Ang pagkagambala sa gabi ay maaaring makaapekto nang malaki sa kalidad ng pagtulog ng isang tao. Maaari silang makaramdam ng pagod kahit matapos ang isang gabing pahinga. Ang mga night terror at sleep paralysis ay ilan lamang sa mga disorder na maaaring makasira sa pagtulog ng isang tao. Ang pag-unawa sa pagkakaiba ng dalawa, at kung bakit nangyayari ang mga ito ay maaaring unang hakbang para malaman kung bakit nangyayari ang mga ito sa iyo. Alamin dito kung ano ang gamot sa parasomnia.
Stages ng Pagtulog
Sa simpleng salita, ang sleep disorders ay tinatawag ding parasomnias. Pwede itong mangyari sa tuwing papasok ang isang tao sa partikular na stage ng pagtulog. O kapag malapit nang matulog o magising. Para mas malinaw kung ano ang parasomnia, unawain muna natin ang iba’t ibang stages ng pagtulog.
Ang stages ng pagtulog ay inuuri ayon sa brain activity na naroroon sa partikular na stage. Kung nakaramdam ka ng pagod pagkatapos ng 8 oras na tulog, ibig sabihin hindi ka nakapasok sa restorative stage ng pagtulog. Ang mga night terror at sleep paralysis ay nangyayari din sa iba’t ibang stages ng cycle ng pagtulog.
NREM Sleep
Ang unang uri ay tinatawag na non-rapid eye movement (NREM) na pagtulog. Binubuo ito ng 3 stages:
- Stage 1 / N1: Ang stage na ito ang pinakamaikli. Ito ay kapag ang isang tao ay nakatulog, malapit nang mapunta sa mas malalim na pagtulog.
- Stage 2 / N2: Sa stage na ito ng pagtulog, bumabagal ang paghinga at bumababa ang temperatura ng katawan. Ang utak ay hindi kasing aktibo sa nakaraang stage ngunit magkakaroon pa rin ng kaunting aktibidad.
- Stage 3 / N3: Ang stage na ito ay pinakamahusay na kilala bilang short-wave sleep (SWS). At ang katawan ay pumapasok sa isang malalim na pagtulog. Mahalaga ito para sa memorya at creativity.
REM Sleep
Ang pangalawang uri ng pagtulog ay tinatawag na rapid eye movement (REM) na pagtulog, at ito ay kapag ang dami ng aktibidad ng utak ay nasa pinakamataas nito habang natutulog. Sa panahon ng REM sleep, ang mga mata ng isang tao ay kadalasang mabilis na gumagalaw kahit na ang katawan ay ganap na nagpapahinga.
Ang REM sleep ay mahalaga para sa memorya, pag-aaral, at iba pang cognitive functions. Upang ang isang tao ay makaramdam ng maayos na pahinga, dapat silang pumasok sa REM upang masulit ang mga benepisyong pampanumbalik ng pagtulog.
Sleep Disorders
Night Terrors
Ang night terrors, o mga takot sa pagtulog, ay iba’t ibang parasomnia na karaniwang nauuri sa ilalim ng arousal disorders. Ang isang arousal disorder ay hindi nangangahulugang agad na magigising ang isang indibidwal, ngunit sa halip ay bahagyang gising mula sa napakalalim na pagtulog. Mula sa short-wave sleep hanggang sa halos paggising ay maaaring maging sanhi ng pagkalito ng isang tao, o sa kaso ng night terrors, takot at disoriented. Magbasa pa upang malaman ang gamot sa parasomnia.
Ang isang taong nakakaranas ng night terror ay maaaring makaranas ng:
- Umiiyak o biglang sumisigaw
- Pawis na pawis
- Mukhang namumula
- Pagtaas ng heart rate
Sa ilang mga kaso, ang mga taong may night terrors ay maaaring biglang mataranta at at magsimulang sumigaw sa isang bagay nang nakabukas ang kanilang mga mata. Sa kabila ng mukhang gising, maaaring hindi sila makatugon nang normal dahil hindi sila ganap na gising. Kung ang isang tao ay kasalukuyang nagkakaroon ng isang episode ng night terrors, ang pag-comfort sa kanya ay maaaring walang saysay o maaaring maging mas nabalisa.
Mahalagang tandaan na ang night terrors ay hindi katulad ng mga bangungot. Ang mga episodes ng night terrors ay karaniwang nalilimutan ng isang indibidwal. Samantalang ang bangungot ay maaaring malinaw at maaaring paulit ulit. Ito ay dahil ang night terrors ay nangyayari sa NREM sleep stage, habang ang mga bangungot ay kadalasang nangyayari kapag ang isang tao ay nasa REM sleep.
Kadalasang nangyayari ang night terrors sa mga bata na may edad 4 hanggang 12 taong gulang. Kadalasan ito kapag sila ay nasa unang 3 hanggang 4 na oras ng kanilang pagtulog sa gabi. Maaaring mag-iba-iba ang mga tagal ng mga episode, at kadalasan ay maaari kahit saan mula 10 hanggang 40 minuto.
Sleep Paralysis
Nangyayari ang sleep paralysis bago makatulog ang isang tao o pagkatapos nilang magising. Kapag ang katawan ay nasa REM sleep, ito ay nasa “atonia” kung saan ang muscles ay ganap na nakarelaks. Ito ang natural na mekanismo ng katawan upang pigilan tayo na gumalaw sa ating mga panaginip at hindi sinasadyang magdulot ng mga pinsala. Ang sleep paralysis ay nagiging sanhi ng atonia na magpatuloy kahit na ang tao ay may kamalayan pa rin, na maaaring magparamdam sa kanila na paralisado o hindi maigalaw ang kanilang mga paa.
Ang iba pang mga palatandaan ng episode ng sleep paralysis ay ang mga sumusunod:
- Alam mong gising ka ngunit hindi makagalaw o makapagsalita
- Pakiramdam na may tao o isang bagay na nanonood sa iyo sa malapit
- Nahihirapang huminga, o nakakaramdam ng bigat sa iyong dibdib na nakakasakal
- Pangkalahatang pakiramdam ng pagkabalisa o takot
Dahil ang mga sintomas na ito ay nangyayari sa pagitan ng pagiging tulog at pagiging gising, ang mga ito ay kadalasang nakakagambala at maaaring magdulot ng matinding pagkabalisa sa mga dumaranas nito. Bagama’t ang mga episode ng sleep paralysis ay maaaring maging napaka-stress, kadalasan ay hindi ito banta sa buhay.
Ang sleep paralysis ay maaaring maging bahagi ng narcolepsy, isang sleep disorder na nailalarawan sa labis na pagkaantok at maaaring maging sanhi ng isang tao na makatulog nang hindi nila napapansin. Ang mga taong nasa edad 20 hanggang 30 ang karaniwang nakakaranas ng sleep paralysis.
Kadalasang maikli ang episodes ng sleep paralysis. Ito ay maaaring tumagal lamang ng ilang minuto. Isang outside force tulad ng boses o paghawak ang kadalasang maaaring magtapos ng isang episode ng sleep paralysis. Ano ang gamot sa parasomnia?
Night Terrors vs Sleep Paralysis: Ano ang Pagkakaiba?
Ang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng night terrors kumpara sa sleep paralysis ay kung kailan nangyayari ang mga ito. Gaya ng naunang nabanggit, ang night terrors ay maaaring mangyari kapag ang isang tao ay karaniwang nasa stage ng NREM sleep. Maaari lamang mangyari ang sleep paralysis kapag ang isang tao ay pumasok na sa REM sleep cycle.
Ang isa pang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng dalawa ay ang katotohanan na ang night terrors ay kadalasang maaaring maging sanhi ng isang tao na sumigaw, umiyak, o tila biglang nagising. Ang sleep paralysis ay ang kabaligtaran dahil ginagawa nitong pansamantalang hindi makagalaw ang isang tao.
Gayunpaman, ang parehong night terrors at sleep paralysis ay itinuturing na mga sleep disorder o parasomnia, at maaaring sanhi ng insomnia, pag-inom ng alak, o hindi regular na iskedyul ng pagtulog.
Pamamahala at Gamot sa Parasomnia
Walang eksaktong gamot sa parasomnia night terrors o sleep paralysis. Ngunit may ilang mga tip na maaaring makatulong upang pamahalaan ang anumang mga negatibong sintomas na maaari mong maranasan sa mga parasomnia na ito.
- Panatilihing maayos ang iskedyul mo ng pagtulog sa pamamagitan ng pagtulog at paggising sa parehong oras.
- Bilang bahagi ng pamamahala at gamot sa parasomnia, subukang makakuha ng sapat na tulog araw-araw.
- Bawasan ang anumang mga gawi na maaaring humantong sa insomnia tulad ng paggamit ng gadget bago matulog.
- Subukang iwasan ang labis na pag-inom o pag-inom ng gamot. Maaaring maramdaman ng ilan na makakatulong ang mga ito bilang bahagi ng gamot sa parasomnia. Ngunit ang paggamit ng mga ito para makatulog ay kadalasang humahantong sa mahinang kalidad ng pagtulog at maaaring maging sanhi ng mga karamdaman mismo.
Key Takeaways
Pagdating sa gamot sa parasomnia at pagharap sa sleep paralysis at night terrors, pareho silang karaniwang hindi nakakapinsalang kondisyon. Ngunit maaari silang maging nakakatakot at humantong sa pagkabalisa sa kanila at sa kanilang mga mahal sa buhay. Subukan ang mga nabanggit na tip sa itaas upang mabawasan ang panganib at mas mahusay na pamahalaan ang kondisyon. Siyempre, pinakamahusay na kumunsulta sa isang doktor para sa anumang mga marahas na pagbabago.