Ang ating digestive system ay isa sa pinakaimportanteng sistema ng katawan. Ito ay marahil ang mga mahahalagang nutrisyon na kailangan ng katawan ay nakukuha sa mga pagkaing ating kinakain. Alaming ang lahat ng tungkol sa digestive system sa artikulong ito.
Ano Ang Digestive Health? Narito Ang Lahat Ng Tungkol Sa Digestive System
Kabilang sa pag-uunawa ng lahat ng tungkol sa digestive system ay ang kung ano ang digestive health at ang kahalagahan nito.
Ang digestive health ay tumutukoy sa sukatan kung gaano kalusog ang digestive system ng isang tao. Ang pagkakaroon ng mabuting kalusugan sa pagtunaw ay nangangahulugan na ang lahat ng mga organ na nauugnay sa panunaw, tulad ng bibig, esophagus, tiyan, maliit at malaking bituka, gayundin ang atay, bato, pancreas, gallbladder, atbp. ay kailangang nasa mabuting kalagayan.
Kung ang ating digestive system ay hindi gumagana ayon sa nararapat, maaari itong makaapekto sa kung paano nag-brebreak down at sumisipsip ng mga sustansya mula sa pagkain. Ito ang dahilan kung bakit ang malnutrisyon at biglaang pagbaba ng timbang ay karaniwang mga senyales na may mali sa digestive well-being ng isang tao.
Karaniwan din para sa mga taong may mga problema sa pagtunaw na makaramdam ng pananakit sa paligid ng kanilang tiyan, o dumaranas ng mga kondisyon tulad ng pagtatae (diarrhea) o paninigas ng dumi (constipation).
Anong Mga Karamdaman Ang Nakaaapekto Sa Digestive System?
Kabilang ang mga karamdaman na maaaring maranasan sa mga bagay na dapat mong malaman. Narito ang lahat ng tungkol sa digestive system partikular na ang mga karaniwang sakit na nakaapekto sa kalusugan ng digestive ng isang tao:
Habang ang ilan sa mga kondisyong ito ay karaniwang nawawala sa paglipas ng panahon o hindi nangangailangan ng anumang espesyal na paggamot, pinakamahusay na magpatingin sa doktor kung ito ay nagiging isang paulit-ulit na isyu. Posible para sa ilan sa mga karamdamang ito na magdulot ng mas malubhang komplikasyon.
Mga Sintomas Na Dapat Bantayan
Bukod sa mga sakit, nararapat din malaman ang lahat tungkol sa digestive system symptoms na dapat bantayan:
Kung nakararanas ka ng alinman sa mga sintomas na nabanggit sa itaas, pinakamahusay na kumunsulta sa iyong doktor.
Mga Sanhi At Risk Factors
Ang mga karamdaman sa digestive system ay maaaring sanhi ng maraming bagay, tulad ng mga sumusunod:
Diet
May malaking papel ang mga pagkain na kinakain natin sa kung gaano kalusog ang ating digestive system, maging ang ating katawan. Ang pagkain ng mga processed food, fatty food, pati na rin ang mga pagkaing mataas sa asukal at sodium ay maaaring magdulot ng mga digestive problems.
Ang pagkakaroon ng masyadong kaunting fiber sa diyeta ay maaari ring maging sanhi ng mga problema tulad ng paninigas ng dumi o maging ang appendicitis.
Posible rin para sa mga pagkain na maging mga trigger para sa iba pang mga kondisyon tulad ng Crohn’s disease o celiac disease. Mahalagang bantayan kung ano ang iyong kinakain, at bigyang pansin kung paano nakaaapekto ang iba’t ibang pagkain sa iyong katawan.
Lifestyle
Ang pamumuhay ng isang tao ay maaari ring makaapekto sa kanilang kalusugan sa digestive. Ang pagiging sedentary, pag-inom ng labis na alak, at paninigarilyo ay ilan lamang sa mga bagay na maaaring makaapekto sa digestive system. Samakatuwid, ang pagkakaroon ng isang malusog na pamumuhay ay direktang nauugnay sa isang mas malusog na digestive system.
Family History
Para sa ilang partikular na karamdaman, tulad ng inflammatory bowel disease, ang pagkakaroon ng family history ay maaaring magpataas ng panganib ng isang tao. Pinakamainam na malaman kung anong mga karamdaman ang karaniwan sa iyong pamilya. Gumawa ng mga hakbang upang mapababa ang iyong panganib para sa mga problemang iyon sa lalong madaling panahon.
Mental Health
Panghuli, ang kalusugan ng isip ng isang tao ay maaari ring makaapekto sa digestive system. Kung magiging partikular, ang irritable bowel syndrome ay maaaring ma-trigger ng depression, anxiety, at stress. Dahil dito, mahalagang hindi pabayaan ang iyong mental health at humingi ng medical intervention.
Pangangalaga Sa Iyong Digestive System
Panghuli ngunit ang pinakamahalaga sa lahat ng tungkol sa digestive system ang pag-alam kung ano ang mga maaaring gawin upang pangalagaan ang naturang sistema.
- Kumain ng mga pagkaing mataas sa fiber, tulad ng mga prutas at gulay.
- Huwag kalimutang mag-hydrate. Minsan, kapag ang mga tao ay nadagdagan ng fiber intake ngunit hindi umiinom ng sapat na likido, maaari silang makaranas ng matigas na dumi at pananakit ng tiyan.
- Kumain ng mas kaunting mataba na pagkain, mga pagkaing naproseso, at mga pagkaing mataas sa asukal at sodium.
- Mag-ehersisyo nang hindi bababa sa 30 minuto bawat araw o 150 minuto bawat linggo.
- Magkaroon ng ilang oras sa iyong sarili upang makapagpahinga ka at mag-destress.
- Kung may nararamdaman kang kakaiba, huwag mag-atubiling kumunsulta sa iyong doktor.
Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tip na ito, mapananatili mo ang pinakamaayos na kondisyon ng iyong digestive system.
Alamin ang iba pa tungkol sa Kalusugan ng Digestive dito.