backup og meta

Pag-Like Ng Picture Sa Social Media, Pangangaliwa Nga Ba?

Pag-Like Ng Picture Sa Social Media, Pangangaliwa Nga Ba?

Maraming pagbabago ang nagawa ng digital na panahon sa paraan ng pakikipagrelasyon. Pati na nga ang pag-like ng picture sa social media ay madalas na pagdebatehan at pag-awayan ng magkarelasyon.

Kitang-kita na dahil sa social media ay mas madaling maging konektado sa lahat. Basta may internet ka at cellphone – easy access na to everyone, lalo na sa mga taong gusto mong makausap! Pero minsan, maaari rin itong maging downside ng mga relasyon. 

Madali para sa’yong kapareha na mag-wonder at tumambay sa social media platforms. Tulad ng Facebook, Twitter at Instagram. At kung minsan si boyfie or girlfie ay hindi maiwasan ang pag-like ng picture sa social media.

Ang masakit pa rito, hindi picture mo ang ni-reactan. 

Kaya minsan, mapapaisip ka na “Okay lang ba kung gawin ng partner ko ang mag-like ng picture ng ibang tao?”

Mako-consider ba ito na panloloko o pangangaliwa? Alamin Dito.

Pag-Like Ng Picture Sa Social Media: Cheating Nga Ba?

Congratulations sa iyong love life at welcome sa modern dating era!

Isa sa mga moderno na problema ng mag-partner ang pag-like ng picture sa social media ng kapareha. 

Maraming mga tao ang nag-e-express ng kanilang disturbances at pagkainis kapag ang kanilang karelasyon ay nagla-like o komento sa post ng ibang tao. Lalo na kung ang larawan ay sexy at maganda. Pero ang mga ganitong online actions ba ay mako-consider na pangangaliwa?

Ayon kay Dr. Anna Tuazon, isang psychologist, cheating man o hindi ang tawag doon. Mahalaga na dapat mai-communicate sa’yong partner na it doesn’t make you feel good. Ang pag-like ng picture sa social media ng ibang tao. Dito papasok ang willingness at care ng karelasyon kung may pakialam siya kung nasasaktan ang kapareha. Dahil kung may pakialam siya, dapat hindi niya ito ginagawa. 

Masasabi na ang social media platforms ay parang dating site na rin. Kaya dagdag ni Dr. Tuazon sa kanyang pahayag sa Podcast ni Howie Severino na panigurado na “no-no” ito sa monogamous relationship.

Bakit Big Deal Sa Iba Ang Pag-Like Ng Picture Sa Social Media Ng Mag-Partner?

Ayon kay Dr. Jane Greer ang ekspertong sumulat ng “What About Me? Stop Selfishness From Ruining Your Relationship.” Ang social media ay nakatutulong para i-maintain ang sense of communication sa kapareha. Pero tandaan, bawat tao ay may iba’t ibang pangangailangan para sa pakikipag-ugnayan, commitment at intimacy. Para sa ibang tao ang pagla-like at pagre-react sa post sa social media ay wala lang. Pero para sa iba big deal ito. 

Dahil mahirap pa rin para sa kanila na sabihin at tingnan kung ang social media engagement ng karelasyon ay nagre-reflect pa ba sa iba pang pakikipag-ugnayan.

Sino Ang Madalas Na Pag-Awayan Ng Mag-Partner Sa Pag-Like Ng Picture Sa Social Media?

Ang pagbibigay ng interpretasyon minsan sa pag-like ng picture sa social media ay nakadepende kung kanino itong post. Ito ba ay post ng kaibigan, kaklase, kamag-anak, artista? Dahil ang pagla-like nito ay maaaring hindi big deal sa iyong kapareha.

Pero maaaring hindi ito maging kaaya-aya kung ang ni-like at ni-reactan ay larawan ng ex boyfriend o girlfriend ng iyong kapareha. Lalo na kung ito ay sexy picture o bikini picture. Maaaring hindi rin maging kaaya-aya sa’yong kapareha ang pag-like ng picture sa social media sa post ng isang bagong kakilalang tao. 

Bakit Nga Ba Ito Pinag-Aawayan?

Ang pangunahing dahilan kung bakit pinag-aawayan ng magkarelasyon ang pag-like ng picture sa social media ay “selos”. 

Ayon kay Susan Trombetti, matchmaker at CEO ng Exclusive Matchmaking Trombetti, normal lang na makaramdam ng selos ang iyong kapareha. Lalo na kung may nagugustuhan itong mga sexy at magagandang larawan ng ibang tao. Dagdag pa niya may karapatan ang bawat isa sa relasyon na maging hindi komportable sa ganoong sitwasyon.

Ano Ang Ibig Sabihin Kapag Nag-Like Ng Post Ng Iba Ang Partner Mo?

Hindi mali ang pag-like ng picture sa social media. Nagiging mali lang ito kung ang iyong kapareha ay may iba ng agenda sa pagla-like sa post – tulad ng pangangaliwa. 

Ayon kay Brenda Della Casa, isang relationship coach, unfair sa iyong kapareha na i-expect ang kabuuang paghinto nito sa pagtingin sa ibang tao habang nasa relasyon kayong dalawa. Ang ideya na hihinto ang isang tao na makita na attractive ang iba, kapag tayo’y in love o naka-commit ay isang kalokohan. Napaka-unrealistic na mag-assume na ang iyong karelasyon ay hindi makakakita ng maganda at sexy na tao. Pero hindi ibig sabihin nito na hindi ka na niya mahal o hihiwalayan ka na niya. 

Tandaan, hindi ibig sabihin na nag-like sila ng larawan ng iba ay gusto na nilang gawing karelasyon ang taong nag-post. Kung nais mong makasigurado na walang ibig sabihin ang kanyang pag-like ng picture sa social media, tanungin ito. Dahil kung talagang inosente sila hindi kailangang ma-guilty, matakot o makonsensya ang iyong kapareha.

Maaari Bang Baguhin Ang Ugali Ng Kapareha Sa Pag-Like Ng Picture Sa Social Media?

Kung gugustuhin ng iyong kapareho na iwasan ang pag-like ng picture sa social media. Lalo na kung alam nila na makakasakit ito sa’yo. Magagawa nilang baguhin ito. May free will sila at hindi dapat ito kontrolin ng kapareha. 

Pero kung ang iyong kapareha ay naging overly defensive at gumawa ng false promises – magduda ka na! Dahil ayon na rin kay Trombetti dapat na maging priority ng magkapareha ang concern ng bawat isa. Ang hindi pag-unawa sa nararamdaman ng bawat isa ay mako-consider na “red flag”.

Ano Ang Epekto Ng Pagbabawal Ng Pag-Like Ng Picture Sa Mental Health?

Nabanggit na sa artikulong ito na ang dahilan ng pag-aaway ng magkarelasyon sa pag-like ng picture sa social media ay “selos”.

Ang selos ay maaaring makasira ng mental health, subalit ito ang damdaming hindi maiiwasan sa isang relasyon.

Narito ang ilang uri ng pagseselos na maaaring maramdaman ng iyong partner sa simpleng pag-like ng picture sa social media.

Rational Jealousy

Ito ang totoo at reasonable doubt. Lalo na kung natatakot ang iyong kapareha na mawala ka.

Sexual Jealousy

Madalas itong nangyayari kung may takot ang iyong kapareha na engaged ka sa physical infidelity. Kaya kahit ang simpleng pag-like at react lang sa post lalo na kung sexy pictures ay maaari nilang pagselosan.

Romantic Jealousy

Sa simpleng pag-like ng picture sa social media, maaaring maisip ng iyong kapareha na threat ang nag-post sa inyong romantic relationship. Ito ay maaaring magresulta ng jealous thoughts o reaksyon.

Power Jealousy

Ang tayp ng selos na ito ay nag-uugat sa personal insecurity. May mga instances sa isang magkarelasyon na nala-like ng kapareha ang post ng isang tao na gusto na iyong kapareha na maging. Halimbawa: ang nagpost ay isang sexy na babae at ito ang bagay na gusto ng iyong partner na maging, maaari itong maging rason ng pagseselos.

Key Takeaways

Ang pag-like ng picture sa social media ay isang normal na gawain sa digital na panahon. Ngunit hindi dahil normal ito ay aabusin ang konsepto ng pagiging normal ng pagla-like ng picture sa social media. Lalo na kung ikaw ay nasa isang relasyon. Maganda na makipag-usap sa kapareha para maunawaan ang damdamin ng bawat isa tungkol dito. Dahil ang pakikipag-usap ang isa sa mga susi sa pagkakaroon ng malusog na pakikipagrelasyon.

Matuto pa tungkol sa Mabuting Relasyon dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

How to Recognize a ‘Wandering Eye’ in Relationships and What to Do Next, https://www.healthline.com/health/relationships/wandering-eye, Accessed February 22, 2022

What is Jealousy? https://www.verywellmind.com/what-is-jealousy-5190471#:~:text=Pathological%20Jealousy%3A%20This%20type%20of,desire%20to%20control%20and%20manipulate, Accessed February 22, 2022

Visual Intimacy on Social Media: From Selfies to the Co-Construction of Intimacies Through Shared Picture, https://journals.sagepub.com/doi/10.1177/2056305116641705, Accessed February 22, 2022

Here’s How To Deal With Your Partner Liking Other People’s IG Pics, https://mospace.umsystem.edu/xmlui/bitstream/handle/10355/81462/AxfordMadisonResearch.pdf?sequence=1&isAllowed=y, Accessed February 22, 2022

Cheating, Breakup, and Divorce: Is Facebook Use to Blame, https://www.researchgate.net/publication/237094566_Cheating_Breakup_and_Divorce_Is_Facebook_Use_to_Blame, Accessed February 22, 2022

Kasalukuyang Version

06/21/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

4 Tips Paano Ka Makakaalis sa Toxic Relationship!

Posible Bang Mabago Ang Masamang Ugali? Alamin Ang Kasagutan Dito!


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement