Ano ang pinagkaiba ng gastric sa duodenal ulcer? Tatalakayin natin sa artikulong ito ang mga pangunahing pagkakaiba at pagkakatulad ng gastric at duodenal ulcers. Ito ay batay sa kanilang mga sanhi, sintomas, iba pang mga komplikasyon, mga senyales at babala.
Ano ang peptic ulcers?
Ang peptic ulcers ay mga sugat sa inner lining ng ilang bahagi ng digestive system. Sanhi ito ng iba’t ibang mga sangkap na nakikipag-ugnayan sa mga gastric acid na ginagamit sa pagpiraso ng pagkain at iba pang mga digestive juice. Nagiging sanhi ito ng pagkasunog at iritasyon. Nabubuo ang mga ulcers sa inner lining alinman sa tiyan o sa unang bahagi ng maliit na bituka.
Mga Uri ng Ulcer
May dalawang uri ng ulcer at ang dalawang ito ay naiiba batay sa lokasyon.
- Makikita ang gastric ulcers sa lining ng tiyan.
- Ang duodenal ulcers naman ay nasa unang seksyon ng maliit na bituka na kilala bilang duodenum.
Ang mga sanhi ng peptic ulcer ay nag-iiba sa bawat pasyente dahil sa uri ng peptic ulcer na nangyayari. Pwedeng magkaroon ang isang pasyente ng parehong mga uri ng ulcer nang sabay.
Pinagkaiba ng Gastric sa Duodenal ulcer: Mga Sanhi
Ang gastric at duodenal ulcers ay may parehong pangunahing sanhi. Gaya ng nabanggit sa itaas, ito ang iritasyon sa lining dahil sa pag-uugnayan ng mga substance na natural na nasa digestive system at foreign substances.
Ang mga foreign substance na ito ay maaaring bacteria tulad ng Helicobacter pylori o gamot tulad ng Ibuprofen, Diclofenac, Aspirin, at Naproxen, na nasa ilalim ng kategoryang tinatawag na non-steroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs).
Bagama’t magkapareho ang mga sanhi, mas malamang na ang duodenal ulcer ay sanhi ng H. pylori kaysa sa mga NSAID. Ito ay dahil ang gamot na ito ay nagdudulot ng ulcers sa pamamagitan ng pagsira sa natural na depensa ng lining ng tiyan laban sa gastric acids na natural na naroroon. Hindi ito madalas na nangyayari sa duodenal lining. Dahil ito ay hindi ito gaanong lantad sa mga gastric acid kaysa sa tiyan dahil nasa tiyan ang gastric acids na ito kung saan pangunahing ginagamit at ginagawa.
Pinagkaiba ng Gastric sa Duodenal ulcer: Mga Sintomas ng Gastric at Duodenal Ulcer
Ang mga karaniwang sintomas ng peptic ulcer ay:
- Burping at belching
- Mabilis mabusog
- Hindi nakakaramdam ng gutom
- Pagkakaroon ng dugo o itim na dumi
- Nagsusuka ng dugo
Nag-iiba-iba ang mga ito sa bawat kaso dahil posibleng hindi magkaroon ng anumang sintomas.
Ang mga senyales at sintomas na ito ay magkapareho para sa gastric at duodenal ulcers. Ngunit ang mga nuances ay naiiba sa posibilidad na mangyari ang mga sintomas na ito.
Ano ang pinagkaiba ng gastric sa duodenal ulcer? Maaaring magdulot din ng pananakit ang peptic ulcer. At kahit na maaaring ipalagay na ang lokasyon ng sakit na ito ay ulcer, hindi ito ang kaso. Ang timing at triggers ng mga sensation na ito ay pwedeng magpahiwatig kung ito ay gastric ulcer o duodenal ulcer.
Mga sintomas na dulot ng gastric ulcers:
- Nangyayari sa tiyan, ito ay mas malamang na magdulot ng mga sintomas na kinasasangkutan ng gana tulad ng agad na pagkabusog pagkatapos kumain o hindi nagugutom.
- Ang kakulangan ng pagkain ay malamang na maging sanhi ng pananakit ng gastric ulcers
- Para sa timing, ang pananakit ay maaaring mangyari pagkatapos kumain, na malamang na gastric ulcers.
Mga sintomas na sanhi ng duodenal ulcers:
- Mas malamang na magdulot ng mga sintomas na kinasasangkutan ng dumi tulad ng kulay nito na itim o may dugo.
- Ang intake ng pagkain ay malamang na maging sanhi ng pananakit ng duodenal ulcer.
- Para sa timing, ang pananakit ay maaaring mangyari pagkalipas ng ilang oras, na malamang na duodenal ulcers.
Ang antacids at food intake ay maaaring makatulong para sa ilang uri ng ginhawa mula sa pananakit na dulot ng mga duodenal ulcer. Pero hindi ito magiging kasing epektibo para sa pananakit na dulot ng gastric ulcers.
Pinagkaiba ng gastric sa duodenal ulcer: Mga posibleng komplikasyon
Katulad ng mga sanhi at sintomas, ang mga posibleng komplikasyon na pwedeng mangyari sa peptic ulcers ay halos magkapareho para sa gastric at duodenal ulcer. Kasama sa mga komplikasyong ito ay internal bleeding, pagbubutas o pagkapunit ng lining ng organ, at pagbara.
Ang internal bleeding ay maaaring parehong mangyari sa tiyan at duodenum. Kung maging extreme, pwede itong maging sanhi ng anemia.
Ang pagkabutas o pagkapunit ay nangyayari sa organ na apektado ng ulcers. Sa kasong ito, maaring mapunit ang lining ng tiyan dahil sa gastric ulcers. Ang lining naman ng maliit na bituka ay maaaring mapunit dahil sa duodenal ulcers. Ano ang pinagkaiba ng gastric sa duodenal ulcers?
Mas malamang na magkaroon ng obstruction para sa mga gastric ulcer. Ito ay dahil mas malamang na maiirita ang labasan nito na sapat para maging sanhi ng bara. Ang nauugnay na sakit ay ang Zollinger-Ellison syndrome na nagdudulot ng mga gastric ulcer dahil sa mataas na antas ng acid sa tiyan.
Kailan dapat magpatingin sa doktor?
Siguraduhing magpatingin sa doktor kung ang mga sintomas ay tulad ng:
- Patinding panghihina
- Pagsusuka
- Naglalabas ng dugo
- Biglang pagbaba ng timbang
- Matinding pananakit na kumakalat sa ibabang likod
- Patuloy o lumalalang pagduduwal
Maaaring gumamit ang doktor ng endoscopy, barium swallow, o laboratory tests tulad ng pagsusuri para sa H. pylori. Makakatulong ang mga ito na matukoy kung ang sakit na ito ay sanhi ng mga peptic ulcer o hindi. At kung ano ang pinakamahusay na treatment plan.
Key Takeaways
Bagaman ang gastric at duodenal ulcers ay magkatulad sa lawak nito, mayroong ilang nuances at pinagkaiba ng gastric sa duodenal ulcer.
Ang pinakamadaling paraan ng pagsasabi kung anong uri ng peptic ulcer ang naroroon ay batay sa lokasyon ng mga ulcer. Gayunpaman, maaari lamang itong matukoy sa pamamagitan ng mga lab test at check-up pagkatapos ng diagnosis.
Sa huli, ang diagnosis at pag-uuri ay dapat ipaubaya sa mga medikal na eksperto. Sila ang pinakamahusay na makapag-rerekomenda ng ng mga plano sa paggamot upang tuluyang maalis ang alinman o parehong mga kondisyon.
Matuto pa tungkol sa Digestive Health dito.
[embed-health-tool-bmi]