Ang pagdami ng kaso ng obesity sa buong mundo ay nakakabahala na ayon sa mga eksperto. Ang sobrang timbang at labis na katabaan ay tinukoy bilang abnormal o excessive fat accumulation. Ito ay nagdudulot ng panganib sa kalusugan.
Ang isyu ng obesity ay umabot na epidemic proportion. May higit sa apat na milyong tao ang namamatay bawat taon bilang resulta ng pagiging sobra sa timbang o obesity noong 2017. Patuloy na tumataas ang mga antas ng obesity sa mga matatanda at bata. Mula 1975 hanggang 2016, ang paglaganap ng obesity sa mga bata at kabataan edad 5 hanggang 19 ay tumaas nang higit sa apat na beses mula 4% hanggang 18% sa buong mundo.
Ang pagdami ng kaso ng obesity ay isang bahagi ng dobleng pasanin ng malnutrisyon. Ngayon ay mas maraming tao ang sobrang taas ng timbang kaysa kulang sa timbang sa bawat rehiyon maliban sa sub-Saharan Africa at Asia. Dati ito ay problema lamang sa mga bansang may mataas na kita. Ngunit ngayon, ito problema na din kahit sa mga mahihirap na bansa. Ang karamihan sa mga bata na obese ay nakatira sa mga umuunlad na bansa. Higit sa 30% na mas mataas kaysa sa mga mauunlad na bansa ang pagtaas ng obesity sa mga bansang ito.
Alamin ang iyong BMI
Gumagamit ang mga healthcare providers ng body mass index o BMI upang mag-screen para sa overweight at obesity. Maaari mong makuha ang iyong BMI sa pamamagitan ng pag-mutiply ng iyong timbang sa pounds sa 703. I-divide ito sa iyong height gamit ang inches. Ulitin ang pag divide gamit ang parehong numero. Kapag ang BMI mo ay below 18.5 ikaw ay underweight at kung nasa pagitan ng 18.5-24.9 ito ay normal. Ang BMI na 25.0-29.9 ay overweight at kapag umabot sa 30.0 pataas ito ay obesity. Kumunsulta sa doktor kung ang iyong BMI ay nagpapakita na ang iyong timbang ay higit sa average para sa iyong height. Ngunit may higit pa sa labis na katabaan kaysa sa BMI.
[embed-health-tool-bmi]
Epektibo ba ang BMI sa pag-alam ng pagdami ng kaso ng obesity?
Ang obesity ay karaniwang tinutukoy bilang pagkakaroon ng labis na body mass. Bagama’t may mga limitasyon ang BMI, isa itong madaling paraan ng pagsukat. Ito ay isang indicator na mag-aalerto sa iyo ng mga panganib sa kalusugan na nauugnay sa labis na timbang. Kabilang sa mga halimbawa ng mga limitasyon ng BMI ang mga bodybuilders at atleta. Sila ay may mas maraming kalamnan at maaaring may mas mataas na BMI kahit na mababa ang antas ng taba. Posible rin na magkaroon ng labis na taba kahit normal na timbang. Maaring katamtaman ang iyong ang timbang ngunit ang porsyento ng taba ay mataas. Ito ay mapanganib sa kalusugan tulad ng isang taong may mas mataas na BMI.
Para sa karamihan ng mga tao, ang BMI ay nagbibigay ng makatwirang pagtatantya ng taba ng katawan. Gayunpaman, hindi direktang sinusukat ng BMI ang taba ng katawan, kaya maaaring may BMI ang ilang tao, gaya ng mga muscular athlete, sa kategoryang obesity kahit na wala silang labis na taba sa katawan.
Ang isa pang paraan ng pagsukat ng labis na katabaan ay sa pamamagitan ng pagsukat ng circumference ng baywang. Kung mayroon kang mas maraming taba sa katawan sa paligid ng iyong baywang ay mas mataas ang iyong panganib. Nakakabahala kapag ang laki ng baywang ay higit sa 35 pulgada para sa mga babae at 40 pulgada para sa mga lalaki.
Pagdami ng kaso ng obesity: Bakit nakakabahala?
Ayon sa pinakahuling projection ng World Health Organization, hindi bababa sa isa sa tatlo sa adult na populasyon ay overweight at halos isa sa 10 ay obese. Bukod pa rito, mayroong higit sa 40 milyong mga batang wala pang limang taong gulang na overweight. Ang pagiging overweight o obese ay maaaring magkaroon ng malubhang epekto sa kalusugan. Maaari itong humantong sa malubhang kondisyon tulad ng:
- Cardiovascular disease (pangunahin na sakit sa puso at stroke)
- Type 2 diabetes
- Musculoskeletal disorder tulad ng osteoarthritis
- Endometrial, breast at colon cancer
Ang hindi alam ng karamihan, ang panganib ng mga problema sa kalusugan ay nagsisimula kapag ang isang tao ay medyo mataas pa lamang ang timbang. Tumataas ang mga problema habang ang isang tao ay nagiging sobra sa timbang. Marami sa mga kondisyong ito ang nagdudulot ng pangmatagalang pagdurusa para sa mga indibidwal at pamilya. Bilang karagdagan, pinapataas nito ang mga gastos para sa sistema ng pangangalagang pangkalusugan.