backup og meta

Alamin: Paano Maiwasan Ang Pagkakaroon Ng Fatty Liver Disease?

Alamin: Paano Maiwasan Ang Pagkakaroon Ng Fatty Liver Disease?

Pagdating sa kung paano maiwasan ang fatty liver disease, ang pinakamainam na dapat gawin ay masimulan ito sa lalong madaling panahon. Huwag ng mag-atubiling maghintay pa na ma-diagnose ng fatty liver disease bago simulan ang mga pagbabago sa pamumuhay. 

Narito ang ilan sa mga mahahalagang bagay na dapat mong matandaan tungkol sa paano maiwasan ang fatty liver disease.

Mga Hakbang Paano Maiwasan Ang Fatty Liver Disease

Mapasahanggang ngayon, hindi pa rin nakasisigurado ang mga siyentipiko kung bakit nagkakaroon ang mga tao ng fatty liver disease. Gayunpaman, alam nila na mayroong ilang mga risk factors na nakapagpapataas ng posibilidad nito. Kabilang dito ang diabetes, mataas na cholesterol levels, at obesity.

Bagaman kilalang sanhi ang sobrang pag-inom ng alak, hindi lahat ng taong nagkakaroon nito ayumiinom. Mahalaga ang mga hakbang sa pag-iingat tulad nito upang mabawasan ang posibilidad na magkaroon ng naturang kondisyon. 

1. Magkaroon ng masustansiyang diyeta

Ang mga pagkain na mataas sa taba at kolesterol ay maaaring magpataas ng panganib ng tao para sa fatty liver disease. Upang mapababa ang iyong panganib, mahalagang magkaroon ng masustansya at balanseng diyeta.

Ang iyong mga kinakain ay dapat pangunahing binubuo ng mga prutas at gulay, na may maliit na bahagi lamang ng karne. Ang mga pagkaing may fats at oils ay dapat katamtaman ang dami, at unahin ang pagkain ng healthy fats mula sa olive oil, sunflower seeds, mga mani, at matatabang isda tulad ng tuna at salmon.

Sa pangkahalatan, ang mga maaasukal na pagkain ay dapat ding maliit na bahagi lamang dahil ang hindi masustansya ang sobrang daming asukal sa iyong diyeta.

Hindi lamang ang mga bagay na ito ay makatutulong na mapababa ang iyong panganib sa fatty liver disease, ngunit mapababa rin nito ang iyong panganib ng mga cardiovascular problems at diabetes na kinikilalang risk factor din para sa fatty liver.

2. Manatiling aktibo

Bukod sa pagkakaroon ng masustansiyang diyeta, mahalaga rin ang pananatiling aktibo.

Karaniwan, dapat nakakukuha ka ng hindi bababa sa 30 minuto ng ehersisyo limang beses sa isang linggo. Nakatutulong ito na panatilihing malakas at malusog ang iyong mga muscles, kinokontrol din nito ang paggana ng iyong katawan, at pinipigilan ang iyong katawan na mag-imbak ng labis na taba.

Kung ang pag-eehersisyo araw-araw ay nagiging monotonous, subukang paghaluin ang mga bagay-bagay. Maaari kang sumali sa sports, pati na rin subukan ang iba’t ibang klase ng ehersisyo upang panatilihing kapana-panabik ang mga bagay.

paano maiwasan ang fatty liver disease

3. Iwasan ang pag-inom ng alak

Katulad ng nabanggit, ang alcohol abuse kilalang salik ng panganib ng  fatty liver disease. Bagaman ang ang katamtamang pag-inom ay karaniwang ligtas, mainam pa rin na maiwasan ang pag-inom ng alak nang sa gayon ay makatulong sa kung paano maiwasan ang fatty liver disease. 

Sa halip na alkohol, subukang uminom ng fresh fruit juice o carbonated water. Ang mga inuming ito ay makatutulong upang matugunan ang iyong pananabik para sa alak nang walang karagdagang mga panganib sa kalusugan.

Bilang karagdagan, subukang iwasan ang mga carbonated na inumin dahil naglalaman ito ng maraming asukal na hindi mabuti para sa iyong kalusugan.

4. Panatilihing mababa ang timbang

Ang isa pang mahalagang bagay na dapat tandaan sa paano maiwasan ang fatty liver disease ay ang pagpapanatili ng iyong timbang. Ang pagbaba ng timbang ay nakatutulong dahil naglalabas ka ng sobrang taba, kabilang ang anumang naipon na taba sa iyong atay.

Kung ikaw ay obese o overweight, tiyaking gumawa ng mga hakbang upang patuloy na mabawasan ang iyong timbang hanggang sa matamasa ang pinakaangkop na timbang.

Iwasan ang magpadalos-dalos upang mababa ang timbang dahil ang biglaang pagbaba ng timbang ay maaari ring makasama sa iyong kalusugan. Dagdag pa rito, maaaring mahirap din para sa iyo na mapanatili ang iyong mas mababang timbang.

[embed-health-tool-bmi]

5. Pamahalaan ang iyong mga medikal na kondisyon

Panghuli, kung mayroon kang iba pang mga problema sa kalusugan tulad ng hypertension, mataas na kolesterol, o diabetes, tiyaking napangangasiwaan nang maayos ang mga naturang kondisyon.

Ito ay nangangahulugang na dapat nasisigurado ang pag-inom ng tamang mga gamot na may tamang dosage. Dapat mo ring sundin ang payo ng iyong doktor pagdating sa pamamahala sa iyong mga kondisyon, at siguraduhing makakuha ng regular na mga checkups.

Nakatutulong ang mga ito dahil nakapagbibigay ito ng pangkalahatang-ideya sa iyong kasalukuyang kalagayan. Ito ang makapagsasabi kung ikaw ay nasa tamang landas, o kung kailangan mong gumawa ng ilang karagdagang pagbabago para makabalik sa daan patungo sa mabuting kalusugan.

Key Takeaways

Pagdating sa kung paano maiwasan ang fatty liver disease, ang pinakamainam na dapat mong gawin ay magsagawa ng mga hakbang upang mapababa ang panganib nito. Sa pamamagitan ng masustansyang pagkain, pananatiling aktibo, at pagbantay sa iyong pangkalahatang kalusugan, maaari mong mapababa ang iyong panganib na magkaroon ng naturang kondisyon.

Key-takeaways

Alamin ang iba pa tungkol sa Kalusugan ng Digestive dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Nonalcoholic Fatty Liver Disease — American Liver Foundation, https://liverfoundation.org/for-patients/about-the-liver/diseases-of-the-liver/non-alcoholic-fatty-liver-disease/, Accessed December 14, 2020

Nonalcoholic fatty liver disease – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/nonalcoholic-fatty-liver-disease/symptoms-causes/syc-20354567, Accessed December 14, 2020

Fatty Liver Disease Prevention | Cleveland Clinic, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15831-fatty-liver-disease/prevention, Accessed December 14, 2020

Fatty Liver Disease: Risk Factors, Symptoms, Types & Prevention, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15831-fatty-liver-disease, Accessed December 14, 2020

Nonalcoholic Fatty Liver Disease | Johns Hopkins Medicine, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/nonalcoholic-fatty-liver-disease, Accessed December 14, 2020

Liver – fatty liver disease – Better Health Channel, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/liver-fatty-liver-disease, Accessed December 14, 2020

Kasalukuyang Version

11/22/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Paano Alagaan ang Atay? Heto ang mga Dapat Tandaan

Alamin: Anu-ano Ang Mainam Na Vitamins Para Sa Atay?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement