backup og meta

Paghilik: Anu-ano Ang Mga Uri Nito, At Paano Makokontrol?

Paghilik: Anu-ano Ang Mga Uri Nito, At Paano Makokontrol?

Paghilik ang tawag kapag may maingay na paghinga ang isang natutulog na tao. Maraming tao ang humihilik, ngunit ang hilik ay maaari ding maging senyales ng mas malubhang problema. Heto ang fast facts sa iba’t ibang uri ng hilik na dapat mong malaman.

Ano ang Nagdudulot ng Iba’t ibang Uri ng Paghilik?

Medically, ang hilik ay nagpapahiwatig ng increased upper airway resistance at pagtaas ng pharyngeal collapsibility. Gayunpaman, ang ilang mga kadahilanan ay maaaring mag-udyok sa isang tao na maghilik ng sobra kaysa sa iba.  

Pagiging overweight

Ang pagiging sobra sa timbang ay maaaring magdulot ng hilik dahil sa distribution ng taba. Halimbawa, ang taba sa leeg ay maaaring lumikha ng direktang compression sa itaas na daanan ng hangin ng isang tao. Ito ay lalo na kapag sila ay nakahiga, na maaaring magpapataas ng tyansa na paghilik.

Relaxed na throat muscles at dila

Kung ang muscles mo sa lalamunan at dila ay masyadong nakarelaks habang natutulog ka, pwede itong magdulot ng iba’t ibang uri ng paghilik. Maaaring kabilang sa ilang halimbawa ang kawalan ng tulog, pagtulog nang nakatalikod, paggamit ng drugs at alkohol.  At kung ang lalamunan at dila na may mahinang muscle tone, atbp.

Allergies

Bilang karagdagan, ang impeksyon sa sinus o mga allergy ay maaaring magdulot ng hilik. Ito ay malamang na maging sanhi ng hilik ng isang tao kung nakakaranas lamang sila ng wheezing sa panahon ng allergy season o kapag nagkaroon sila ng sinus infection.

Male vs. Female

Ang kasarian ay maaari ring makaapekto sa iba’t ibang dahilan at uri ng paghilik. Halimbawa, ang mga lalaki ay may mas malaking pharynges kumpara sa mga babae.

Bukod pa rito, ang mga lalaki ay may mas maraming pagbabago sa kanilang mga sukat ng daanan ng hangin kapag sila ay tumayo at nakahiga. Kaya, ang pagkakaiba sa laki ay maaaring kung bakit ang mga lalaki ay mas malamang na maghilik at magdusa mula sa sleep apnea.

Ngunit ano ang sanhi ng paghilik sa mga babae? Well, maaaring mayroong isang link sa pagitan ng hilik at menopause. Nakita ng isang pag-aaral na ang mga kababaihan ay mas malamang na maghilik kapag sila ay nasa 50 taong gulang, na siyang karaniwang edad ng menopause.

Ano ang mga Uri ng Hilik?

Ang pag-unawa sa kung ano ang sanhi ng iyong hilik ay isang mahalagang hakbang sa pag-aaral kung paano ito pigilan. Gayunpaman, mainam din na malaman ang iba’t ibang uri ng hilik. 

Tongue-Based Snoring

Ang isa sa mga uri ng hilik na nangyayari ay ang tongue-based snoring.

Kapag ang dila mo ay masyadong nakarelaks, lalo na kung nakatihaya ang paghiga, maaaring harangan ng dila mo ang daloy ng hangin sa iyong mga baga. Karaniwang nangyayari ito kapag ang isang tao ay umiinom ng sleep medication, umiinom ng alak, o may sobrang taba sa leeg. 

Kung humihilik ka lamang tuwing natutulog ka na nakatihaya ang paghiga, at may napakalaking dila, posibleng may tongue-based snoring ka. Bukod pa rito, ang iyong paghilik ay maaaring may hindi pare-parehong mataas na tunog.

Mouth-based Snoring

Isa sa mga uri ng paghilik na dapat bantayan ay ang mouth-based snoring.

Ang mahinang palatal tissue, enlarged tonsils, nahaharangan na nasal passages ay maaaring maging dahilan ng paghinga mo sa iyong bibig habang natutulog ka. Kaya, maaari itong humantong sa mouth-based snoring.

Kung humihilik ka lamang kapag nakabuka ang iyong bibig, maaaring mayroon kang mouth-based na hilik. Ang mga taong nakakaranas ng mouth-based snorting ay mas mahilig matulog na nakatagilid o likod.

Nose-Based Snoring

Ang mga naka-block na butas ng ilong mula sa isang physical obstruction, tulad ng isang deviated septum, ay maaaring maging sanhi ng hilik na nose-based. May iba pang mga kadahilanan na maaaring maging sanhi nito, tulad ng paninigarilyo, ilang gamot, allergy, sipon, atbp. 

Gayundin pwedeng may nose-based snoring ka kung may impaired nasal breathing habang ikaw ay gising, may pananakit ng ulo, bad breath, at dry mouth, bukod sa iba pang mga sintomas. Ang iyong hilik ay maaari ding tunog ng isang ungol o isang malakas na sipol.

Throat Snoring

Sa mga uri ng hilik, ang isang ito ay maaaring delikado at maingay. Kadalasan, nangyayari ito kapag ang isang tao ay may sleep apnea. Maaari itong mangyari sa anumang posisyon sa pagtulog. Kung hindi magagamot, maaari itong magdulot ng stroke, altapresyon, at diabetes.

Ang daytime symptoms ng throat snoring ay maaaring pagka-antok sa araw, pananakit ng ulo sa umaga, atbp. Ang mga sintomas sa gabi ay hirap sa paghinga habang natutulog, malakas na paghilik, atbp.

Paano Ko Mapipigilan ang Paghilik?

Bukod sa pag-alam sa iba’t ibang uri ng hilik, mahalagang malaman kung paano at kailan makikialam. Narito kung paano itigil ang hilik.

Makamit ang mas malusog na BMI

Kung ikaw ay sobra sa timbang, ang pagkakaroon ng ideal body weight ay maaaring magpagaan ng iyong mga sintomas. Mababawasan ang pressure sa iyong mga daanan ng hangin, na maaaring makatulong sa iyong makatulog nang mas mahimbing. Matuto nang higit pa tungkol sa iyong BMI gamit ang aming BMI calculator.

Mga bagong nighttime habits

Mainam din na umiwas sa alak, lalo na bago matulog. Maaaring makatulong din ang pagkakaroon ng sapat na tulog gabi-gabi. Subukan din na huwag matulog nang nakatihaya. Ang pagtulog ng nakatagilid ay maaaring makatulong na bawasan ang paghilik.

Anti-snoring devices

Maaaring magrekomenda sa iyo ang isang medical professional ng ilang bagay kung ang iyong hilik ay nakakaabala sa iyong buhay. Halimbawa, maaari silang magmungkahi ng oral apparatus para panatilihing bukas ang daanan ng hangin habang natutulog ka para mabawasan ang paghilik.

Kung may obstructive sleep apnea ka, baka kailanganin mo ng maaaring kailangan mo ng tuluy-tuloy na positive airway pressure. Isa itong mask na nagpapanatiling bukas sa iyong daanan ng hangin habang natutulog ka sa pamamagitan ng pagdidirekta ng pressured air sa iyong lalamunan. 

Operasyon

Sa mas malalang kaso, maaaring kailanganin ng doktor na magsagawa ng upper airway surgery. Halimbawa, ang uvulopalatopharyngoplasty ay procedure na ginagawa upang bawasan ang pagbagsak ng tissue at palakihin ang  airway size.

Herbal approach

Gayunpaman, kung sasabihin ng isang medikal na propesyonal na ang iyong hilik ay hindi mapanganib, ngunit gusto mo itong mawala, maaari mong subukan ang ayurvedic na paggamot para sa hilik. Ang treatment na ito ay ang pag-alam kung ano ang kakainin para mahinto ang paghilik.

Ang mga hot food tulad ng horseradish, onion, at garlic ay maaaring magpahinto sa paghilik. Sapagkat nakakabawas ito ng mucus build-up na humaharang sa iyong sinuses. Ang luya ay maaari ring paginhawahin ang iyong lalamunan at ilong upang matulungan kang makatulog nang mas mahusay sa gabi.

Warning Sign ba ang Paghilik?

Bagama’t karaniwang hindi nakakapinsala ang hilik, mahalagang tandaan ang iba’t ibang uri ng hilik. Kung ang iyong hilik ay nakakagambala at malakas, baka kailangan mong magpatingin sa doktor. Ito ay maaaring mangahulugan na ikaw ay dumaranas ng sleep apnea, na maaaring mapanganib kapag hindi ginagamot. 

Halimbawa, ang obstructive sleep apnea ay pwedeng mauwi sa iyo na magkaroon ng high blood pressure. At maaari kang mapasinghap o mabulunan habang natutulog ka. Gayunpaman, ang isa sa mga mas kritikal na kadahilanan ay maaaring huminto ang iyong paghinga at makagambala sa iyong pagtulog. 

Key Takeaways

Ang lahat ay humihilik, kahit minsan. Mahalagang matutunan kung ano ang sanhi ng iyong paghilik at kung paano mo ito gagamutin, lalo na kung ito ay nakakagambala. Ang paghilik para sa marami ay maaaring hindi gaanong abala. Pero dapat mong tingnan ang iba pang mga dahilan. Ito ay dahil baka magkaroon ka ng mas malubhang kondisyon. Ang treatment ay pwedeng mula sa pag-inom ng gamot hanggang sa pagbabawas ng timbang. Kasama na rin ang simpleng pagbabago ng posisyon mo sa pagtulog. Kumunsulta sa iyong doctor para masiguro na makakatulog ka ng maayos at walang anumang komplikasyon.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Interactions Between Obesity and Obstructive Sleep Apnea, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3021364/, Accessed June 28, 2020

Snoring: Diagnosis and Treatment, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/snoring/diagnosis-treatment/drc-20377701#:~:text=Lying%20on%20your%20back%20allows,airway%20and%20partially%20obstructing%20airflow, Accessed June 28, 2020

Size and Mechanical Properties of the Pharynx in Healthy Men and Women, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/1456554/, Accessed June 28, 2020

The Effect of Age, Sex, Obesity and Posture on Upper Airway Size, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/9311508/, Accessed June 28, 2020

The gender difference of snore distribution and increased tendency to snore in women with menopausal syndrome: a general population study, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5399062/, Accessed June 28, 2020

Uvulopalatopharyngoplasty (UPPP), https://stanfordhealthcare.org/medical-treatments/p/palate-surgery/types/uppp.html, Accessed June 28, 2020

Continuous Positive Airway Pressure (CPAP), https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK482178/#:~:text=Continuous%20positive%20airway%20pressure%20(CPAP)%20is%20a%20type%20of%20positive,people%20who%20are%20breathing%20spontaneously, Accessed June 28, 2020

 

Kasalukuyang Version

05/25/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Kaugnay na Post

Ano ang Sleep Apnea at ang Iba't-ibang Uri Nito


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement