backup og meta

Microplastics Sa Pagkain: Paano Nito Naaapektuhan Ang Kalusugan?

Microplastics Sa Pagkain: Paano Nito Naaapektuhan Ang Kalusugan?

Hindi maitatanggi ang laganap na paggamit ng mga plastik para sa iba’t ibang mga bagay. Sa katunayan, naturing din itong pangunahing kalakal na ginagamit ng mga tao sa pangaraw-araw. Subalit, dahil ito ang pinakakaraniwang uri ng marine debris, natuklasan ang malaking epekto ng lubusang paggamit ng mga plastic sa kapaligiran. Ito ang dahilan kung bakit nabawasan, kahit papano, ang paggamit ng mga ito. Ngunit, bukod dito, alam mo ba na matatagpuan din ang mga microplastics sa pagkain? Paano naman ito nakaapekto sa ating kalusugan? Alamin ang impormasyon tungkol sa mga microplastics sa pagkain sa artikulong ito. 

Ano Ang Microplastics

Katulad ng imumungkahi ng termino, ang microplastics ay tumutukoy sa mga maliliit na particle ng plastic na mayroong mas mababa sa halos 5mm ang laki.  

Ang terminong ito ay unang ginamit noong 2004. Simula noon, patuloy na ang pag-aaral at pagtukoy nito sa iba’t ibang mga kapaligiran sa buong mundo. Ang komposisyon ng mga ito ay maaaring anumang uri ng plastik na materyal tulad ng mga sumusunod:

  • Polyethylene (PE)
  • Polybutylene succinate (PBS)
  • Polyvinyl chloride (PVC)

Maaari rin silang magkaroon ng iba’t ibang hugis, kulay, sukat at densidad, at uri. Mayroong dalawang uri ng microplastics: ang pangunahing (primary) microplastics at pangalawang (secondary) microplastics.

Maihahalintulad ang pangunahing microplastics sa mga microbeads na matatagpuan bilang bahagi ng mga personal care products kung saan nagsisimula ito bilang maliliit na particles. Sa kabilang banda naman, ang pangalawang microplastics ay nagsisimula bilang malalaking mga bagay, tulad ng mga plastic bag, ngunit lumiliit ang mga ito sa paglipas ng panahon. Ito ang mga karaniwang matatagpuan sa mga karagatan na kalaunan ay nakakain ng mga hayop sa dagat.

Simula noong pumasok ang mga plastik sa merkado noong ika-20 siglo, ang mga materyales na ito ang nagbigay daan para sa mga bagong inobasyon at nag-ambag ng mga pakinabang sa lipunan, lalo na sa sektor ng pagkain, kalusugan, kaligtasan, maging sa energy at material conservation. Subalit, hindi doon nagtatapos ang usapan patungkol dito sapagkat ang mga ito ay nagsimula na ng panibagong klase ng polusyon. Ang mga ito ay non-biodegradable, o hindi nabubulok, na kung saan mataas ang nagiging akumulasyon nito. Higit pa rito, umabot na ang mga microplastics sa pagkain dahil ang mga seafood ay kinakain at hinahanda sa ating mga hapag. 

Ano Ang Maaaring Epekto Ng Microplastics Sa Pagkain Sa Ating Kalusugan?

Ang mga microplastics ay matatagpuan sa iba’t ibang mga kapaligiran, maging sa mga pagkain. Napag-alaman na ang mga ito ay matatagpuan sa mga sumusunod na pagkain:

Ayon sa mga pag-aaral, kabilang din ang beer at tap water sa listahan ng mga bagay na kinukonsumo natin. Ang mga ito ay madalas nating kinakain at iniinom, ngunit maaaring karamihan sa atin ay hindi alam na mayroong plastik na nakapaloob dito. 

Limitado pa rin ang mga pag-aaral patungkol sa kung paano naaapektuhan ang mga tao buhat ng microplastics sa pagkain. Ngunit, natuklasan sa ilang mga pananaliksik ang mga posibleng panganib na dulot ng mga ito. 

  • Pagkabaog at Polycystic ovary syndrome (PCOS). Ayon sa isang pananaliksik, ang BPA exposure, isang partikular na kemikal na bumubuo sa mga plastik, ay gumaganap ng isang papel sa pagkabaog sa mga lalaki at babae. Gayundin, ito ay nakaapekto sa pagkakaroon ng PCOS ng mga kababaihan. 
  • Mga chronic diseases. Ipinapakita ng mga patuloy na pag-aaral na ang pangmatagalang exposure sa endocrine-disrupting microplastics ay nagpapataas ng panganib na magkaroon ng type 2 diabetes at sakit sa puso.
  • Immune health. Natuklasan ng isang pagsusuri na ang pagtaas ng pamamaga na dulot ng exposue sa microplastics ay humahantong sa mahinang kalusugan ng bituka. Dahil dito, humihina rin ang immunity ng tao sa iba pang mga sakit. 

Key Takeaways

Higit pa sa polusyon nadulot ng mga samu’t saring plastik sa ating kapaligiran, nakakaapekto rin sa kalusugan ang mga microplastics sa pagkain. Bagama’t hindi pa lubusang nabibigyang linaw at diin ang tunay na epekto nito sa kalusugan, nararapat pa rin maging mulat sa mga posibilidad at maging mapanuri sa mga pagkaing kinakain sa pangaraw-araw. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Kalusugan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

3 Everyday Foods that Contain Microplastics, https://www.greenpeace.org/eastasia/blog/6016/3-everyday-foods-that-contain-microplastics/, Accessed June 17, 2022

Endocrine-disrupting chemicals, risk of type 2 diabetes, and diabetes-related metabolic traits: A systematic review and meta-analysis – Yan Song, Elizabeth L Chou, Aileen Baecker, Nai-Chieh Y You, Yiqing Song, Qi Sun, Simin Liu, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/26119400/, Accessed June 17, 2022

Immunotoxicity and intestinal effects of nano- and microplastics: a review of the literature – Nell Hirt and Mathilde Body-Malapel, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7661204/, Accessed June 17, 2022

Microplastics, https://echa.europa.eu/hot-topics/microplastics#:~:text=In%20January%202019%2C%20ECHA%20proposed,from%20March%20to%20September%202019, Accessed June 17, 2022

Microplastics in drinking-water, https://www.who.int/publications/i/item/9789241516198, Accessed June 17, 2022

Microplastics in food, https://www.foodstandards.gov.au/consumer/generalissues/Pages/Microplastics-in-food-.aspx, Accessed June 17, 2022

MICROPLASTICS: Focus on Food and Health, https://publications.jrc.ec.europa.eu/repository/handle/JRC110629, Accessed June 17, 2022

Phthalates and attributable mortality: A population-based longitudinal cohort study and cost analysis – Leonardo Trasande, Buyun Liue, Wei Bao, https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S0269749121016031, Accessed June 17, 2022

Plastic Pollution, https://ourworldindata.org/plastic-pollution, Accessed June 17, 2022

Presence of microplastics and nanoplastics in food, with particular focus on seafood, https://www.efsa.europa.eu/en/efsajournal/pub/4501, Accessed June 17, 2022

What are microplastics?, https://oceanservice.noaa.gov/facts/microplastics.html, Accessed June 17, 2022

Kasalukuyang Version

09/22/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Maalat Na Pagkain: Bakit Dapat Itong Iwasan? Alamin Dito!

Mga Bawal Na Pagkain Sa May Skin Asthma, Anu-ano Nga Ba?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement