backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Epekto Ng Hangin Sa Kalusugan, Anu-Ano Nga Ba? Alamin Dito!

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD · Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

Epekto Ng Hangin Sa Kalusugan, Anu-Ano Nga Ba? Alamin Dito!

Ang balat ang pinakamalaking bahagi ng katawan ng tao— kung saan ang epekto ng hangin sa kalusugan ng tao ay dapat bantayan. Dahil ang hangin ay maaaring maging banta sa pangkabuuang kalusugan at buhay ng isang indibidwal.

Sa modernong panahon, peligroso na para sa kalusugan ng isang tao ang mga hanging pumapasok sa tahanan. Tulad ng usok na mula sa sigarilyo, sasakyan at pabrika. Ipinapakita rin ng mga scientific research ang epekto ng hangin sa kalusugan ng tao. Kung saan ang hangin ay maaaring magresulta ng allergy reactions sa balat. Habang ang maruming hangin naman ay maaaring makapinsala. Sa anyo ng pagkakaroon ng failure sa baga ng isang tao— tulad ng hika, emphysema at bronchitis. Mayroon ding mga pag-aaral na lumabas na malaki ang naiaambag ng hangin sa pagkakaroon ng heart attack, stroke, diabetes at dementia.

Basahin ang artikulong ito para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa epekto ng hangin sa kalusugan ng isang tao.

Ano Ang Tawag Sa Hanging Nakapipinsala Sa Tao?

Ang hangin ay nagiging mapanganib kapag ito ay naging bahagi ng polusyon. Tinatawag na polusyon sa hangin o air pollution sa Ingles ang hangin na nakapipinsala sa kalusugan ng tao.

Kapag sinabing “polusyon” ito ang bagay na mapanganib (harmful materials) sa kalikasan at tao. Kilala sa tawag na “pollutants” ang mga bagay na nakapipinsala.  Maaaring magmula ang harmful materials sa mga natural na bagay tulad ng volcanic ash. Minsan naman ay mula ito sa human activities. Tulad ng basura o runoff na likha ng mga factory.

Tandaan

Ang pollutants ay maaaring makasira sa kalidad ng hangin, tubig at lupa.

Ano Ang Air Pollution?

Ang polusyon sa hangin ay nagre-refer sa pag-release ng pollutants sa hangin— kung saan ang mga pollutant na ito ay nakakasama sa kalusugan ng tao. Ayon pa sa World Health Organization (WHO), bawat taon ang air pollution ang responsable para sa 4.2 milyong pagkamatay. Dahil sa stroke, sakit sa puso, lung cancer, acute at chronic respiratory diseases.  Siyam sa bawat sampung tao ang kasalukuyang humihinga ng hangin na lagpas sa limitasyon ng alituntunin ng WHO para sa pollutants. 

Idinagdag pa ng WHO na ang mga namumuhay sa low at middle income countries ang mga madalas na maghirap sa air pollution.

Kapansin-pansin na ang polusyon sa hangin ay isang suliraning pangkalusugan at kapaligiran. Dahil sa pagkakaroon ng mga mapinsalang kemikal sa hangin na nalalanghap. Kadalasang ang polusyon sa hangin ay mula sa mga sasakyan, kabahayanan, pabrika, opisina at pagsisiga.

Nakikita Ba Ang Polusyon Sa Hangin?

Mayroong mga pagkakataon na nakikita ang air pollution. Madalas itong nakikita bilang dark smoke mula sa pipes ng mga naglalakihang trucks at factory. Gayunpaman, ang air pollution ay madalas na invisible. Laging tandaan na ang polluted air ay delekado para sa tao. Kahit na invisible ang mga pollutant sa mata ng bawat indibidwal. Maaari nitong masunog ang mata ng tao at maging sanhi ng paghihirap nila sa paghinga. Ang air pollution din ay nakakapagpataas ng risk para sa lung cancer.

Dahilan Ng Air Pollution

Ayon kay John Walke, direktor ng Clean Air Project ang air pollution ay madalas na nagmumula sa energy use at production. Kung saan ang burning fossil fuels ang naglalabas ng gases at chemicals sa hangin. Ang air pollution sa form ng carbon dioxide at methane ay nagpapataas ng earth’s temperature. Dahil sa patuloy na pagtaas ng temperatura kaya maraming sakit at atake ang natri-trigger kaugnay sa pangkabuuang kalusugan ng tao. Narito pa ang mga sumusunod na dahilan ng air pollution:

  • Hindi wastong pagtatapon ng basura
  • Paninigarilyo
  • Paggamit ng mga kemikals na may matatapang na amoy at substances
  • Mga usok mula sa mga sasakyan, pabrika, opisina at kabahayanan
  • Pagsisiga o pagsusunog
  • Pagpuputol ng puno
  • Mga Uri Ng Polusyon Sa Hangin Na Nakakaapekto Sa Kalusugan Ng Tao

    Narito ang mga sumusunod na uri ng air pollution na dapat ay alam mo para maiwasan ito:

    Smog

    Ito ang 2 most prevalent types ng air pollution. Ang “smog” ay nire-refer  bilang ground-level ozone. Ito ay nabubuo dahil sa emissions mula sa combusting fossil fuels react with sunlight. Madalas na nagmumula ito sa mga sasakyan, factory, power plants, incinerators at engines.

    Soot

    Kilala rin ito bilang “particulate matter” na nabuo sa tiny particles ng kemikals, lupa, smoke, alikabok o allergens— sa form ng gas or solids– na nadadala ng hangin.

    Hazardous Air Pollutants

    Masasabi na isa ito sa mga mapanganib na pollutant sa hangin. Dahil maaari nitong maapektuhan ang baga, nervous, endocrine system at reproductive functions. Sapagkat madalas ang hazardous air pollutants ay nagtataglay ng mercury na umaatake sa central nervous system ng tao. Ito ay maaaring mag-lead sa damage ng utak, bato at sa abilidad ng bata matuto.

    Greenhouse Gases

    Sa pamamagitan ng pagtrap sa init ng mundo sa atmosphere, ang greenhouse gases ay nagli-lead sa mainit na temperatura. Kaugnay nito, dahil sa pag-init ng temperatura nagiging mapanganib ito sa mga taong may malalang health conditions— partikular ang mga may sakit sa puso.

    Pollen at Mold

    Ito ay nagmumula sa mga puno at halaman na sumasama sa hangin. Nagiging mapanganib ito lalo na para sa may mga allergy.

    Mga Epekto Ng Hangin Sa Kalusugan Ng Tao

    Ang hangin ay maaaring makamatay. Lalo na kung marumi ito at maraming masamang kemikal ang kasama nito. Noong 1984, ang isang aksidente sa pesticide plant sa Bhopal, India kung saan nakapag-release ng deadly gas sa hangin. Ito ay nagresulta ng kamatayan sa higit kumulang 8,000 tao at daang-libong permanenteng injury sa mga indibidwal. 

    Makikita sa naganap na senaryo na lubhang mapinsala sa katawan ang hangin. Dagdag pa ng WHO dahil sa polusyon sa hangin marami ang namamatay mula sa simpleng pag-ubo. Narito pa ang mga sumusunod na epekto ng hangin sa kalusugan ng tao:

    • Chronic obstructive pulmonary disease (COPD)
    • Asthma
    • Bronchitis
    • Pneumonia
    • Emphysema
    • Pagkakaroon ng sakit sa atay at baga
    • Sakit sa puso
    • Kanser sa baga
    • Stroke
    • Diabetes
    • Dementia

    Ang epekto ng hangin sa kalusugan ay nakadepende sa haba at lebel ng exposure— kasama ang iba pang factors. Tulad ng individual health risks at ang cumulative impacts ng multiple pollutants o stressors.

    Epekto ng hangin sa kalusugan: Allergy Reaction

    Isa pa sa mga hindi magandang epekto ng hangin sa kalusugan ay ang pag-trigger sa allergy reaction ng isang indibidwal. Ang allergic reaction ay isang paraan ng katawan para mag-response sa allergen. Mga mga allergy na natri-trigger dahil sa hangin, narito ang mga sumusunod:

    • Eczema— kilala rin ito sa tawag na “atopic dermatitis“. Isa itong chronic allergic condition. Ayon sa mga eksperto kadalasan natri-trigger ito dahil sa alikabok— kaya kapag nasama ang mga alikabok sa hangin at nalanghap ng tao. Maaaring makaranas sila ng allergic reaction tulad ng pangangati, pamumula at pagkakaroon ng dry na balat.
    • Allergic rhinitis— tinatawag din ito bilang “hay fever”. Sa oras na makalanghap ka ng hangin na may pollen maaari itong mauwi sa allergic reaction. Tulad ng pagbahing, congestion, pangangati ng ilong at sore throat.
    • Cold urticaria— ito ang tawag sa mga balat na sensitive sa malamig na panahon, temperatura at hangin. Kung saan ang balat ay maaaring magdebelop ng itchy welts (hives).

    Sa unang pagkakataon na malalantad ka sa partikular na allergen dahil na rin sa pagsama nito sa hangin tulad ng pollen. Ang iyong katawan ay tumutugon sa pamamagitan ng paggawa ng allergic (IgE) antibodies. Kung saan ang trabaho ng antibodies na ito ay hanapin ang allergens at alisin ang mga ito sa’yong system. 

    Key Takeaways

    Sounds ironic! Bagama’t ang hangin ay isa sa pangunahing dahilan ng ating buhay at pananatili sa mundo. Ang hangin din ang isa sa maaaring maging banta sa’ting kalusugan. Mahalaga na malaman ang mga epekto ng hangin sa kalusugan. Nang sagayon ay alam din natin kung paano proproteksyunan ang sarili at pamilya. Sa oras na makaramdam ng mga sintomas kaugnay sa epekto ng hangin sa kalusugan. Magpakonsulta agad sa doktor para sa agarang atensyong medikal.

    Matuto pa tungkol sa Kalusugan dito.

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyung medikal ni

    Mia Dacumos, MD

    Nephrology · Makati Medical Center


    Isinulat ni Lornalyn Austria · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement