backup og meta

6 Senyales Na Ikaw Ay Maaaring Nasa Isang Manipulative Relationship

6 Senyales Na Ikaw Ay Maaaring Nasa Isang Manipulative Relationship

Ang manipulation ay hindi madaling makita at tanggapin. Kaya para sa isang taong nasa manipulative relationship. Mahirap para sa kanila na i-overcome ito. Lalo na kung masyado ng malaki ang emotional attachment at investment ng isang tao sa kanyang kapareha.

Maaaring makita ang manipulation sa pamamagitan ng paggamit ng mental distortion at emotional exploitation. Para impluwensyahan at kontrolin ang isang tao — maging ang kanilang karelasyon. Madalas ang kanilang intensyon ay magkaroon ng kapangyarihan sa iba para makuha ang gusto nila.

Mahirap mapasok sa ganitong klase ng relasyon dahil siguradong magdudusa rin ang iyong physical at mental health. Kaya mahalaga na malaman ng bawat isa kung ano-ano ba ang senyales na ikaw ay nasa manipulative relationship.

Alamin dito ang sintomas ng ganitong relasyon.

Ano Ang Manipulation Sa Konteksto Ng Pakikipag-Relasyon?

Sa konteksto ng relasyon, ang manipulasyon ay tumutukoy sa mga kilos na ginagawa ng kapareha para kontrolin ang isang tao. Ito ay ginagawa sa mapanlinlang at nakapipinsalang paraan.

Mga Type Ng Manipulation

Maraming pagkakataon na hindi namamalayan ng isang tao na bahagi na pala siya ng isang manipulative relationship. At para magkaroon ng kamalayan tungkol dito — narito ang sumusunod na types ng manipulation.

  • Psychological Manipulation 

Ang sikolohikal na pagmamanipula ay tungkol sa pag-pressure sa isang tao na baguhin ang kanyang pag-uugali at paniniwala, sa pamamagitan ng paglalapat ng mga mapanlinlang at baluktot na taktika–tulad ng guilt-tripping, paninisi at pagbibigay ng silent treatment.

  • Emotional Manipulation

Sa emosyonal na pagmamanipula hindi rin ito naiiba sa sikolohikal na pagmamanipula pagdating sa paggamit ng mga taktika. Ginagamit ang mga taktikang ito para ma-trigger ang intense emotional reactions. Ito ay sadyang naglalayon na i-drain ang enerhiya ng kapareha o destabilize/masira ang emotional well-being ng isang tao.

Manipulative Relationship: Halimbawa Ng Mga Taktika Sa Pagmamanipula

  • Paninisi
  • Pagpuna at hindi pagsang-ayon
  • Pag-iyak
  • Pagkakaroon ng temper tantrum
  • Pagpapakita ng labis na disappointment
  • Pag-twist ng iyong mga salita (o ang kahulugan nito)
  • Pagiging mapilit sa pamamagitan ng pagbabanta at pagbibigay ng ultimatum
  • Ang pagiging malabo tungkol sa mga kagustuhan o pangangailangan
  • Whining o pag reklamo
  • Pag-withdraw o pag-iwas
  • Pag-iingat ng impormasyon, sa pera, kasarian, o isang bagay na may halaga
  • Pagsisinungaling o pagbaluktot sa katotohanan
  • Pagpaparamdam sa’yo na dapat kang mahiya
  • Pagpapahiya

Manipulative Relationship: Ang Dapat Mong Tandaan

Ang manipulasyon ay maaaring maganap sa kahit anong relational context. Narito ang mga sumusunod na halimbawa:

  • Pamilya
  • Kaibigan
  • Ka-trabaho
  • Romantic o sekswal na relasyon

Ayon sa mga eksperto at psychologist na ang dahilan ng manipulative behavior ay maaaring nagmula sa mga sumusunod:

  • Toxic cycles of violence
  • Narcissism
  • Hindi malusog na relasyon sa sariling childhood manipulator
  • Pagiging psychopath

Manipulative Relationship: Ang Mga Senyales!

1. Pagiging Life Controller Ng Partner

Isa ito sa mga senyales ng manipulative relationship na hindi mo namamalayan, dahil ang pakiramdam mo ay tinutulungan ka ng iyong partner. Pero ang totoo, kinokontrol lamang nito ang iyong buhay at mino-mold ka niya sa paraang gusto niya. 

Tipikal sa couples ang magtulungan at makapagbigay ng impluwensya sa major life decisions ng isa’t isa. Ngunit nagiging mali ito kapag sinamahan ng pagmamanipula ang pagtulong sa’yo ng partner mo. Sa oras na makontrol na niya ang buhay mo, mararamdaman mo na parang nawawala ka na sa’yong sarili, at nabubuhay sa buhay ng iba.

2. Matinding Kagustuhan Ng Iyong Partner Na Sa Kanya Ka Lamang Dumepende

Kung wala kang ibang taong masasandalan maaaring mas madali kang manipulahin ng iyong partner. Kaya ang pag-isolate sa’yo at ang extreme co-dependence ay senyales ng manipulation at manipulative relationship. Sinusubukan ka nila i-isolate sa pamamagitan ng:

  • Pisikal
  • Sosyal
  • Pinansyal

Ang paglimita rin sa’yong outside influences ay nagbibigay sa kanila ng kontrol sa iyo.

3. Manipulative Relationship: Covert Contracts

Ang covert contracts ay isa sa mga senyales na ikaw ay nasa isang manipulative relationship. Ito ang mga kontrata na binuo lamang sa kanilang isipan subalit hindi idinidiscuss sa partner. Ito ang klase ng paggawa ng maganda para sa kapareha pagkatapos ay mag-e-expect sila ng mayroon ka ring gagawin para sa kanila.

Halimbawa: “Ako ang magbabayad ng bills at lagi ko siyang tutulungan, para in return mahalin niya ako ng sobra at maging loyal s’ya sa’kin.”

4. Palagiang Pagtanggap Ng Silent Treatment

Para sa mga manipulator ang pagbibigay ng silent treatment ang pinaka-preferred type nila. Kaysa pag-usapan ang isyu mas pinipili nilang bigyan ng silent treatment ang kanilang kapareha. O kaya’y ayaw pag-usapan ang real issue sa kanila.

Paglilinaw ang silent treatment ay hindi naman ganoon kasama. Lalo na kung makatutulong ito sa’yo sa pag-iisip ng solusyon at konklusyon. Nagiging hindi lang ito maganda kapag ang intensyon ng iyong kapareha ay ang pagpaparusa sa’yo, para maipanalo ang argumento at pag-aaway. Kung patuloy ang iyong partner sa pagbibigay ng silent treatment sa’yo hanggang sa mag-apologize ka, kahit na wala ka namang kasalanan at dumating pa sa punto na humingi ka ng “patawad” kahit wala kang pagkukulang, isa lang ang ibig sabihin nito — namaster ng iyong kapareha ang pagmamanipula sa’yo. Kailangan mo i-address ang bagay na ito sa lalong madaling panahon, dahil hindi na ito makabubuti sa’yong pisikal at mental na kalusugan.

5. Pagiging Insecure

Ang goal ng manipulation ay makontrol ka at maramdaman mo na may mali sa’yong sarili. Ito ang paraan ng manipulator para ma-exert ang kapangyarihan nila sa’yo. Ginagamit nila ang iyong kahinaan laban sa’yo. Kapag alam nila na mahina ka napapalakas o weaponize nila ang iyong fears at nagiging superior ang insecurities mo.

6. Pagkakaroon Ng Inconsistent Romance

Yes! Hindi sa lahat ng pagkakataon ay palaging may saya at kilig sa relasyon. Ngunit, paano nga ba naging senyales ang inconsistent romance sa pagkakaroon ng isang manipulative relationship?

Sa oras na pinaulanan ka ng sobrang pagmamahal ng iyong kapareha — sa pamamagitan ng regalo at atensyon, pagkatapos ay bigla itong nawala, naging moody at rude ng walang eksplanasyon bago ang next round of romantic gestures. Maaaring nasa manipulative relationship ka! Dahil ang mga ito ay gumagana para mapabilis ang takbo ng isang relasyon, upang maging dependent ka sa kanyang pagmamahal.

Susi Para Malagpasan Ang Manipulative Relationship

Maaaring maisalba ang isang manipulative relationship kung ang manipulator ay magiging bukas para sa pagbabago at pagtanggap. Vice-versa rin sa partner. Kung kinakailangan ng medikal na atensyon ng iyong kasintahan, mainam na magpatingin at sumailalim sa treatment para sa paggaling ng well-being.

Ngunit tandaan, sa oras na hindi na makatarungan ang walang pagbabago, at ginawa na ang lahat ng maaaring paraan para tulungan ang partner subalit wala pa ring nangyari — Marahil ito na ang panahon para mag-isip ka para sa’yong sariling kalagayan.

safe ba ang withdrawal

Key Takeaways

Ang pagkakaroon ng manipulative relationship ay maaaring mauwi sa toxic behavioural pattern sa relasyon. Maganda na i-address agad ito ng magkarelasyon — pag-usapan. Dahil habang ito ay hindi pinapansin at hinahayaan lamang sa relasyon, maaaring mauwi ito sa hindi magandang pagwawakas ng inyong samahan. Ang pagnanais na mapaganda ang isang relasyon ay hindi lamang dapat gawin ng isa. Dapat na pagtulungan ito ng magkapareha at maging bukas ang pag-iisip ng bawat isa. Huwag rin kakalimutan na mahalin at pangalagaan ang sarili.

Matuto pa tungkol sa Mabuting Relasyon dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

7 Signs of Manipulation in Relationship (And How to Handle It), https://www.lifehack.org/829893/manipulation-in-relationships, Accessed March 8, 2022

Manipulation, https://www.goodtherapy.org/blog/psychpedia/manipulation, Accessed March 8, 2022

Manipulation in Close Relationship: Five Factors in Interactional Context, https://labs.la.utexas.edu/buss/files/2015/09/manipulation-in-close-relationships-1992.pdf, Accessed March 8, 2022

Red Flags: Are You Being Emotionally Manipulated? https://www.goodtherapy.org/blog/red-flags-are-you-being-emotionally-manipulated-0917197, Accessed March 8, 2022

A Meta-Analytic Investigation of the Relationship Between Emotional Intelligence and Emotional Manipulation, https://journals.sagepub.com/doi/10.1177/2158244020971615, Accessed March 8, 2022

 

Kasalukuyang Version

06/24/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

4 Tips Paano Ka Makakaalis sa Toxic Relationship!

Posible Bang Mabago Ang Masamang Ugali? Alamin Ang Kasagutan Dito!


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement