glycemic index ay isang sistema na nagtatalaga ng bilang sa carbohydrate batay sa kung paano nito napatatas ang blood sugar. Dahil sa mababa value ng hummus sa glycemic index, ito ay mainam na opsyon ng pagkain upang makontrol ang blood sugar.

Walang Gluten

Ang gluten ay protinang natural na nakikita sa mga grains tulad ng barley, wheat, at rye. Kadalasan, ang pagkain ng whole grains ay nakapagpapababa ng tyansa ng sakit sa puso, stroke, at type 2 diabetes. Bilang isang prebiotic, pinakakain ng whole grains ang “mabuting” bakterya sa katawan, kadalasang nakikita sa bituka. Nagiging problema ang gluten kapag napansin ng katawan na may toxin at nagbibigay ito ng signals na atakehin ang immune cells, tulad ng sa mga taong may autoimmune disorders. Ang mga taong sensitibo sa gluten na kadalasang may limitadong pagpipilian ng pagkain ay maaaring kumain ng hummus.

Subalit mahalagang maging maingat sa pagsusuri ng label ng packaging ng pagkain dahil minsan may additives na sangkap ang hummus.

Mga Benepisyo Ng Tahini Sa Kalusugan

Ang tahini, na nagmula sa sesame seeds, ay isang mayamang mapagkukunan ng mga bitamina. Natuklasan sa isang pag-aaral na ang puting sesame seeds ay nagtataglay ng high antioxidant values. Sa katunayan, ang pagkalat ng cancer cells sa atay ay nahihinto matapos malantad sa katas ng puting sesame seed. Nangangahulugan itong ang mga butong ito ay maaaring mapagkukunan ng mga pagkaing maaaring makapigil sa mga malulubhang sakit.

Ang sesame seeds sa tahini ay nabibigay ng mga nutrisyon: calcium, iron, magnesium, phosphorus, potassium, zinc, manganese, selenium, vitamin A, beta-carotene, B vitamins, at polyunsaturated fats.

Narito ang listahan ng mga benepisyo sa kalusugan ng ilan sa mga nutrisyong ito:

Phosphorus At Calcium

Ang mga ito ay mabuti para sa mga buto at ngipin. Ito rin ay epektibo kasama ng B vitamins upang masiguro ang wastong paggana ng bato, normal na pagtibok ng puso, pagsisignal ng nerve, at muscle contraction. Dagdag pa, ang mga ito ay nakatutulong sa pagbuo ng mga protina para sa cell at tissue, pag-ayos, paglaki, at pagpapanatili.

Magnesium

Kinokontrol ng magnesium ang paggana ng mga muscle, lebel ng blood sugar, presyon ng dugo, pagbuo ng DNA, at marami pang iba.

Manganese

Ang trace mineral na ito ay nakatutulong sa pagbuo ng connective tissue, buto, at sex hormones. Nakatutulong din ito sa metabolismo ng fat at carbohydrate, pagsipsip ng calcium, regulasyon ng blood sugar, at normal na paggana ng utak at nerve.

Polyunsaturated fats

Ang mga polyunsaturated fats ay nakapagpapababa ng lebel ng masamang cholesterol, nakapagpapawala ng tyansa ng sakit sa puso at stroke, habang pinananatili ang pagdebelop ng cell at tissue.

[embed-health-tool-bmi]

Key Takeaways

Ang hummus ay isang ulam na mula sa Middle East na naging sikat sa buong mundo. Mas naging sikat ito dahil sa pagiging masarap nito ang mga benepisyong pangkalusugan. Ang mga sangkap ng hummus ay may maraming nutrisyon na sumusuporta sa kalusugan ng puso at bituka. Nakatutulong din ito sa normal na paggana ng buto at ngipin, nerve at muscle, blood sugar, at pagdebelop ng cell at tissue.

Matuto pa tungkol sa Masustansyang Pagkain dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What Are Chickpeas and Are They Healthy? https://health.clevelandclinic.org/health-benefits-of-chickpeas/, Accessed 3 Mar 2022

Chickpeas (Garbanzo Beans), https://www.hsph.harvard.edu/nutritionsource/food-features/chickpeas-garbanzo-beans/, Accessed 3 Mar 2022

Who invented hummus? https://www.bbc.com/travel/article/20171211-who-invented-hummus, Accessed 3 Mar 2022

Glycemic index diet: What’s behind the claims, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/nutrition-and-healthy-eating/in-depth/glycemic-index-diet/art-20048478#:~:text=The%20glycemic%20index%20is%20a,counting%20%E2%80%94%20for%20guiding%20food%20choices, Accessed 4 Mar 2022

Gluten: A Benefit or Harm to the Body? https://www.hsph.harvard.edu/nutritionsource/gluten/, Accessed 4 Mar 2022

Phenolic content, antioxidant and antiproliferative activities of six varieties of white sesame seeds (Sesamum indicum L.), https://doi.org/10.1039/C6RA26596K, Accessed 4 Mar 2022

Nutrition Facts – Seeds, sesame seeds, whole, dried, 1 tbsp, https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?contenttypeid=76&contentid=12023-2, Accessed 4 Mar 2022

Phosphorus in diet, https://medlineplus.gov/ency/article/002424.htm, Accessed 4 Mar 2022

Magnesium, https://ods.od.nih.gov/factsheets/Magnesium-Consumer/, Accessed 4 Mar 2022

Manganese, https://www.mountsinai.org/health-library/supplement/manganese#:~:text=Manganese%20helps%20the%20body%20form,normal%20brain%20and%20nerve%20function, Accessed 4 Mar 2022

Polyunsaturated Fat, https://www.heart.org/en/healthy-living/healthy-eating/eat-smart/fats/polyunsaturated-fats#:~:text=Polyunsaturated%20fats%20can%20help%20reduce,and%20maintain%20your%20body’s%20cells, Accessed 4 Mar 2022

Amino acids, https://medlineplus.gov/ency/article/002222.htm#:~:text=Essential%20amino%20acids%20cannot%20be,threonine%2C%20tryptophan%2C%20and%20valine, Accessed 4 Mar 2022

 

Kasalukuyang Version

10/21/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Paano Makontrol Ang Cravings Kapag Umatake Ito

7 Pagkain Na May Vitamins Na Pampalakas Ng Baga


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement