Libu-libong tao ang nawalan ng trabaho habang patuloy na nilalabanan ng Pilipinas ang COVID-19 pandemic. Ito ay makikita rin sa tumataas na bilang ng mga kaso ng malnutrisyon at stunting. Ang nakalulungkot na balitang ito ay nagdala ng kahalagahan ng pag-unawa sa konteksto at sa iba’t ibang uri ng malnourishment
Ano ang Malnutrisyon?
Ayon sa World Health Organization, ang malnutrisyon ay ang kakulangan sa enerhiya at/o nutrient, labis, o maging ang hindi balanseng diet ng isang tao. Maaaring mapagpalit-palit ng ilang mga tao ang mga salitang malnutrition at undernutrition o underweight. Karaniwan, ang una ay sumasaklaw sa tatlong grupo ng mga kondisyon:
- Kakulangan sa nutrisyon (pag-aaksaya, pagkabansot, at kulang sa timbang)
- Malnutrisyon na nauugnay sa micronutrient (mga kakulangan o labis sa micronutrient)
- Sobra sa timbang, labis na katabaan, at iba pang hindi nakakahawang sakit (sakit sa puso, stroke, diabetes, at ilang uri ng kanser)
Iba’t-ibang uri ng Malnourishment
Undernutrition
Nagdudulot ng kakulangan sa nutrisyon o undernutrition kapag kulang sa calories o isa o higit pang mahahalagang sustansya. Ito ay alinman sa dalawang ito:
- Hindi sapat na pagkain o kulang sa tamang nutrisyon o dietary variety (ibig sabihin, calories, protina, o iba pang kinakailangang bitamina at mineral)
- Ang hindi maayos na pag-absorb ng mga sustansya mula sa pagkain upang mapanatili ang magandang pisikal at mental na kalusugan (marahil dahil sa karamdaman).
Ang mga taong undernutrition ay madalas na mukhang kulang sa timbang. Mapapansin ang palatandaan ng paglabas ng buto, tuyo at hindi nababanat na balat, at maging ang manipis na buhok na maaaring mauwi sa pagkalagas ng buhok.
Iba pang mga kahulugan
Ang ganitong uri ng malnourishment ay may apat na malawak na sub-form, ang wasting, stunting, underweight, at kakulangan sa mga bitamina at mineral.
- Wasting. Ito ang ratio ng mababang timbang para sa taas. Karaniwan, nagmumungkahi ito ng kailan lang na pagbabago at pagbaba ng timbang bilang resulta ng kakulangan sa pagkain at/o pagkakasakit. Tulad ito ng pagtatae, na nagiging sanhi ng pagbaba ng timbang ng tao.
- Stunting o pagkabasot ay ang kulang sa taas para sa edad ng isang tao. Ito ay epekto ng pangmatagalang malnutrisyon. Ipinapakita na ang stunting ay may negatibong epekto sa paggana sa utak ng bata, organ development, at development ng immune system. Pumipigil ito sa kanila na maabot ang kanilang buong potensyal.
- Underweight o kulang sa timbang. Ang mga batang kulang sa timbang ay may mahinang ratio ng timbang para sa edad. Sila rin ay maaaring tawaging bansot, wasted, o pareho.
Ang ganitong uri ng malnourishment ay karaniwan sa mga umuunlad na bansa. Pinapataas din ng ilang partikular na kondisyon ang panganib ng undernutrition:
- Ang pagiging mahirap o nasa ibaba ng low socioeconomic status (indikasyon din ng pagiging walang tirahan).
- Pagkakaroon ng psychiatric disorder o anumang iba pang sakit na dahilan upang hindi sila makakain ng maayos at naaangkop.
- Ang edad ay isang malaking risk factor dahil ang mga sanggol, bata, at maging ang mga kabataan ay nangangailangan ng mas maraming sustansya habang sila ay lumalaki at nade-develop.
Malnutrisyon na nauugnay sa micronutrient
Ang mga kakulangan sa bitamina at mineral, na kadalasang kilala na micronutrient deficiencies, ay maaaring pagsama-samahin. Tinutulungan ng mga micronutrients ang katawan na gumawa ng mga enzyme, hormone, at iba pang mga compound na kailangan para sa normal na paglaki at development.
Sa mga tuntunin ng global public health, ang iodine, bitamina A, at iron ay mga pinakamahalagang mapagkukunan ng mga sustansya. Ang mga kakulangan sa mga nasabing nutrients ay nagbibigay ng malubhang banta sa kalusugan at pag-unlad ng mga populasyon sa buong mundo. Partikular dito ang mga bata at mga buntis sa mga bansang mababa ang kita.
Sobra sa timbang at labis na katabaan
Karamihan sa mga tao ay hindi itinuturing na banta sa isang uri ng malnourishment ang pagiging sobra sa timbang at labis na katabaan. Gayunpaman, ang abnormal o sobrang pag-iipon ng taba ay maaari ring magdulot ng pinsala sa kalusugan ng isang tao.
Diet-related non-communicable diseases
Ang mga sakit sa cardiovascular (gaya ng mga atake sa puso at mga stroke na karaniwang konektado sa mataas na presyon ng dugo), ilang uri ng mga kanser, at diabetes ay mga halimbawa ng mga hindi nakakahawang sakit na nauugnay sa pagkain (mga NCD).
Kasama ang mahinang nutrisyon at hindi malusog na pamumuhay sa mga nangungunang sanhi ng mga malalang sakit sa buong mundo.
Paano Gamutin ang Iba’t ibang Uri ng Malnourishment
Ang iba’t ibang uri ng malnourishment ay maaaring mangailangan ng iba’t ibang paraan ng paggamot, depende sa mga kilalang sanhi nito. Ang isang doktor o nutrisyunista ay maaaring magmungkahi ng mga partikular na pagbabago sa mga uri at dami ng pagkain ng iyong anak. Kasama na rin dito ang dietary supplements tulad ng mga bitamina at mineral.
Maaaring kasama sa mga regular na pagsusuri ng doktor ang mga sumusunod:
- Taas, timbang, at body mass index (BMI) ng bata na naaayon sa kanyang edad
- Mga pinagbabatayang kondisyon na maaaring magdulot ng malnutrisyon
- Mga resulta ng mga pagsusuri sa dugo para sa mga kakulangan sa nutrisyon
- Iba pang mga pagsusuri batay sa medical history ng bata
Matuto nang higit pa tungkol sa Pangkalahatang Kalusugan dito.
[embed-health-tool-bmi]