backup og meta

Standing desk: Para saan ito, at ano ang maitutulong nito?

Standing desk: Para saan ito, at ano ang maitutulong nito?

Totoong opisina man o remote setup sa trabaho, naging routine na ang pag-upo nang mahabang oras. Pag-usapan natin ang panganib ng palaging nakaupo o nakahiga. Tingnan din natin kung para saan ang standing desk at ang posibleng pakinabang nito.

Bakit masama para sa iyo ang pag-upo?

Ang laging nakaupo o nakahiga nang masyadong matagal ay nagdudulot ng maraming panganib sa iyong kalusugan. Nakakaapekto ito sa maraming bahagi ng katawan ng tao. Higit pa sa inaakala nating magagawa ng simpleng pagkilos na ito.

Nakakaapekto ito sa lower body muscles

Ang pag-upo ay maaaring magresulta sa mas mahinang muscles sa binti at gluteal, na mahalaga para sa paggalaw at stability. Nakakatulong ang paggalaw sa digestion ng mga taba at asukal. Nababawasan ng pag-upo ang husay ng paggana ng digestive system.

Ayon sa pananaliksik, kailangan ng mga tao ng 60 hanggang 75 minutong moderate-intensity na gawain. Ito ay dapat bawat araw para maiwasan ang mga negatibong epekto ng labis na pag-upo. Bagama’t ang pagtayo ay maaaring hindi isang moderate-intensity na aktibidad, maaari itong makatulong na ipaalala sa iyo na gumalaw o maglakad paminsan-minsan.

Ang balakang at likod ay nasa panganib din sa sobrang pag-upo. Ang mahabang oras ng pag-upo ay nagpapaikli sa hip flexor muscles, habang ang hindi tamang postura ng pag-upo ay maaaring humantong sa health spine issues.

Maaari itong magdulot ng malubhang komplikasyon sa kalusugan

Kahit na hindi pa malinaw ang dahilan, ang pag-upo ay maaaring magpataas ng tyansa mong magkaroon ng ilang uri ng cancer: baga, matris, at colon, halimbawa. Ito ay nauugnay sa sakit sa puso. Ang mga taong hindi aktibo at nakaupo nang matagal ay nasa 147% na mas mataas na panganib para sa atake sa puso o stroke. Ito ay magandang punto ng pagkuha ng isang standing desk. Para saan ang standing desk?

Isang pag-aaral ang nagsabi na ang risk ng diabetes ay mas mataas ng 112% sa mga taong palaging nakaupo o nakahiga. Ang pag-upo o paghiga ay pwedeng mauwi sa mas mataas ng insulin resistance sa katawan. Ito ay nagiging sanhi ng paglampas sa normal range ng blood sugar levels. Ang isa pang pag-aaral ang nagsabi na ang lifestyle na laging nakaupo ay nag-aambag sa mas mataas na posibilidad ng maagang kamatayan. 

Maaring magkaroon din ng varicose veins dahil ang pag-upo ay nagiging sanhi na maipon ang dugo sa mga binti. 

Bilang karagdagan, ang pag-iwas sa paninigas ng leeg at balikat pati na rin ang pag-iwas sa anxiety at depresyon ay maaaring isaalang-alang kung para saan ang standing desk.

Mabuti ba ang standing desk para sa iyo?

Sinuri ng isang pag-aaral na isinagawa sa isang tunay na office environment ang mga capillary blood glucose responses ng mga kalahok sa pag-upo kumpara sa nakatayo pagkatapos kumain ng lunch. Natuklasan ng mga mananaliksik na ang isang buong hapon na nakatayo ay may paggamit ng enerhiya na 174 kilocalories. Ito ay higit kung nakaupo lamang. Ibig sabihin, ang pagtayo ay nakatulong sa pagbaba ng timbang.

Gayunpaman, karamihan sa mga benepisyo kung para saan ang standing desk ay batay sa pananaliksik na nag-uugnay sa mga negatibong epekto sa kalusugan ng pag-upo. Dapat tandaan na bukod sa pag-upo ay may iba’t ibang aktibidad pa, tulad ng paglalakad o pacing. Ang mga ito ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang epekto sa kalusugan kaysa sa pagtayo lamang.

Higit pang pananaliksik ang dapat gawin sa mga benepisyo kung para saan ang standing desk. Upang patunayan ang kanilang mga ipinapalagay na benepisyo sa kalusugan.

Key Takeaways

Ang pag-upo ng mahabang oras ay kadalasang kabilang sa office work at work-from-home setups. Ang aktibidad na ito – o kakulangan nito – ay maaaring maiuri bilang sedentary lifestyle. Marami itong epekto sa kalusugan ng isang tao, ang ilan ay mas malubha kaysa sa iba.

Para saan ang standing desk, at sulit ba ito? Sa kabila ng kakulangan ng katibayan na sumusuporta sa sinasabing mga benepisyo nito sa kalusugan, ang standing desk ay maaaring makatulong sa iyo na maiwasan ang mga negatibong epekto ng simpleng pag-upo o paghiga. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

A systematic review of standing and treadmill desks in the workplace, https://doi.org/10.1016/j.ypmed.2014.11.011. Accessed 10 Mar 2022

The dangers of sitting: why sitting is the new smoking, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/healthyliving/the-dangers-of-sitting. Accessed 10 Mar 2022

The truth behind standing desks, https://www.health.harvard.edu/blog/the-truth-behind-standing-desks-2016092310264. Accessed 10 Mar 2022

Standing-based office work shows encouraging signs of attenuating post-prandial glycaemic excursion, https://doi.org/10.1136/oemed-2013-101823. Accessed 10 Mar 2022

Sedentary time in adults and the association with diabetes, cardiovascular disease and death: systematic review and meta-analysis, https://doi.org/10.1007/s00125-012-2677-z. Accessed 10 Mar 2022

Kasalukuyang Version

09/29/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

4 Na Pwedeng Mangyari Sa’yo Kapag Tinamaan Ka Ng Kidlat

Pahinga: Bakit ito Mahalaga Para sa Iyong Kalusugan?


Narebyung medikal ni

Dexter Macalintal, MD

Lifestyle Medicine, Registered Nutritionist Dietitian


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement