backup og meta

Anu-ano ang mga risk factors ng pagkakaroon ng fatty liver?

Anu-ano ang mga risk factors ng pagkakaroon ng fatty liver?

Ang fatty liver disease, gaya ng ipinahihiwatig ng pangalan, ay ang pagkaipon ng taba sa atay. Ngunit ano ang mangyayari kung may ganito kang kondisyon at ano ang risk factors ng fatty liver disease?

Ano ang Fatty Liver Disease?

May dalawang pangunahing uri ng fatty liver disease na na-obserbahan. Ang isa ay may kaugnayan sa labis na pag-inom ng alcoholic beverages (Alcoholic Fatty Liver Disease) at ang isa na hindi (Non-Alcoholic Fatty Liver Disease).

Maaaring walang sintomas ang fatty liver disease. Depende sa sanhi at kalubhaan ng sakit, na kalaunan ay hahantong sa pamamaga at pagkasira ng hepatic cells.

Noong 2018, ang pandaigdigang pagkalat ng non-alcoholic liver disease ay 25%. Ang Non-alcoholic liver disease ay dahan-dahang nagiging pangunahing sanhi ng cirrhosis. At ito ay nangangailangan ng liver transplantation. Ang insidente ng non-alcoholic liver disease ay patuloy ding tumataas. Ito ay maaaring nauugnay sa pagtaas ng prevalence ng mga nauugnay/predisposing na kondisyon tulad ng:

Para sa alcoholic liver disease,  ang isang tumpak na sukatan tungkol sa saklaw at pagkalat nito ay mahirap tantiyahin. Dahil maraming mga kaso ay walang sintomas.

Mga Uri ng Fatty Liver Disease

Ang pagkakaiba sa pagitan ng alcoholic at non-alcoholic liver disease ay makikita sa mga panganib, presentasyon, pathophysiology, at mga resulta nito.

Non-alcoholic fatty liver disease (NAFLD)

  • Uri ng fatty liver disease na nangyayari na walang chronic alcohol ingestion.
  • Ang simpleng fatty liver ay kung saan ang taba ay namumuo sa atay ngunit ang pamamaga at pinsala sa atay ay hindi nakikita; ang mga pasyenteng ito ay karaniwang malusog/asymptomatic
  • Non-alcoholic Steatohepatitis (NASH) Ito ay tumutukoy sa fatty liver disease na nagkakaroon ng pamamaga at pinsala sa mga hepatocytes (mga selula ng atay). Ito naman ay maaaring humantong sa pagbuo ng fibrosis o pagkakapilat ng atay. Ang pinakamasamang pagbabala para sa sakit na ito ay ang liver cirrhosis o liver cancer.

Alcoholic fatty liver disease

  • Ang uri ng fatty liver disease na ito ay nauugnay sa napakarami/sobrang pag-inom ng alak.
  • Habang ang mga pasyente ay umiinom ng alcoholic beverages, ito ay nasisipsip sa bituka at pinoproseso ng atay, kung saan ang ethanol (ang alkohol na makikita sa matapang na inumin) ay na-metabolize sa acetaldehyde, isang pangunahing nakakalason na metabolite, na isang pangunahing salarin sa pamamagitan ng fibrogenic at mutagenic effect ng alkohol sa atay.
  • Ang mga sangkap na tulad nito ay makakasira sa atay sa paglipas ng panahon at ito ay direktang proporsyonal sa dami ng alkohol na natutunaw.
  • Ito ay humahantong sa alcoholic hepatitis (pamamaga) at cirrhosis.

Ang liver cirrhosis ay isa sa mga pinaka kinatatakutang epekto. Sa ganitong kondisyon, ang chronic damage sa atay ay humahantong sa pagbuo ng fibrous bands ng tissue dahil sa regeneration ng liver tissue. Liver transplantation ang treatment para sa mga pasyenteng may malubhang liver cirrhosis.

Risk Factors ng Fatty Liver Disease

Maraming risk factors ang maaaring maiugnay sa pagkakaroon ng fatty liver disease. Para sa alcoholic fatty liver disease, ang talamak at/o labis na pag-inom ng alak ay nauuwi sa pagkakaroon ng sakit. Gayunpaman, may mga nakokontrol at hindi nakokontrol na mga risk factors. Maaari nating isaalang-alang ang mga sumusunod: 

Nakokontrol na mga kadahilanan

  • Labis na katabaan – Nagpapataas ng pagkakaroon ng build-up ng taba
  • Paggamit ng gamot – Partikular ang corticosteroids at ilang chemotherapeutic na gamot (ginagamit sa cancer therapy)
  • Mga hindi aprubado na herbal na gamot ay maaaring magdulot ng pinsala sa atay.
  • Exposure sa hepatotoxic na kemikal gaya ng carbon tetrachloride (dry cleanings solvent), paraquat (herbicide), vinyl chloride, at polychlorinated biphenyl.
  • Mabilis na pagbaba ng timbang, gaya ng nakasaad sa ilang pag-aaral, ay maaaring magdulot ng pagtaas sa ALT at AST (mga biomarker para sa paggana ng atay). Ito ay tinatawag ding transaminitis. Kadalasang nakikita ito sa mga pasyente na nagsasagawa ng mga crash diet. Ang pinsala sa atay ay nakikita sa mga pasyente na nababawasan ng hindi bababa sa 4 pounds sa isang linggo o higit pa.

Hindi makontrol na mga kadahilanan

  • Mataas na triglyceride levels
  • Mababang antas ng dugo ng High Density Lipoproteins (HDL), na kilala bilang iyong “magandang kolesterol,” dahil sinisipsip nito ang kolesterol at dinadala ito pabalik sa atay.
  • Hypertension – May kaugnayan sa pagtaas ng insulin resistance at bigat ng katawan sa mga pasyenteng ito
  • Type 2 Diabetes Mellitus (DM) – Ito ay dahil sa obesity at insulin resistance na nakikita sa mga pasyenteng ito.
  • Edad – Karaniwang makikita sa mga pasyenteng 30-70 taong gulang, na umaabot sa 50-60 taong gulang para sa mga lalaki at 30-40 taong gulang para sa mga babae.
  • Metabolic syndrome – Isang cluster ng risk factors na nagpapataas ng posibilidad ng mga pasyente na magkaroon ng atherosclerotic cardiovascular disease, diabetes mellitus, malalang sakit sa bato, at fatty liver disease. Kabilang dito ang insulin resistance, central adiposity, tumaas na BMI, hypertension, at hyperlipidemia. Ang predisposisyon nito sa pagkakaroon ng fatty liver disease ay nauugnay sa pagtaas ng insulin resistance at obesity na nakikita sa mga pasyenteng ito.
  • Hepatitis C infection ay maaaring magpapataas ng deposition ng taba malapit sa mga portal na bahagi ng atay. Ang mga taong may Hepatitis C Infection, na mayroon/nagkaroon ng steatosis, ay may posibilidad na magpakita ng pattern ng fatty deposition sa paligid ng portal area ng atay. Nag-aambag sa pag-kakaroon ng hepatitis C ang fatty liver disease.

Pag-iwas

Ang posibilidad na magkaroon ng Fatty Liver Disease ay maaaring mapababa sa

  • Sapat na pagbaba ng timbang at kontrol sa blood sugar
  • Pag-iwas sa napakarami o matinding pag-inom ng alak
  • Wastong ehersisyo kung nais magbawas ng timbang
  • Pag-iwas sa diet fads na maaaring magdulot ng pinsala sa atay
  • Ang pag-iwas sa mga impeksyon sa atay gamit ang bakuna sa hepatitis ay maaari ding maging epektibo sa pagpigil sa risk factors ng fatty liver disease.
  • Ang ilang mga gamot ay maaaring gamitin sa pag-iwas sa Fatty Liver Disease. Halimbawa, ang mga pasyente ay maaaring resetahan ng metformin bago ang pagkakaroon ng diabetes. Upang makatulong na bawasan ang panganib ng pagkakaroon ng diabetes. At tulungan ang pasyente sa pagbaba ng timbang, na kapaki-pakinabang din sa pagbabawas ng risk factors ng fatty liver disease.

Tandaan:  Hindi pa ganap na napatunayan na ang Metformin ay maaaring mabawasan ang panganib ng sakit sa atay. Humingi ng patnubay ng iyong doktor upang makontrol ang mga risk factors na maaaring mag-ambag na lumala ang sakit.  

Key Takeaways

Seryosong medical condition ang fatty liver disease na kadalasan ay walang sintomas hanggang sa magkaroon ng matinding pinsala sa atay ang pasyente sa anyo ng hepatic steatosis o liver cirrhosis.

Maraming mga risk factors. Karamihan sa mga ito ay may kaugnayan sa pamumuhay, at humahantong sa pagkakaroon ng fatty liver disease. Ang mga hindi magandang desisyon sa kalusugan na humahantong sa labis na katabaan at pagtagal ay hypertension, diabetes, at pagtaas ng visceral adiposity, ay nag-lalantad sa pasyente sa paglala ng sakit.

Ang pagbabago sa lifestyle sa pamamagitan ng diet, ehersisyo, pag-iwas sa alak, at pagbabakuna ay may papel sa pagpapababa ng risk factors ng fatty liver disease.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Fatty Liver Disease, https://medlineplus.gov/fattyliverdisease.html, Accessed Dec 12, 2020

Non-alcoholic Fatty Liver Disease, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6334080, Accessed Dec 12, 2020

Alcoholic Liver Disease: Pathogenesis and Current Management, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5513682/, Accessed Dec 12, 2020

Acetaldehyde adducts in alcoholic liver disease, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2952076/, Accessed Dec 12, 2020

Effect of a dietary-induced weight loss on liver enzymes in obese subjects, https://academic.oup.com/ajcn/article/87/5/1141/4650784, Accessed Dec 12, 2020

When the liver gets fatty, https://www.health.harvard.edu/diseases-and-conditions/when-the-liver-gets-fatty, Accessed Dec 12, 2020

Risk factors for NAFLD, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK384735/, Accessed Dec 12, 2020

Clinical epidemiology and disease burden of nonalcoholic fatty liver disease, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5743497/#:~:text=Although%20the%20majority%20of%20studies,and%2027.6%25%20in%20over%2060, Accessed Dec 12, 2020

LDL and HDL Cholesterol: “Bad” and “Good” Cholesterol, https://www.cdc.gov/cholesterol/ldl_hdl.htm, Accessed Dec 12, 2020

Fatty liver disease in diabetes mellitus, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4405411/, Accessed Dec 12, 2020

Increased prevalence of fatty liver in arterial hypertensive patients with normal liver enzymes: role of insulin resistance; https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC1774102/, Accessed Dec 12, 2020

Non alcoholic fatty liver disease and metabolic syndrome; https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2633261/, Accessed Dec 12, 2020

Steatosis, http://www.hepctrust.org.uk/information/impact-hepatitis-c-liver/steatosis#:~:text=Steatosis%20(fatty%20liver),has%20begun%20to%20be%20understood, Accessed Dec 12, 2020

Liver cirrhosis, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2271178/, Accessed Dec 12, 2020

 

Kasalukuyang Version

09/14/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Kaalaman Tungkol sa Short Bowel Syndrome

Bakit Kumukulo ang Tiyan? Alamin sa Artikulo


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement