backup og meta

Alamin: Mga Quote Para Sa Self-love

Alamin: Mga Quote Para Sa Self-love

Hanggang ngayon, marami pa rin ang naniniwala na ang self-love ay isang luho, isang bagay na tanging may oras at pera lamang ang maaaring magsanay. Ang pagsasagawa ng iyong mga responsibilidad habang inaabot ang iyong mga personal at propesyonal na layunin ay kadalasang nagtutulak sa ideya ng self-love sa sulok. Ngunit, sabi ng mga eksperto, hindi luho ang self-love, hindi ito makasarili. Binibigyang-diin nila na ang pag-ibig sa sarili ay hindi mahal at hindi nakakaubos ng oras. Ngunit, paano mo ito gagawin?

Kung gusto mong simulang mahalin ang iyong sarili nang kaunti pa, maaaring makatulong sa iyo ang sumusunod na mga quote para sa self-love:

“Trying to be someone else is a waste of the person you are.” ―Marilyn Monroe 

Una sa listahan ng mga quote para sa self-love ay isa na nagtatalakay tungkol sa pagkukumpara. 

Sinasabi ng mga eksperto na ang pagkukumpara ng iyong sarili sa iba ay maaaring nakapipinsala. Halimbawa, binanggit ng isang pag-aaral na ang mga taong patuloy na ikinukumpara (upward comparison) ang kanilang sarili sa iba ay nagkakaroon ng mababang pagpapahalaga sa sarili at sa gayon ay may mas mababang kasiyahan sa buhay. Ang upward comparison ay nangyayari kapag ikinukumpara mo ang iyong sarili sa mga taong sa tingin mo ay mas mataas.

Kung gusto mong mahalin ang iyong sarili nang higit pa, itigil ang pagkukumpara sa iyong sarili sa iba. Ayon kay Oscar Wilde: “Be yourself; everyone else is already taken.”

“We can choose to be perfect and admired or to be real and loved.” Glennon Doyle Melton

Ang pagiging perpekto ay halos palaging positibong tinitingnan. Ngunit, sinasabi ng mga eksperto na ang pagsusumikap para rito ay may mga hindi mabuting epekto.

Ang mga perfectionist ay madaling magkaroon ng mga episodes ng pagkabalisa, pagkabigo, pagkahumaling, kalungkutan, galit, at kawalan ng pasensya. Kung hindi ito masusuri, maaari pa itong mauwi sa mga depressive episodes.

Kaya, kung ito ay nagpapasaya sa iyo, kantahin ang kantan kahit na wala ka sa tono. Isulat ang kwenton kahit na hindi ito mai-publish. Hayaang mahalin ka ng mga tao sa paligid mo kung sino ka.

Kung gusto mong mahalin ang iyong sarili ng kaunti pa ngayon, tandaan na maaari kang maging hindi perpekto.

“Thank God I found the GOOD in goodbye.” –Beyonce Knowles

Isa sa mga pinaka-nakapagpapalakas na mga quote para sa self-love  ay ang mula sa singer na si Beyonce Knowles. Ito ay patungkol sa paghahanap ng mabuti sa paalam.

Habang tinitingnan ng ilang tao ang pag-hold on bilang tanda ng lakas, ipinapaalala sa atin ng mga eksperto na ang pag-let go ay maaaring kasing lakas. Kapag binitawan mo ang mga tao, sitwasyon, bagay, maaari kang magbigay ng puwang para sa iba at pahalagahan kung ano ang mayroon ka pa.

Maaari mong sabihin na ang pag-lelet go ay isang paraan upang itakda ang iyong mga priyoridad. Maaari mong maramdaman ang sakit at pagkawala, ngunit mayroon ding mga benepisyo ito. Kaya, kung ang isang tao, bagay, o sitwasyon ay hindi na nag-aambag sa iyong pag-unlad, okay lang na bumitaw.

“Real change will come when you focus on yourself.” Ritu Ghatourey

Sa isang flight, sinasabi ng mga flight attendant na kapag may pagbabago sa pressure sa cabin, kailangan mong ilagay muna ang iyong oxygen mask bago ang iba – kahit pa sa iyong mga anak.

Habang ang ilan ay maaaring magtaas ng kanilang kilay sa payo na ito, ito raw ang nararapat na gawin ayon sa mga eksperto. Kung ikaw mismo ang mahimatay, hindi ka maaaring makatulong sa iba. Kahit na matagumpay mong isuot ang kanilang mask, ang pagiging walang malay ay nangangahulugan na hindi mo sila matutulungan sa anumang susunod na darating.

Ganito rin ang konsepto ng self-love.

Ingatan mo muna sarili mo. Mamuhunan sa iyong kalusugan at kagalingan. Magpahinga kahit hindi ka pagod. Kumain ng masustansiyang pagkain, kumuha ng sapat na tulog, mag-ehersisyo nang higit pa, at gumugol ng oras at pera sa iyong pag-aaral.

“Watch what you tell yourself, you’re likely to believe it.” –Russ Kyle

Ang huli sa aming mga quote para sa self-love ay isang game-changer. Ito ay tungkol sa kung paano mo kailangang ihinto ang pagpuna sa iyong sarili at simulan ang positive self-talk.

Sinasabi ng mga eksperto kung hindi ka gagamit ng mga negatibong mga salita para punahin ang iba, bakit mo sasabihin ang mga ito sa iyong sarili? Ang ibig sabihin ng  self-love ay pagiging mabait sa iyong sarili. Kaya, iwasan ang mga malupit na pagpuna at higit na hikayatin ang iyong sarili.

Mayroon ka bang baon na mga quote para sa self-love na nagbibigay-inspirasyon sa iyo? Ibahagi ang mga ito sa amin sa comment section upang ang iba ay makakuha rin ng inspirasyon mula sa mga ito.

Alamin ang iba pa tungkol sa Mabuting Pag-iisip dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

A Study on the Effect of Comparison with Others and Social Support on Life Satisfaction of Facebook, https://www.researchgate.net/publication/340628200_A_Study_on_the_Effect_of_Comparison_with_Others_and_Social_Support_on_Life_Satisfaction_of_Facebook, Accessed Feb 22, 2022

Consequences of Perfectionism, https://caps.umich.edu/content/consequences-perfectionism, Accessed Feb 22, 2022

The Psychology of Letting Go, https://www.researchgate.net/publication/317916073_The_Psychology_of_Letting_Go, Accessed Feb 22, 2022

Self-Care is Putting on YOUR Oxygen Mask First, https://escholarship.umassmed.edu/cgi/viewcontent.cgi?article=1135&context=pib#:~:text=Why%20Should%20I%20Put%20My%20Oxygen%20Mask%20on%20First%3F&text=emergency%20they%20should%20put%20their,unable%20to%20help%20anyone%20else., Accessed Feb 22, 2022

8 simple ways to practise self-love, https://www.mentalhealth.org.uk/blog/8-simple-ways-practise-self-love, Accessed Feb 22, 2022

Kasalukuyang Version

09/30/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Via Roderos, MD, MBA

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Iwas-Budol Tips Na Maaari Mong Gawin Para Makaiwas Sa Scammers!

Paano Mabuhay Nang Tama: Hindi Kailangang Laging Masaya


Narebyung medikal ni

Via Roderos, MD, MBA

Internal or General Medicine


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement