Paano Napatataas ng Insomnia ang Banta ng Pagkakaroon ng Type 2 Diabetes ng isang Tao?
May malaking gampanin ang pagtulog sa pagpapaunlad ng kalusugan ng isang tao at pagpapanatili ng kaayusan nito. Gayunpaman, kung ang isang tao ay may insomnia, magiging mahirap para sa kanila ang magkaroon ng makalidad na pagtulog gabi-gabi.
Ang kakulangan sa tulog ay nakapagpapataas ng iyong blood sugar na nagreresulta sa mga seryosong problemang gaya ng diabetes. Natuklasan din ng mga mananaliksik na ang mga tao ay nagkakaroon nang mas matinding insulin resistance dahil sa kakulangan sa tulog.
Maaari din itong magkaroon ng negatibong epekto sa mga hormones sa katawan. Ang hindi mainam na antas ng dalawang hormones na responsable sa pagkakaroon ng gana sa pagkain, ang ghrelin at leptin, na bunga ng kakulangan sa tulog, ay maaaring magdulot ng hindi maayos na siklo ng pagtulog. Ang sobrang pagkain ay maaari ding makapagpataas ng banta ng pagkakaroon ng type 2 diabetes.
Mga Babalang Senyales ng Pagkakaroon ng Prediabetes
Palaging Pagkagutom | Pangingitim ng mga Tiyak na Bahagi ng Katawan | Matinding Pagka-uhaw |
Pagkapagod | Mas Madalas na Pag-ihi | Lumalabong Paningin |
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap